Alas sais nang gabi ng maisipan nila Danica na umuwi na. Malapit na rin kasing magsara ang buong Amusement Park at nakaramdam na rin sila ng pagod. “Rain, pahawak. Lagay ko lang sa loob ng bag ko phone ko,” wika ni Danica nang maiabot ang isang eco bag na galing sa Amusement Park kay Rain. Sabay-sabay silang naglakad papuntang tricycle sa labas ng Amusement Park na magdadala sa kanila papuntang lungsod kung saan muli silang sasakay ng bus. Ayaw na kasi nila maglakad dahil madilim na sa labas at wala pang ilaw sa daan. Para silang naubusan ng energy dahil sa pabagsak nilang pag-upo pagkasakay sa bus. Tumabi si Alice kay Danica. Si Danica naman ay agad na ipinikit ang mga mata. “Sobrang saya ng araw na ‘to! One of my best Christmas!” masiglang wika ni Janice. “Thank you, Guys! Dahil sa

