"Ano meron? Bakit siya nagpakain?" tanong ni Lily. Biglang dumating si Cecil galing sa taas at inabutan ang tanong ni Lily. Kaya sinagot niya ito. "Actually, hindi mismo siya ang nag-celebrate. Buong Family nila dahil 'yong kapatid niyang babae ay kakapanganak lang." "Grabe noh! Nagbago na siya kasi ang bait-bait niya ngayon pero medyo ako nanghihinayang pa rin kay Madame Aiko. Di pa rin niya nahahanap si Mr. Right Guy para sa kanya. Sayang siya. Ang ganda-ganda pa naman niya kahit sa mata ng isang babae. Biruin niyo, halos lahat na ng mga kapatid niyang babae ay may kanya- kanya nang asawa. Buti may asim pa siya noh? Sa mga ganyang edad ay ang pagkakaalam ko ay nagiging menopause na raw kasi tumatanda na eh," panghuhula ni Penelope. "Pero guys! Parang napapansin ko. Parang buntis siya

