NATHAN POV
Masaya ako at pinayagan nina Tito Julio at Tita Lorena na sumama sa akin outing si Lorraine.
Sa tuwing nakikita ko na malungkot siya ay nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya dahil iniisip niya na may iba akong mahal. Natutuwa naman ako dahil nararamdaman ko rin na may pagtingin siya sa akin.
Si Lorraine lang ang babaeng pag-aalayan ko ng aking buhay at wala ng iba pa. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Friday ngaun at mamayang hapon na ang biyahe namin papuntang Caliraya.
Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na kasama ko si Lorraine. Dahil ipagtatapat ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Wala akong ibang gustong gawin buong buhay ko, kung 'di ang alayan siya ng aking tunay na pagmamahal.
Andito kami ngayong magkakaibigan sa gym nagpa-practice ng basketball nang bigla kong maisip si Lorraine. "Mamaya magiging akin ka rin, Miss Lorraine Monteverde," bulong ko sa aking isip habang itinitira ko ang bola sa ring.
Masaya kaming nagpa-practice ng basketball ng mga ka teammate ko nang biglang magsalita si Alex, ang aking bestfriend. "P're, ang balita ko, liligawan ng peke mong pinsan si Lorraine. Sinabi sa akin ni Macky."
Si Francis Buencamino ang tinutukoy niyang peke kong pinsan. Dahil ang tatay niya ay inampon lang nina lolo at lola.
Nagtagis ang aking mga panga, dahil sa sinabi ni Alex. "Hindi ako papayag. Buo na ang desisyon ko. Magtatapat na ako kay Lorraine mamaya," bulong ko sa aking sarili.
"Oo nga p're, nabalitaan ko din 'yon." sabi naman ni Charles nang marinig nito ang sinabi ni Alex sa akin.
"Kaya kung ako sa 'yo, p're, magtatapat na ako kay Lorraine. Baka maunahan ka pa nang mayabang mong pinsan," sabi naman ni Rigor na habang nakapamay-awang.
"Huwag kang pabagal-bagal, p're, baka bukas makalawa. Jowa na ni Francis, ang Lorraine mo," sabi ni Carlo sa akin habang napapailing.
Alam ng mga kaibigan ko ang tunay kong nararamdaman para kay Lorraine. Si Charles nga nagkaroon ng crush at pumorma kay Lorraine. Ngunit kinompronta ko agad at muntik nang masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Dahil sa sobrang selos ko sa kanya noon. Si Francis pa kaya ang hindi ko hadlangan, na alam kong mapaglaro sa mga babae. Kaya hindi ko hahayaang mapalapit siya kay Lorraine.
"Mga p're, huwag kayong mag-alala. Dahil magtatapat na ako mamaya kay Lorraine," pagtatapat ko sa kanila.
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko nang dahil sa sinabi ko. Bigla nila akong tinapik sa aking balikat.
"Basta p're, kapag naging kayong dalawa na ni Lorraine. Magpainom ka huh," sabay-sabay nilang sabi sa akin at nagpatuloy na kami sa paglalaro ng basketball.
Panay ang practice namin ng basketball ngayon, dahil malapit na ang sportfest at highschool week dito sa school namin. Buti nga magka-department kami ni Lorraine, kaya lagi kaming nagkikita dito sa school.
Patapos na kami sa pagpa-practice nang magsalitang muli si Alex. "Mga p're, may practice ngayon ang mga cheering squad. Manood muna tayo. Mamaya pa naman ang alis natin papuntang Caliraya."
"Oo nga, mga p're. Manood muna tayo. Nang makakita man lang nang makikinis na legs," pabirong sabi ni Charles, ang pinaka playboy sa aming magkakaibigan.
Napailing na lamang ako sa sinabi nito. "Ikaw talaga, Pareng Charles, may girlfriend ka na lahat-lahat. Gusto mo pa rin tumingin sa legs ng iba," biro ko sa kaibigan ko na naging dahilan upang magtawanan silang lahat.
"Pareng Nathan, hindi ba't cheer leader din si Lorràine?" tanong sa 'kin ni Rigor.
"Oo p're, cheer leader siya. At alam ko may practice nga siya, dahil sinabi niya sa akin kanina," tugon ko.
