Hindi niya maitulak ang binata. Kaya naman napatikhim siya. “Wala, nabangga ko lang sila. Nag-sorry lang ako,” sagot naman ni Danica nang maintindihan niyang gusto lang siyang tulungan ni Benedict. Tumango-tango naman si Benedict. “Let’s go?” aya nito sa kaniya. Nagkaroon ng ngiti sa labi ni Benedict nang tumingin ito kay Danica. Si Danica naman ay parang natulala dahil sa mga nangyayari. “Ah, yeah,” wika niya sabay ngiti rin ng matamis. Pero bago pa sila makapaglakad ay mataray niyang nilingon sila Hans. “Sorry to disappoint you, Girl. But, I am definitely happy of my relationship with MY guy,” may pagyayabang na sabi ni Danica na ipinagdiinan pa ang salitang ‘my’ habang may ngisi sa mga labi. Nawala naman ang ngiti ng babae. Muli niyang tiningnan si Hans na titig na titig sa kaniya

