Tulala at balisa si Dominic. Nasa labas na siya ng principal office. Kakatapos lang siyang kausapin ng principal ng eskwelahan. “I’m sorry Mr. Dimasalang pero kailangan naming gumawa ng aksyon. Hindi naman kami tutol sa same-s*x relationship at wala naman sa rules ng eskwelahan ang pagbabawal sa ganyang klaseng relasyon pero ang pagkakaroon ng scandal ng isang estudyante ay mahigpit na ipinagbabawal. Nakakasira ito sa imahe na mayroon ang eskwelahan.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Dominic dahil sa mga narinig niya. “Kaya naman napagdesisyonan ng board at school committee ng eskwelahang ito na tanggalan ka ng scholarship at mapaalis sa eskwelahang ito.” “P-Pero Ma’am… bi-biktima po ako. Wala po akong kasalanan sa nangyari,” garalgal na sambit ni Dominic. “I’m sorry pero ‘yun ang nag