Para sa akin, bagay na bagay kay Lorraine ang maging isang cheer leader. Bukod kay Lorraine ay cheer leader din ang girlfriend ni Charles na si Abby. Samantalang sina Laya, Joyce, at Clarice ay mga cheering squad naman. At sila ang mga girlfriend nina Rigor, Carlo at Alex.
"Alam na alam mo talaga, Pareng Nathan, ah," natatawang sabi ni Carlo sa akin.
Tapos na kaming mag-basketball nang dumating na ang mga cheering squad at nakita ko si Lorraine.
Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang pang cheering. Kitang-kita ang magandang hugis ng kanyang katawan.
Lumakas ang t***k ng aking puso, habang kitang-kita ko na nakatingin sa akin si Lorraine.
"f**k, ang sarap mong yakapin," bulong ko sa aking sarili.
Pumunta na kami sa gilid para umupo nang marinig kong magsalita si Charles. "Wow! Mga p're, ang kikinis."
"Oo nga p're, ang sarap hawakan," pagsang-ayon naman ni Rigor.
Habang si Alex at Carlo ay nakatingin sa mga girlfriend nila.
"Pareng Nathan, si Lorraine papalapit na sa 'yo," biglang sabi ni Rigor.
"Oo alam ko. Ang mga mata mo. Baka gusto mong mawala?" biro ko kay Rigor.
"Naku, p're, sabi ko nga, sa iba na ako titingin. Takot ko na lang sa 'yo," pabirong sabi ni Rigor.
Dahilan upang magtawanan sina Charles, Carlo at Alex. Dahil alam nila na lahat nang mga gustong pumorma kay Lorraine ay hinaharang ko agad. Bantay-sarado yata sa akin si Lorraine.
Palakas nang palakas ang t***k ng aking puso. Habang papalapit sa akin si Lorraine. Bigla akong pinagpawisan nang malamig. Dahil parang biglang nagalit ang alaga ko sa baba. Bakit naman kasi sobrang ikli nang suot nila. Ramdam na ramdam ko na nagagalit ang alaga ko sa loob ng aking pantalon.
"Kapag hindi ako nakapagpigil, mahahalikan ko talaga ang babaeng 'to," bulong ko sa aking sarili.
Nang makarating na si Lorràine sa pwesto ko ay bigla akong ang tinukso ng aking mga kaibigan. Rinig na rinig ko ang sinasabi nila, kahit pa nagbubulungan lang sila.
"Hoy! P're, huwag ka manigas diyan," biro sa akin ni Alex.
"Hi, Nathan," bati sa akin ni Lorràine.
Humalik siya sa aking pisngi. Nakasanayan na naming magkaibigan na humalik sa pisngi kapag nagkikita kami.
Ngumiti ako. "Hi, Lorraine," bati ko sa magandang babae na nasa harapan ko ngayon.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" natatawang tanong ni Lorraine sa akin.
"Ha! Hi—hindi ah," nauutal kong tugon sa kanya.
Ang ganda talaga niya. Kaya hindi imposible na madaming magkagusto sa kaniya, nang dahil sa ganda niyang taglay. Si Lorraine ang sinasabing Dawn Zulueta dito sa aming school. Maraming nagkakagusto sa kaniya ngunit walang makapagtapat kay Lorraine dahil lahat ay tinakot ko.
"Gano'n?" natatawa niyang sabi at parang nag-isip ito."Siyanga pala, Nathan, susunduin mo ba ko mamaya? Kasi hindi ako maihahatid ni manong sa meeting place natin. Kasi pupuntang Singapore si Papa mamaya, ihahatid siya ni manong."
"Sabay na tayong uuwi at sa mansyon n'yo muna tayo tutuloy," sagot ko sa kaniya.
"Okay." Ngumiti siya nang matamis. "Oh, sige. Balik muna ako sa gitna. Magsisismula na kami," pagpapaalam ni Lorraine sa akin.
"Oh, sige. Dito lang ako, panoorin kita," mabilis kong tugon.
Tahimik kaming nanonod ng practice nina Lorraine nang biglang tumabi sa akin si Lavinia, ang bestfriend na babae ni Lorraine.
"Gusto mo, Nathan?" alok sa akin ni Lavinia ng chips.
