Natapos ang pasko hanggang bagong taon na masaya si Danica. Nawala na rin sa isip niya ang magtanong kay Benedict dahil hindi niya muli itong nakausap matapos ang araw na iyon sa dami ng ginagawa nila sa bahay. Sa bahay nila sila nagpasko samantalang pumunta naman sila kila Jio para doon ipagdiwang ang new year. Noong New Year ay naging sobrang saya ng selebrasyon nila dahil magkakasama silang buong mag-anak na nasa Maynila. Nasa sala sila. Nagkukwentuhan at nag-iinuman ang Papa at mga Tito at Tita ni Danica habang siya ay nanonood ng movie sa tabi nila. Hindi umiinom ang Mama niya kaya naman nakisali na lang din ito sa usapan nila pagkalabas galing kusina kasama si Tita Keith. Ganoon din ang Nanay ni LA na hindi muna umiinom dahil gising pa ang anak. Ang dalawang pamangkin naman n

