Chapter 7

2293 Words
"How was the first day of school?" Bumungad agad si Vivian habang naglalakad kami papasok. Bigla ako napatitig kay Uno na malalimng titig sa akin at walang balak putulin ang titig niya. Huminga ako ng malalim. Sa sinabi ko kay Hansen ay napapaisip ako. Mas mabuti na lang na mahirap ako mahalaga hindi ako nasa teritoryo ng mga kalaban. Ang dami talaga pumapasok na salita sa utak ko pero mas pipiliin ko na lang manahimik. "It went well. You can ask Hansen for information because I'm tired," I said, lazily. Nauna na ako maglakad mukhang hindi kinatuwa ni Vivian ang pagtalikod ko sa kanila. Mabilis na nag-explain si Hansen sa kanila bago niya ako habulin na patakbo. Mas gusto ko na lang humiga. I feel like I live to exist. I really don't feel alive at all. I am more likely a robot just following someone's order then doing it. Kung pwede lang ako mapag-isa muna sa garden ay baka doon muna ako. I really miss my parents a lot. "Hey, are you okay?" his voice is laced with concern. Hinabol niya ako at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Why you look sad?" I shook my head. "Nothing. I just want to go to bed." "Bukas naman mahaba ang oras natin. We can eat on a rooftop to relax." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Nakakunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Bakit niya naman gagawin iyon para sa akin? "You don't have to pity me. I'm fine." Wala talaga ako gana makipag-usap sa iba. Pumasok na ako at mabilis dumiretsyo sa banyo para maligo ng mabilis. Ginawa ko na ang night routine ko at lumabas na sa banyo. Nakaupo si Hansen sa gilid ng kama habang nakatukod ang siko niya sa binti. Umangat ang tingin niya at napatingin sa akin. "I just…" he paused. He licked his lips as he embraced himself. "I want to be there for you, Ivory. I'm serious. I don't pity you." Pinagkrus ko ang dibdib. "Why are you doing this?" Hindi naman pwede na bigla na lang siya maging mabait sa akin. Para ba naman kami na aso't-pusa dahil madalas kami mag-away. Minsan lang kami okay ni Hansen pero madalas puro sarcastic kung paano kami mag-usap. Hindi naman pwede na siya ang may kailangan sa akin. He just pitied me so much because my mask fell off and he saw my emotions flickered through my eyes. "There's no explanation. Ayaw ko lang talaga—" "Ayaw mong ano?" I interjected. Tinagilid ko ang ulo habang pinagmamasdan siya. "As far as I remember… a person like you doesn't feel any s**t to a poor rat like me. What do you need, Montepalma?" He clenched his jaw. "Why do you always have to think so low of yourself?" Napakurap ako sa kaniyang sinabi. Nalaglag din ang panga ko dahil sobrang seryoso ng mukha niya. Napalunok ako. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. "Am I not allowed to show any compassion or kindness to anyone? Regardless of their status?" his voice sounds so dangerous and husky. Sobrang lapit niya na sa akin at halos mapaso ako nang ilapat niya ang daliri sa pisnge ko. "Why do you hate me so much if I wanted you to be okay?" "B-Because you're rich! Sobrang taas ng tingin niyo sa sarili niyo! You think… you can just pay anyone to serve you!" I snapped. Nagsimula na bumigat ang dibdib ko. "Lalo na kung nasaan tayo, Hansen! I hate people like you because you are greedy when it comes to money! Look at us! We are like their puppets!" His eyes darkened. His adam's apple bobbled up and down. Kaya mas pinipili ko na lang matulog kaysa sobrang maging emosyonal. "I will f*****g surrender my wealth so you won't be mad at me, Ivory. I will gladly do it. Para hindi ganiyan ang tingin mo sa akin…" malambing na sabi nito. My eyes grew bigger. Nilagay niya ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko. He gave a sheepish smile. Hindi ko maintindihan na kahit sinisinghalan ko siya ay kalmado lang siya sa harapan ko. Hindi naman siya ganito! Mas gusto ko na nagsasagutan kami, hindi iyong ganito siya na malambing sa akin! Pwes! Gumagana ang teknik niya para matunaw ang galit ko. Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko. "Bukas… tambay tayo sa bubong at kilalanin pa natin ang isa't-isa. Ayaw ko na malungkot ang partner ko. Mas gusto ko na confidence siya at mataray." Napalunok ako. Paano niya nararamdaman na malungkot ako? "Come on, Ivory. I know you are tired. Let's sleep." Ang boses niya ngayon parang hinehele ako. Natuyo lalamunan ko kaya nagawa ko na lang tumango. Umurong iyong tapang ko. Paano ako magagalit kung kalmado at malambing siya? Siguro bihasa na siya sa ganito. He really knows how to lure women. Hindi naman mawawala pagiging playboy niya kasi mayaman siya at sa tingin niya magkakandarapa lahat ang mga babae sa kaniya. Baka nakakalimutan niya na nandito ako na hindi patay na patay sa kaniya! Parehas na kami humiga sa kama. Niyakap ko iyong kumot dahil nilalamig ako. Nagsisimula na lumamig ang klima sa France. "Nilalamig ka?" he asked. "No, matulog ka na lang," I replied. "Sure ka?" I rolled my eyes. Masyado na naman feeling ang isang ito. "Just f*****g sleep, Montepalma." I heard him chuckled. Halatang tuwa-tuwa siya dahil kuhang-kuha niya ang inis ko. Pinikit ko iyong mata ko at mabuti na lang nilamon ako ng antok. The first thing I saw in the morning is I saw Hansen doing some push up. He was wearing sweatpants and no shirt on top. His body is glistening with sweat and his muscles look more firm. Napakusot pa ako ng mata kung totoo ba iyong nakikita ko. I've never seen him waking up early. While he was pushing up, his head turned sideways then shot his brooded eyes on me. "Good morning, sunshine," he greeted playfully. "Our breakfast is ready on the table." My forehead crinkled. "Why are you awake so early?" Tumayo siya at kumuha ng towel para punasan iyong mukha niya. Droplets of sweat are rolling down through his temples. "Why? Ikaw lang ba pwede magising ng maaga?" Inirapan niya ako sabay sampay sa leeg niya ang pamunas. Pumunta siya sa table para kumuha ng breakfast. "Let's eat. I'm dying to eat this breakfast because I am waiting for you to wake up." "Bakit hindi ka nauna?" Ako naman ngayon ang napairap. Tumayo na ako at naglakad para makita ano breakfast namin. Kung titingnan lang kami ng mga tao ay parang normal lang pero mga preso kami ng mga Marseille talaga. "Well, I am waiting for a sleeping beauty to wake up so we can eat together. Be thankful that I am so thoughtful," he explained. I scowled. "You're saying that I am not thoughtful because I am not waiting for you?" "Exactly my point, Ivory." He really sounded so sarcastic again. Mukhang bumalik na siya sa usual self niya. Hindi siya iyong katulad kagabi na parang kakaibang Hansen ang nakikita ko. Sa inis ko ay kinuha ko iyong toast bread at sinawsaw iyong sa hot chocolate. After we ate our breakfast is we did our usual routine. At naghihintay lang kami sa papasok para hatid na kami sa garahe. Akala mo talaga makakatakas pa kami. Kahit naman na tumakas kami ay panigurado ay sabog na agad kami. "Diretsyo ka ba sa opisina ni Mr. Moulin?" he inquired. I shrugged my shoulders. "Maybe. Ayun ang sabi niya sa akin dahil assistant student niya na ako." "Assistant student my ass." Mukhang inis na naman siya kahit wala naman siya rason para mainis. Tiningnan niya ako sa mata. "He really looks like a predator of an innocent woman." "But I am not an innocent woman, Montepalma." My lips twitched. His face looks amused by our conversation. Kaya talaga hindi ko maintindihan ang mood nito. Minsan iritado, minsan hindi. Kaya hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kaniyang isipan. He bit his lower lip. "Are you a wild woman, then?" Napanguso ako sa kaniyang tanong. Umusog ako para malapit kaming dalawa sa higaan. Kasi naghihintay lang kami sa susundo sa amin. I leaned my face to him, halos maduling siya sa sobrang lapit ko. "You want to try if I am telling a truth or not?" I teased. He clicked his tongue reiteratedly. Naramdaman ko na gumapang ang kamay niya sa binti ko. "You know that I am down when it comes to you, woman," he muttered. His eyes drifted on my lips. "Your lips…" I arched my eyebrow. "My lips what?" Bumalik muli ang tingin niya sa mata ko. He really looks so charming and hot. With his deep set eyes is trying to burn you with so much passion and fire. Ningisihan niya ako. "I am tempted to kiss you, Ivory." Nabigla na lang kami dalawa na may padabog na nagbukas. Pinagkrus ni Uno ang kamay sa dibdib habang mariin ang tingin niya kay Hansen. Kaya humiwalay na ako para mauna. Gusto ko lang naman tuksuhin si