Chapter 4

2720 Words
NAPAG-USAPAN nila Alj at Jobz ang magkita na lamang sa Music Room ng Sky Production. Ito ang kumpanyang may hawak ng competition na sinalihan nila. Maaari nilang gamitin ang isa sa mga music studio ng kumpanya upang ayusin ang kanilang song entry. Kasama rin nila si Kyron. Ni-nominate nito ang sarili para tulungan sila sa pag-re-revise ng kanta free of charge. Actually, may hiningi itong secret favor sa kanya at pumayag naman siya dahil madali lang naman tuparin iyon. Pagkatapos daw ng kompetisyon ito maniningil. “Nakakaloka ‘tong Music Room nila, bukod sa sound-proof daw ay mukhang signal-proof din.” Ani Alj habang pinagmamasdan ang bar signal sa kanyang telepono. “Dito pala maganda magtago kapag gusto mong tumakas mula sa toxic social media world.” Kakaiba ang tinging ibinigay sa kanya ng dalawa niyang kasama. Pinalipat-lipat niya ang tingin sa dalawang lalaki. “Nag-share lang ako ng thoughts. Masama ba? Bawal?” “Madam, may pinagdadaanan ka ba sa buhay ngayon?” Tanong ni Kyron sa kanya. “Sabihin mo lang, pag-usapan natin ‘yan.” Umiling siya, “Wala naman.” Kinunot niya ang noo, “Mukha ba’ng meron?” “May basher ka ba on-line? Or na-cyber bully ka ba, Alj?” Si Jobz naman ang nagtanong. “Hindi rin. Ang ibig ko lang sabihin, masyado na kasing engaged ang mga tao ngayon sa internet. Parang basic necessity na siya na kung tutuusin, yung mga ninuno naman natin noon ay matagal na nabuhay without it. Alam niyo ‘yon, given na sobrang importante na talaga niya ngayon sa buhay natin; source of income, entertainment and information at lalo na ang communication. Sobrang importante niyon. Pero kasi, minsan masarap din kumawala sa nakasanayan. Kasi kaya naman natin.” Mahaba niyang esplika. Tumango-tango na lamang ang dalawa niyang kausap. Sign of defeat. “Anyway, back to our business, here’s the revision I made for the first stanza.” Inilahad niya sa dalawa ang ginawa niyang pag-babago sa lyrics. Labag iyon sa kalooban niya pero kinakailangan. Iniisip na lamang niya na para din iyon sa mas ikagaganda ng kanta. Bukod sa first stanza ng awitin ay may mga binago rin siya sa ibang part nito. May mga binago ring notes si Jobz sa bandang koro at bridge ng awitin. Binasa nang malakas ni Jobz ang bagong lyrics na sinulat niya. “Sa lahat ng alaalang meron tayo, Buong buhay iingatan ko. At sa pag-ibig na inalay mo, Mananalig hanggang dulo ay tayo.”   Sinusubukan itong ilapat ni Jobz sa gitara habang sinasabayan ni Kyron ng pagtipa sa organ.   “Sing it, dude.” Utos ni Kyron kay Jobz. Na sinunod naman nito.   Sabay munang nagpasok ng intro music sina Jobz at Kyron. Inawit na nga ni Jobz ang ginawa nilang kanta na may pamagat na, “Ikaw ang Hiniling”. “Sa lahat ng alaalang meron tayo, Buong buhay iingatan ko. At sa pag-ibig na inalay mo, Mananalig hanggang dulo ay tayo.   Walang tumbas ang salamat Sa akin ay inalay mo lahat Kaya sa’yo itong pusong tapat Alay din sa’yo pagibig na sapat   Koro: Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig Kapiling ka sa aking daigdig Ang buhay ay kulang kung wala ka Habambuhay…mahal kita   Bridge: Ang pagibig ay ikaw, ikaw ang hiniling Hindi mangangako ngunit gagawin Araw-araw ikaw ang iibigin Araw-araw ikaw ang pipiliin   Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig Kapiling ka sa aking daigdig Ang buhay ay kulang kung wala ka Habambuhay…mahal kita.”   Ni-record ni Alj ang bagong revised na kanta and for her, it sounds great! “Better?” Nakangiting tanong ni Jobz sa kanya. Masaya siyang tumango. ‘The best!’ Aniya sa kanyang isip. Nag-apir sina Jobz at Kyron. Ibinaba ni Jobz ang hawak na gitara at muling sumilay sa papel kung saan nakasulat ang liriko ng kanta, “Alj, suggestion lang. Pwede ba nating baguhin yung isang line sa bridge?” Kumunot ang noo niya. “Saang part?” “Yung line na, ‘Hindi mangangako ngunit gagawin’. Pwede ba nating palitan nang ‘Ipinapangako ko’t gagawin’?” Suhestiyon ni Jobz. “It only means na bukod sa ipinangako na niya ay gagawin pa niya. Instead of ‘Hindi mangangako ngunit gagawin’. Para kasing nagkaroon siya ng choice na hindi niya tutuparin yung promise niya.”   Saglit na nag-isip si Alj bago sumagot. Hindi siya papayag. She’ll stick to it. “Mas okay na yung hindi mangako kesa mangangako pero hindi naman tutuparin.” Depensa niya. Hindi siya nagpaparinig, nagpapaliwanag lang. “Kaya nga sinasabi niya na hindi siya nangangako pero at least kikilos siya. Araw-araw.” Binigyang diin pa ni Alj ang huli niyang sinabi. “Actions are better than words.” Dagdag pa niya.   Mahinahon pa rin naman ang tonong ginamit ni Jobz sa pakikipag-argumento sa kanya, “Same thoughts. Promise or without promise, kikilos siya. Mas okay yung-” “Mangangako is just a declaration of assuring something; a swear of maybe a false hope?” Ikinibit ni Alj ang mga balikat, “An action is an action. Even without the act of promising, he will do it every day! ‘Araw-araw ikaw ang iibigin. Araw-araw ikaw ang pipiliin.’ Pwede mo naman kasing gawin ‘yon even without promising. Ang mahalaga ginawa mo, ginagawa mo. Mangako ka man o hindi, gagawin mo.” May bahid na ng inis ang boses niya. Medyo mataas na rin ito. Base sa ekspresyon ng mukha ni Jobz ay hindi ito magpapatalo. Same old Jobz, the father of debate. Hindi ito nagpapatalo sa kanya sa tuwing may pinagdidiskusyonan sila, whether politics, showbiz, or any issues na mapag-usapan nila. Maliban na lang kung galit na siya ay saka lamang ito magpaparaya sa kanya. Sasagot pa sana si Jobz ngunit pumagitna na si Kyron. “Hey, guyz! What’s up? Chill. Itinaas ni Alj ang dalawang kamay na tila sumusuko. “You know what? I am out.” Tumayo na siya at tinungo ang pinto. “Alj!” tinawag siya ni Jobz. “What?” “Where are you going?” “Sa lugar na wala ka.” Pagtataray niya dito. Pero saan nga ba siya pupunta? “Baam.” Kyron. “Magpapa-hangin lang ako, Ky.” Lumabas na siya ng music room at ang tungo niya ay ang roof top. Itinanong niya sa guard na nakasalubong kung maaari bang magtungo roon at pwede naman daw. Sa rooftop ng Sky Production, doon na nga ang naging destinasyon niya upang magpahangin saglit. Why do they have to fight for such a small thing? Sobrang petty lang ng pinag-aawayan nila. Hinanap niya ang problema sa kanyang sarili. ‘What’s wrong with me? Bakit ako triggered?’ Masyado pa rin ba siyang apektado sa kanilang dalawa? Sa namagitan sa kanilang dalawa? It shouldn’t be! Masaya naman na siya ngayon. ‘Masaya nga ba?’ Hinayaan niyang liparin ng hangin ang buhok niya. Malapit nang magdapit-hapon kaya hindi na masakit sa balat ang tumatamang araw sa kanyang mukha. “Sorry.” Ikinagulat niya ang pagkarinig sa isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. “Sorry if I broke my promise.” Ani Jobz. Dama naman niya sa boses nito ang sinseridad sa sinasabi nito. “Bakit nandito ka? Paano mo nalamang nandito ako?” Nakatalikod pa rin siya kay Jobz. Tinamaan pala ito sa pagpaparinig niya. ‘Char lang!’ “To say sorry. And through Manong guard.” Nanatili siyang tahimik. Si Jobz ulit ang nagsalita. “Sige, huwag na natin baguhin yung lyrics. Let’s leave it as it is. Okay na yung second revision and hopefully it will be the last.” Hindi pa rin siya umimik. “Alj…” “Uhm?” “Bakit mo siya binalikan?” Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. “Bakit mo tinatanong?” “I just want to know. And because I saw you back then when you were still hurting because of him. You had a hard time finding your happiness before.” Yes, Jobz was there when she was still moving on. “He deserves a second and definitely the last chance.” Maikli niyang paliwanag. “Not because you love him?” May bahid ng panghuhusga ang tanong nito. Dito na siya napatingin sa lalaki. “Sana hindi ka na nagtatanong kung hindi mo rin naman tatanggapin yung mga sagot na maririnig mo.” May kalakip ulit ‘yon ng pagtataray. “I gave him his second chance because I choose to love him again. Okay na?” Jobz was speechless. Mukhang may gusto itong sabihin ngunit mas pinili ng lalaki ang manahimik na lamang. “Nakita mo naman pala kung paano ako nasaktan noon. Bakit mo rin ‘yon ginawa?” Jobz was still speechless. He didn’t answer her question. “In fairness to Jethro, he told me his reasons kung bakit hindi ako ang pinili niya noon; na mas pinili niya yung babaeng kakikilala niya pa lang over me; compare sa akin na five years na niyang karelasyon. And it’s okay kasi kapag mahal mo, pasasayahin mo kahit pa nga na ang ibig sabihin n’on ay ang palayain siya. But you? What did you do? You broke me, not just my heart, but my hope, and my trust na kakabuo pa lang ulit. You broke our friendship. You even left me without telling your reasons. Ako pa ang nakadiskubre ng kagaguhan mo.” Nanumbalik na naman sa balintataw ni Alj ang mga pangyayari limang taon na ang nakalipas. They became best of friends. She can tell Jobz whatever it was running in her mind. Minsan ay i-te-text niya ito just to tell him random things. Patola naman si Jobz dahil kahit gaano pa kawalang kwenta ang mga text o tawag niya ay sinasagot o pinapakinggan ito ng lalaki. They can talk anything and everything under the sun. Kahit gaano pa iyon kawalang kwenta. Intelehente rin ang lalaki kaya minsan imbes na mag-google siya ay dito na siya dumederetso para magtanong. When she needs information for whatever she is writing, si Jobz kaagad ang tinatawagan niya. She almost gave up her passion which is writing. Pero lagi siyang pinupursige ni Jobz para magsulat. Binibigyan pa nga siya ng lalaki ng mga assignments and ultimatum about any topics that she can write about. Ito rin ang naghahanap ng mga writing workshops or seminars and even online courses para sa kanya. Pati sa paghahanap ng mga publishing companies ay tinutulungan din siya ng lalaki. Nagiging editor pa nga niya ito minsan. She was not confident with her talent but Jobz assured her that she’s doing fine and she can pursue it. Naniwala ito sa kanya at sa kakayahan niya. Their hangouts would always be in public libraries, coffeeshops, cakeshops, restos with her laptop on. Tumatambay rin sila sa mga parks and museums para makahanap ng inspirasyon still with a pen and notebook habang si Jobz ay gitara ang hawak. When her first ever purchased laptop broke, she cried a lot and shared the pain with Jobz. Kinabukasan, may bago na siyang laptop with same brand and model of her broken and old one! Kaya naman niyang bumili ng bago pero ito na ang nagkusa. At ang laptop na iyon ay buhay pa rin at patuloy niyang iniingatan. She used to write poems to express her feelings and she put it in her personal blog. Binabasa rin iyon ni Jobz. One day, Jobz sent a music file to her. It was a recorded file. It was one of her poems na nilapatan ni Jobz ng musika at inawit. And that one fine sleepless night, they made the song flawless over the phone, from Bataan to Makati… with love. “You know what? The lyrics of this song was for him.” Alj confessed to Jobz. “Akala ko kasi siya na ang forever ko. But I’m still thankful to him because I can still write to express all the thoughts inside my head and heart.” “Hindi na para sa kanya ‘to, Alj. Para sa’yo na ang kantang ito. Because you’re the one who made it. And I made the music for you.” Umiling siya, “No. It’s for us.” Kontra niya sa sinabi ni Jobz. “Kanta natin ‘to, Jobz. Para sa’yo na rin ‘to.” “Thank you.” “You deserve it, baliw.” Natatawa niyang turan sa kausap. “Alj, I have a question.” “Shoot it. Huwag Math, ha.” Biro pa niya. Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ni Jobz bago ito muling nagsalita, “Can I love you?” Siya naman ang hindi kaagad nakasagot sa tanong ni Jobz. “Huy, Alj. Tulog ka na ba? Nabigla ba kita? Sorry. I just want you to know how I feel right now. Para na kasing sasabog ang dibdib ko kung hindi ko pa sasabihin.” “Yung tanong mo kasi, ang ewan lang. Tinatanong ba ‘yon? Feelings mo ‘yan eh. So, you’re the one who should validate and allow it. Hindi ako.” “What I mean on my question is, kung papayag ka ba na ipapadama ko sa’yo na mahal kita because I really am. I am really in love with you, babaeng iyakin.” Paliwanag ni Jobz na halata ang kaba sa mga salitang binitiwan nito. “Manliligaw ka ba?” Siya na ang prangkang nagtanong dito. “Papayagan mo ba ako?” Balik-tanong naman ni Jobz. Okay nga lang ba sa kanya na ligawan siya ni Jobz? Pag-iisipan muna niya. Pero masaya siya sa nalaman niya. She felt valued once again. But the real question is, ready na ba siyang sumugal ulit? It’s only been five months when she got her first heartbreak. Pero wala naman ‘yon sa tagal ‘di ba? Kapag naramdaman mo na, naramdaman mo na. “O-okay lang naman na manligaw ka, Jobz. But I can’t guarantee you anything. Paano kapag umabot ng ilang taon? Paano kung hindi pa talaga ako ready?  Paano kung we are better off as friends? Paano kung magsawa ka or may mahanap na mas better? Ang dami kong what ifs na naiisip ngayon. But all I am sure right now is masaya ako kapag nakakausap at nakakasama kita. At ikaw ang pinakamalapit sa puso ko ngayon. You know what I mean.” Totoo. Jobz was special for her. In every meaning of the word special, si Jobz ‘yon. For her, he came just right in time. And she fully appreciates his existence in her life. Ang dami niyang pasasalamat sa lalaki. She’s beyond grateful for having Jobz around. “There may be a lot of ‘What ifs’, but there’s also ‘What is’. Sabay tayong susugal, Alj. And I can wait until both of us get better. I just want to be clear of my intention to you. I don’t want us to be in the friendzone forever. I want more than that. We both deserve to be happy…together. I promise I’ll wait for you until you are ready, until we…are both fully ready.” “I don’t know what to say anymore.” Naubusan na talaga siya nang sasabihin. Basta masaya siya sa rebelasyong binanggit ng lalaki. Masaya din siya sa awiting ginawa nito para sa kanya. “You don’t have to say anymore right now,” Ani Jobz. “Kita tayo sa weekend. Para malaman mo nang personal na totoo lahat ng sinasabi ko ngayon. Seryoso ako, Alj. Seryoso ako sa’yo.” “Okay, sabi mo eh.” Nangingiti na lamang siya. At ang mga ngiting iyon ay umaabot na sa kanyang tainga. That night really became sleepless for both of them. Kahit pa nga na may trabaho pa sila kinabukasan.   “Alj. Lumayo ako kasi natakot ako…” Ito ang mga katagang nagpabalik ng ulirat ni Alj sa kasalakuyan. Naguguluhan niyang hinarap muli ang lalaki. Paanong?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD