“Pauwi ka na?” tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya saka naglakad papuntang sakayan. Sumunod naman sa kaniya si Benedict. Sobrang awkwardness ang nararamdaman ni Danica dahil dalawa lang sila ni Benedict. Parang gusto niyang tumakbo papuntang sakayan para hindi na siya pansinin nito. “Hatid na kita,” suhestyon sa kaniya ni Benedict. “Okay lang. ‘Wag na,” tanggi naman ni Danica. “Para rin makauwi ka agad,” saad pa ng binata. “It’s fine. Pupunta rin ako sa Tita ko na madadaanan ko lang,” pagdadahilan niya pa. Pero totoo naman dahil may pinapaabot ang Tita Keith niya galing sa store nito kaya kailangan niya ring pumunta. “Okay. Ingat ka,” tumatangong sabi ni Benedict habang seryoso pa rin ang mukha. “Thank you,” ani Danica saka tipid na ngumiti. Tumango lang si Benedict at ngum

