32 || Thirty-second Meeting ||

1675 Words

Bumalik na ulit sila sa klase matapos ang kalahating buwan nilang bakasyon. Kumaway si Danica sa mga kaibigan nang makapasok sa kwarto ng Class A. Sari’t sari rin ang mga bating natanggap niya mula sa mga kakilala. May iba na yumakap pa sa kaniya at nakipagbeso. Pakiramdam niya tuloy nasa isang gathering sila dahil din sa mga ingay. Expected na iyon sa kanila dahil nga unang araw ng pagbabalik ng klase nila. Kaya halata ang kasabikan mula sa mga ito. “Guys!!!” “Dan!!!” Sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan niya. Nagyakapan pa sila nang makalapit na si Danica. “Kumusta?” panimula niya sa mga ito. “Buhay pa rin naman. Normal pa,” sagot naman ni Alex. “Si Rose lang naman ang hindi normal dito dahil sa pumoporma sa kaniya na taga sa kanila,” wika ni Krizza. “Nakakainis na nga, eh.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD