“Mga bebe raw nila,” ani Ross. Bago pa mabuksan ni Danuca ang message nila ay sinabi na agad ni Ross kaya mabilis niyang tiningnan ito. “Hala. Paano tayong mga single?” gulat na tanong ni Danica habang bahagya pang natatawa. “Break up celebration ko pero naging bebe time nila. Grabeng mga kaibigan talaga,” umiiling na wika ni Alice. Nalukot na lang ang mukha ni Danica. Maya-maya lang ay dumating na rin ang mga kaibigan niya. Maasim ang mukha ng tatlo dahil sa mga kasama nitong lalaki nang salubungin ang kaibigan. “Sagutin ko na kaya si Britney?” bulong ni Ross sa gilid ni Danica. “Inggit ako, ih,” natatawa niya pang dagdag na ikinatawa ng dalawa. Kaklase ni Danica si Britney. Tibo ito pero si Ross ay lesbian. Suportado naman niya ang mga kaibigan kung saan sila sasaya basta ay hind

