bc

BOUND BY FATE

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
HE
fated
forced
opposites attract
second chance
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
drama
tragedy
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

Sa isang mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at pangalan, dalawang tao ang pinagtali ng isang kasunduang hindi nila pinili.Si Alexander “Xander” Vergara, isang ubod ng gwapo at seryosong negosyante, ay sanay na siya lamang ang nagdidikta ng sariling kapalaran. Ngunit ngayong nakataya ang pangalan ng kanyang pamilya, hindi niya kayang tumanggi sa desisyon ng mga magulang.Samantala, si Serena Dela Cruz, isang napakaganda at seksing dalaga na may pangarap na maging matagumpay sa mundo ng fashion, ay biglang nagulantang nang malaman na ipapakasal siya sa isang estrangherong hindi niya minahal.Isang kasal na bunga ng tradisyon, negosyo, at kapangyarihan… ngunit sa likod ng lahat ng iyon, mabubuo ba ang tunay na pagmamahalan? O magiging kulungan lamang ito ng kanilang mga puso?Sa kanilang mga titig na nag-uumpugan, sa mga lihim na halik na hindi inaasahan, at sa mga pangakong unti-unting nasusubok, sisimulan ang kwento ng dalawang taong pinagbuklod ng arranged marriage.

chap-preview
Free preview
Ang Simula Ng lihim na Kasunduan
Mainit ang araw nang bumaba mula sa itim na luxury car ang isang binata. Mapapalingon ang kahit sino—matangkad, broad shoulders, maputi, matangos ang ilong at tila kinulayan ng Diyos ang bawat linya ng kanyang mukha. Siya si Alexander “Xander” Vergara, 27 years old, CEO ng sariling tech company, at kilala bilang isa sa pinakaeligible bachelors sa bansa. Cold at seryoso siya, halos hindi nakikita ng publiko na ngumiti. “Sir, the board is waiting for you inside,” sabi ng kanyang secretary habang binuksan ang pinto ng malaking building. Xander adjusted his tie at tumango lang. Tahimik siyang naglakad, ramdam ng lahat ang presensiya niya—matikas, intimidating, pero undeniably gwapo. Samantala, sa kabilang parte ng lungsod, isang babae ang nakaupo sa isang coffee shop habang nakatitig sa laptop. Siya si Serena Dela Cruz, 24 years old, isang fashion designer na nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan. Maputi, makinis, at mala-artistahin ang ganda—mahahaba ang legs, sexy ang katawan, at may ngiti na kayang magpaikot ng mundo. Pero higit sa lahat, may utak at tapang siya. Hindi siya madaling paikutin. “Miss, another latte?” tanong ng barista. “Yes, please. I need caffeine para matapos ‘tong sketches,” sagot niya sabay tawa. Hindi alam ng dalawa, matagal nang pinag-uusapan ng kanilang mga magulang ang magiging kapalaran nila. --- Sa Mansyon ng mga Vergara Kinagabihan, umuwi si Xander sa kanilang mansyon. Pagpasok niya, nadatnan niya ang kanyang mga magulang—sina Don Rafael at Doña Isabella—na seryosong naghihintay sa dining table. “Son, we need to talk,” sabi ng kanyang ama. Xander raised an eyebrow. “About what? Another business merger?” Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagsalita si Doña Isabella. “Anak… matagal na naming napagdesisyunan ng pamilya Dela Cruz. You will marry their daughter, Serena.” Natigilan si Xander. “What? An arranged marriage? Mom, Dad, we’re not living in the 1800s. I can handle my own life.” Pero matatag ang sagot ng ama. “This isn’t just about business. Serena is a good woman, and this union will strengthen both families. We already agreed.” Napabuntong-hininga si Xander. Hindi siya sanay na may nagdidikta sa kanya. Sanay siyang siya ang laging may kontrol. --- Sa Bahay ng mga Dela Cruz Halos sabay na nagaganap, kausap din ng mga magulang ni Serena ang kanilang anak. “Anak, this marriage will help our family. Ang mga Vergara… sila ang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa. It’s your chance to have stability,” sabi ng kanyang ina. Napakunot ang noo ni Serena. “Mom, Dad, I love you, pero hindi ako trophy na pwede n’yong ipasa kung kanino n’yo gusto. I worked hard for my career. Ayokong ikulong sa isang kasal na hindi ko pinili.” Ngunit gaya ni Xander, mahigpit din ang desisyon ng kanyang ama. “Serena, you will do this for us. We already gave our word.” Hindi nakapagsalita si Serena. Alam niyang hindi basta-basta mababali ang desisyon ng pamilya. --- Unang Pagkikita Isang linggo matapos ang announcement, nagkaharap ang dalawang pamilya sa isang private dinner sa isang five-star hotel. Elegant ang set-up—crystal chandeliers, classical music, at mga taong naka-formal attire. Naunang dumating si Serena. Nakasuot siya ng fitted red dress na lalo pang nagpalutang sa kanyang ganda at hubog ng katawan. Habang naglalakad siya papunta sa mesa, halos lahat ng lalaki ay napalingon. “Good evening, Mrs. Vergara,” bati niya, pilit na nakangiti. At doon dumating si Xander. Suot niya ang itim na suit na perpekto ang pagkaka-tailor. Parang bumagal ang oras nang magtama ang kanilang mga mata. Si Serena, bahagyang natigilan. Damn… he’s gorgeous. Si Xander naman, hindi ipinakita ang iniisip pero sa loob-loob niya, So, this is Serena. She’s… stunning. Umupo silang dalawa sa magkatabing upuan. Tahimik. Awkward. “So… you’re the guy na ipapakasal sa akin?” biro ni Serena habang humihigop ng wine. Xander smirked. “Looks like we don’t have a choice.” Nagtagpo ang kanilang mga mata—matamis ang ngiti ni Serena, malamig ang titig ni Xander. --- Habang tumatagal ang gabi, napapansin nilang pareho silang matalino at may prinsipyo. May mga argumento, may halong sarcasm, pero may kakaibang chemistry. “You know, Mr. Vergara,” wika ni Serena habang nakahilig ng bahagya, “I don’t plan on being someone’s puppet. So kung iisipin mong magiging submissive ako sa kasal na ‘to, think again.” Tumawa si Xander ng bahagya, unang beses na nakita siyang ngumiti. “Good. I don’t like weak women. But don’t test me, Serena.” Nagtitigan sila, halos magkadikit ang mga labi, pero biglang dumating ang waiter kaya nag-iwasan sila ng tingin. --- After the dinner, sinabay ni Xander si Serena pauwi. Tahimik ang simula pero unti-unting naging intimate ang atmosphere. “Do you always dress like that?” tanong ni Xander, his eyes glancing at her red dress. Serena smirked. “Why? Distracting ba?” Hindi agad sumagot si Xander, pero napansin ni Serena ang bahagyang pag-igting ng panga nito. She laughed softly. “Relax, Mr. CEO. It’s just a dress.” Pagdating sa harap ng bahay, saglit silang natigilan bago magpaalam. Malakas ang t***k ng puso ni Serena kahit pilit niya itong tinatanggi. At si Xander, habang pinagmamasdan siyang bumababa, napangiti ng lihim. This marriage might be… interesting. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.9K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook