(Kunot ang noo ni Jio nang mag-send ng picture kay Danica) Hoy! Nica. Ano ‘to? Ikaw, ha. Susumbong na talaga kita sa mga kapatid mo. Nagtataka ang mukhang binuksan ni Danica ang picture. Pero namilog din ang mata niya dahil silang dalawa ni Francis ang nandoon. Ayun ‘yong oras na muntik na siyang mahulog sa bangko at nasalo siya ni Francis. Sobrang lapit nila sa picture at ang anggulo ay medyo nakatagilid sila parehas na mukhang magkahalikan. (Sinilip ni Danica ang Mama niya na nasa harap niya lang bago tumipa sa cellphone) Kuya! Saan galing ‘yan?” (Nakaupo lang si Jio sa desk ng office nila) Kalat na sa University files. (Namimilog naman ang mata ni Danica) HAAA??? Napaupo si Danica at hinanap ang University files nila. She’s speechless by the 300 comments, 100 shares and 1,000 like

