Iyon ang nakalagay sa cover nito. Binuklat ni Rina ang folder at tumambad sa kanya ang mga pangalan at litrato ng mga taong kasapi sa Kulto. Halos pawalan ng lakas si Rina mabasa ang pangalan nina Tavern at Diana sa nakasulat. Ilan pa sa mga tauhan niya at mga bigating opisyales ng pulisya ay sangkot din. At tuluyan siyang nanghina noong mabas niya ang pangalan ng kanyang ama at step mother sa listahan. Muling nagsulat si Nico sa isang papel at pagkatapos ay ibinigay sa kanya. Binasa ito ni Rina. "May mga palandaan ang mga kasapi ng kulto. Makikita mo sa kanilang mga balat ang isang krus na pabaligtad bilang palatandaan nila sa isa't-isa." anito sa sulat. Napasandig sa sandalan ng sofa si Rina at saka ipinikit ang kanyang mga mata. She did remember her dad having that tattoo at h

