“Kumusta na pala kayo ng ex mo? Kinakausap ka pa rin ba?” tanong ni Danica nang makalampas na sila sa campus. Naalala niya kasi na nirereklamo nito last month na hindi pa rin siya tinitigilan ni Paul. “Chat pa rin nang chat sa akin noong bakasyon pero hindi ko naman na nire-replyan. Bahala siya manigas d’yan. Pati ata si Lilian tinatanungan about sa akin no’n,” nakasimangot na naman na sabi ni Alice. “Hindi ata maka-move on sa ganda mo, eh,” pang-aasar ni Danica. “Naku, Danica. Huwag mo ipinapasa sa akin. Alam kong may something sa inyo ni Benedict,” balik na banat naman nito sa kaniya. Binatukan ni Danica si Alice dahil hindi pa ito tapos sa pang-aasar niya. “Sabing wala nga, eh. Pala-desisyon ka rin,” aniya. “Hindi ka rin maka-move on. Baka ikaw ang may gusto ro’n, ah,” dagdag niya p

