“Ready na ba kayo, guys?” excited na tanong ni Alex sa kanila habang pumapalakpak pa na parang bata. “Ikaw lang ang excited, Lex,” nakasimangot na sabi ni Benedict. “Katatapos lang natin kumain, rides kaagad,” ani Rain. “Paunahan na lang sumuka pagkatapos,” tumatawang saad naman ni Janice. “Hindi ‘yan! Ano ba kayo! Pumunta nga tayo rito para mag-enjoy hindi kumain lang. Tara na dali! Pila na tayo. Bawal ang kill joy. Sulitin natin ang ibinayad natin dito,” pangungumbinsi ni Alex. Sabay-sabay na napabuntong hininga ang magkakaibigan dahil wala na rin naman silang magawa. Kapag hindi sila sumama ay paniguradong pipilitin lang sila lalo ni Alex. Matapos nilang makasakay sa Anchors Away ay pahapong umupo sa sahig ang mga kalalakihan. “Ang hina naman ng sikmura ninyo. Daig pa kayo ng m

