Kinaumagahan... Bago ako umalis ay tinangka ko munang kausapin si inay para alamin ang kalagayan ng amain ko. "Makaka-survive ba si Otosan Kashi?" "Ang Panginoon na ang bahala anak. Eh ikaw naman? Kailan ka talaga magpapakasal? Gusto na namin magka-apo," nakangiting sabi niya. Heto na naman siya. Sinubukan ko na lang sabihin sa kanya ang totoo. "Inay, malapit na malapit na kayo magka-apo at malapit na rin akong ikasal. Ngunit magkaiba ng babae. 'yong isa nabuntis ko habang yung pangalawa naman ay papakasalan ko pa lang," sabi ko na pinahalata ko sa kanya na malungkot ang mukha ko. "Ano nangyari anak? Pinikot ka ba? Alam na ba ng papakasalan mo na magkakaanak ka sa ibang babae?" "Di pa nga eh! Pahingi naman ng advice nay!" sabay kunwaring kinamot ko ulo ko at sinandal ko sa braso niya

