Bago ang disperas ng pasko ay pumuntang grocery store si Danica kasama ang Mama niya. “Ano ang lulutuin natin, Ma?” tanong ni Danica habang itinutulak ang push cart. “Kahit ano,” sagot naman ni Ninfa habang kumukuha ng spaghetti noodles. “Luh. Kuha lang siya nang kuha,” tumatawang sabi ni Danica. Natawa lang din ang Mama niya. “Ayan listahan kasi, oh,” anito pagkaabot ng papel kay Danica. “Akala ko kukuha lang talaga tayo, eh. Uubusin ko chocolate nila rito,” may pang-aasar na sabi ni Danica. “Kapag tayo na-short sa budget, ikaw ipambabayad ko rito,” nakangiting sabi ni Ninfa. “Hindi mo kaya, Ma,” tumatawang sagot naman ni Danica. Hindi na siya sinagot ni Ninfa. Umikot sila sa stall ng mga sauce. “Ma, ‘yong may cheese ba o regular lang na sauce?” tanong niya sa Mama niya habang tin