Si Lavinia ay best friend ni Lorràine at hindi ko siya gusto na maging malapit sa kay Lorraine, dahil kilala ko siyang maldita at nanliligaw sa akin.
"No, thanks!" masungit na tugon ko kay Lavinia.
Nababadtrip talaga ako kapag nakikita ko ang babaeng ito. Hindi ko na lamang siya pinansin at tahimik na lang akong nanood ng practice ng mga cheering squad.
Titig na titig ako kay Lorraine habang kumekembot-kembot ito. "Sana tanggapin mo ako, bilang boyfriend mo, Lorraine," bulong ko sa aking isip.
Nagulat ako nang biglang ibato sa akin ni Lavinia ang chips nitong hawak at inis itong nagsalita. "Bakit ba ang suplado mo sa akin, Nathan?!" galit niyang tanong.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nito.
"Kasi, ang ayaw ko sa lahat. Babaeng hindi makapag hintay na ligawan," seryosong saad ko.
Napipikon na talaga ako kay Lavinia.
"Sa akin ka na lang kasi Lavinia," biro naman ni Charles.
"Tse! Hindi kita type!" mataray na sabi ni Lavinia kay Charles.
Tumawa si Charles. "Bakit ikaw? Trip ka ba ni Pareng Nathan? Hindi ka rin naman niya trip 'di ba?"
Napailing na lamang ako sa sinabi ni Charles kay Lavinia. Dahil totoo naman na hindi ko trip si Lavinia.
Hindi nagtagal ay umalis na rin si Lavinia.
"Salamat naman at umalis na rin sa wakas ang babaeng 'yon," bulong ko sa aking isip.
"Ibang klase talaga ang appeal mo, Pareng Nathan," biro sa akin ni Rigor.
Ngumiti ako nang pilit. "Kung siya lang naman ang babaeng matitira sa mundo. Magpapakamatay na lamang ako," biro ko.
"Alam namin 'yon. Dahil isa lang naman ang nagmamay-ari ng puso mo," sabi ni Alex.
"Ang sabihin n'yo. Baka matunaw si Lorraine, sa mga titig ni Pareng Nathan," biro naman ni Carlo.
Natawa na lamang ako sa sinabi nila. Basta para sa akin si Lorraine lang ang ititibok ng aking puso habang buhay.
Hindi nagtagal ay natapos na din ang practice nina Lorraine. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.
"Ang galing mo talaga Lorraine," puri ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko siya.
"Thank you," tugon niya sa akin na halatang pagod.
"Tara, sama ka muna sa amin. Punta muna tayo sa canteen." pag-aaya ko kay Lorraine.
"Oh sige, magpapalit lang ako ng damit," sabi niya sa akin at nagpunta na siya sa bathroom upang magpalit ng damit.
Habang hinihintay namin siya at ang girlfriend ng mga kaibigan ko ay nag-usap muna kami kung paano ako magtatapat kay Lorraine. Gusto ko kasi na maging espesyal ang gabing ito para sa aming dalawa ni Lorraine.
Mga p're, ako nang bahala sa games na gagawin. Basta mag-isip ka na lang, Pareng Nathan, kung anong sasabihin mo kay Lorraine." sabi ni Alex.
Magkausap kami ni Alex tungkol sa plano niya, nang magsalita si Rigor.
"Mga p're, andiyan na mga jowa natin. Tara na sa canteen, at nag-aalboroto na talaga ang tiyan ko," pag-aaya ni Rigor.
Naglakad na kami papuntang canteen. Magkasabay kaming dalawa ni Lorraine at ako na din ang nagdala ng mga gamit niya.
Habang naglalakad kami ni Lorraine ay nagtanong ako. "Lorraine, kung may manliligaw ba sa 'yo, papayag ka?"
Ngumiti ito at tumingin sa akin. "Depende, kung sino ang manliligaw sa akin." Huminga muna ito. "Kaso, imposible nang ligawan ako ng crush ko," malungkot niyang sabi sa akin.
Parang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi niya, pero hindi ako mawawalan ng pag-asa na magtapat sa kanya nang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Kahit pa may crush siyang iba. Nakahanda akong ipaglaban ang pag-ibig ko, para sa kaniya.