Hansen kasi wala kami magawa. Sobrang inip na ako. Pero paulit-ulit tumutunog iyong sinasabi niya sa akin. Syempre gusto niya ako halikan! Kasi nga babaero siya at sobrang sanay na humalik ng babae na kung sinu-sino. Kaya mukhang good mood tuloy si Hansen. Habang si Uno naman kasalungat ang itsura. He looks so pissed and jealous. I mean, let's be real. He likes me. Naalala ko nung dati ay inaaway niya iyong mga gusto manligaw sa akin. Kaya kilala ko na rin si Uno kung nagseselos ba siya o hindi. As usual, nagpapanggap kaming estudyante kaya nakarating na kami sa unibersidad. Naglakad na ako papunta sa opisina ni Mr. Hubert habang si Hansen na lumalayo ng kaunti. Ang weird naman kung dikit talaga kami ni Hansen. Baka mabulyaso pa ang misyon namin dalawa. Gusto ko na makawala sa Marseille. I was scribbling some notes about our particular topic in Biochemistry. Mukhang gulat na gulat si Hansen kasi nagsusulat ako ng notes. Nang matapos na ang klase ay mabilis ko nililigpit iyong mga gamit ko hanggang sa isang petite na babae lumapit kay Hansen. “Bonjour. I’m Gavrielle, how about you?” the girl introduced herself in front of a jerk. Her skin looked so tanned and she had dark hair. “You look new here in this university. I’m curious about you.” Nilahad ni Hansen ang kamay niya. “I’m Hansen. Lovely to meet you, Gavrielle.” My eyebrow pinched together when he brought Gavrielle hands on his lips. The asshole even had the guts to give me a side eye then smirked. Napailing na lang ako. Babaero talaga ang isang ‘to. Umirap na lang ako sa hangin bago siya talikuran. Alam ko naman siya susunod siya sa akin. Kinuha ko iyong mga gamit ni Mr. Moulin. Nagulat ako na ngumingiti ang dalawa habang nag-uusap. Kasi nakasunod lang si Gavrielle sa kaniya habang si Hansen na pasimple na sumusunod sa akin. Binunton ko na lang ang atensyon ko kay Mr. Moulin. Siguro naman pwede niya gamitin ang pagiging babaero niya sa pag sagap ng impormasyon ‘no? “Do you understand our topic for today?” Hubert inquired. “Yes, Sir. You are really a good professor,” I answered. Nawala na si Hansen sa isipan ko. “To be honest… I am not good at Science but I learned so much from you.” Hubert held his chest. “Merci beaucoup, Ivory. I’m very glad you’ve learned something.” Sabay na kami pumasok ni Hubert sa opisina niya at maingat ko nilapag mga gamit niya. Pumunta ako sa mga makakapal na libro tungkol sa Biochemistry. Nagulat ako na hindi lang pala Biochemistry ang tinuturo niya kundi Human Anatomy din. Wow. “You seem fascinated about that,” aniya habang naglakad palapit sa akin. “Since you’re my student assistant, my new lesson would be nucleic acid.” Napanguso ako. “I hope it’s not hard.” “Oh, nucleic acid is one of my favorites in Biochemistry. You’ll probably enjoy studying nucleic acid compared to carbohydrates, lipids, and metabolism.” Ningitian niya ako habang tinitingnan niya ako ng masinsinan. “I can invite you to my house for dinner if you want to talk about it.” Napakagat ko ang ibabang labi. Bakit kaya nag o-offer si Hubert sa akin ng ganito? Did he invite his student to his home? I am utterly curious about it. Kaya ngumiti rin ako para ipakita sa kaniya na masaya ako na inimbita niya ako. “I don’t want to assume things…” I trailed off. Hinarap ko si Hubert at dahan-dahan lumapit sa kaniya hanggang sa ilang pagitan na lang kami. “It seems like I am your favorite student, Sir.” He gave me a smirk. “Looks like you hit the bullseye, Miss Ceretti.” Bumungisngis ako. Umangat ang kamay niya at dumapo iyon sa leeg ko. I wanted to cut his hands off of me. Pero kailangan ko magawa ang misyon na ito. I can see how mesmerized he is when his fingers traced my neck down to my collarbone. “Let’s meet on Sunday. I’ll email you the time,” he whispered. His voice really gave me a goosebump. Kaya tumango na lang ako at nagpasya na lumabas na ng opisina niya. Mukhang mabuting balita na maibabahagi ko kila Vivian. Baka malapit ko na malaman kung ano pin code ng banko niya. Paglabas ko ay nakita ko na nakasandal si Gavrielle sa pader habang nakatukod ang kamay ni Hansen sa gilid ng mukha ng babae. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ang misyon niya o magiging palpak lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD