CHAPTER 4

1305 Words
LORRAINE POV Habang kumakain kami dito sa canteen, kasama ang mga teamlmate ni Nathan ay tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Tungkol sa gagawin na activity pagdating sa Caliraya mamaya. Mamayang alas-singko ng hapon kasi ang alis namin papuntang Caliraya Lake. At sobrang excited ako kasi unang beses kong mag-outing without my parents, at si Nathan pa ang kasama ko. Lihim na nagdiriwang ang aking puso sa tuwa dahil makakasama ko buong weekends ang lalaking lihim kong minamahal. "This is your chance, Lorraine, para masabi mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman," bulong ko sa aking sarili. "Ano ka ba naman, Lorraine, bakit hindi mo hintayin si Nathan ang magsabi sa 'yo. Siya ang lalaki kaya siya dapat ang gumagawa noon, hindi ikaw," sabi ng isip ko. Biglang nagsalita si Alex, ang bestfriend ni Nathan. "Mabuti naman, Lorràine, at makakasama ka namin. Si Nathan lang kasi ang walang jowang kasama." sabi sa akin ni Alex. Tinapos ko muna ang pag-inom ko ng softdrinks bago ako sumagot. "Ewan ko nga ba diyan kay Nathan. Kung bakit ako ang niyaya. Hindi na lang 'yong sinasabi niya sa akin, na babaeng mahal niya," sagot ko kay Alex. Ngaun ko lang kasi nalaman na mga jowa nila ang kasama. Eh' hindi naman ako jowa, pero okay lang kasi we're childhood friends naman. "Hindi mo pa pala kilala, kung sino siya?" napapailing na tanong sa akin ni Charles. "Hindi eh' pero nangako naman sa akin si Nathan, na kapag nagka-girlfriend siya. Ako ang unang makakaalam," seryosong sagot ko kay Charles. Medyo ilang ako kay Charles. Kasi dati panay bigay niya sa akin ng mga love letter at chocolate, pagkatapos bigla na lamang nahinto. Pagkatapos ay bigla na siyang nanligaw kay Abby na kapwa ko cheer leader. At magkakasama pa kami sa tambayan namin sa tabing-ilog nang maging sila. Mabuti na lamang at kakilala ko ang mga girlfriend ng mga kaibigan ni Nathan. Hindi ako ma-out of place sa outing namin sa Caliraya. "Makikilala mo na din 'yon," sabi naman ni Rigor na nakangiti sa akin. "Akala ko, Lorraine, ikaw ang girlfriend ni Nathan," singit ni Laya na girlfriend ni Rigor. Natigilan ako sa tanong niya sa akin. "Bakit mo naman ako ang napagkamalan mong girlfriend nitong si Nathan?" tanong ko kay Laya. Bigla akong napatingin kay Nathan na tahimik lang na nakatitig sa akin. Nag-iwas na lang ako nang tingin sa kaniya. Kasi hindi ko alam kung bakit ganoon siya makatitig sa akin. Naiilang tuloy ako sa kaniya. "Hindi kaya mahal ka rin niya?" bulong ko sa aking sarili. "Wala lang. Kasi kapag magkasama kayong dalawa. Dinaig n'yo pa ang mag-jowa magtinginan at maglambingan," sagot ni Laya habang kinikilig. Nagkibit balikat na lamang ako. "Ga—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Nathan. "Makilala n'yo na rin ang magiging girlfriend ko," pagputol ni Nathan sa sasabihin ko. Habang nakatitig pa rin sa akin. Kung yelo lamang ako, malamang natunaw na ako. " Tara na guys. Para hindi tayo gabihin pa Caliraya." pag-aaya ni Nathan. Nag-umpisa na silang magsipag tayuan sa kani-kanilang upuan. "Pareng Nathan, huwag magkita-kita na lamang tayo meeting place mamaya," sabi ni Alex. "Babyloves, magkita na lamang tayo sa Bandstand mamaya. Sasabay na lamang ako kina Joyce," narinig kong sabi ni Abby kay Charles. Tinulungan akong tumayo ni Nathan at siya na rin ang nagdala ng aking bag. "Lorraine, punta muna tayo sa house ninyo. Bago tayo pumunta sa mansyon. Then punta na tayo sa meeting place natin," sabi sa akin ni Nathan. "Oh' sige," simpleng tugon ko sa kaniya. Napagpasyahan namin na maglakad na lamang. Tutal may oras pa naman kami. Naging libangan na namin ni Nathan ang maglakad pauwi sa mga mansyon namin. At enjoy ako palagi, dahil pakiramdam ko magkasintahan kaming dalawa. Kahit ang totoo ay may iba siyang minamahal. Habang naglalakad kami papuntang mansyon namin ay nagtanong sa akin si Nathan. "Balita ko, liligawan ka raw ni Francis?" seryosong tanong niya sa akin. Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Kasi kilala ko si Francis na gago at mapaglaro sa mga babae. Kanina nga lang ay nagbigay sa akin ng bulaklak at chocolates pero ibinigay ko na lang sa classmate ko. Dahil hindi ko gusto si Francis at lahat ng ayaw ko sa lalaki ay na kay Francis. "Nagpaparamdam, pero hindi ko pinapansin," sagot ko kay Nathan. "Mabuti naman. Kasi ayokong mahulog ka sa kan'ya, at paglaruan lang tulad nang ginawa niya sa iba," tugon niya sa akin. "Malabong mahulog ako sa kaniya. Kaya huwag kang mag-alala." Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay pinisil ko ang kamay ni Nathan, to assure na hindi ako magkakagusto sa peke niyang pinsan. "Thank you," malambing na sabi niya sa akin habang pinisil din niya ang aking kamay. Tahimik kaming naglakad habang magkahawak kamay, hanggang sa nakarating na kami sa mansyon namin. Isa kami sa may pinaka malaking mansyon dito sa bayan ng Tayabas at meron din kaming malaking farm sa katabing bayan, sa Lucban. Pagkatapos ang pamilya naman nina Nathan ang nagmamay-ari ng malaking mall dito sa probinsya ng Quezon. Nang nasa loob na kami ng mansyon namin ay ngumiti ako sa kaniya. "Nathan, alam mo, malabong magustuhan ko si Francis. Dahil si Richard Gomez ko lang ang gusto kong maging boyfriend," sabi ko na ikinakunot nito ng kanyang noo. "Kilala ko ba 'yon?" seryosong tanong sa akin ni Nathan. Lumapit ako sa kaniya at idinikit ko ang aking labi sa kaniyang tainga. "Hindi lang kilala. Kung 'di, kilalang-kilala." Sabay halik ko sa kaniyang mga pisngi. "Akyat lang ako sa kwarto ko," pagpapaalam ko sa kaniya. "Okay, bilisan mo ha," tugon niya at nagmadali na akong naglakad papunta sa aming magarang hagdanan na ang gilid ay may salamin. "Opo, Mister Nathaniel Buencamino," pilyang sabi ko. Habang naglalakad ako, patungo sa magara naming hagdanan. Nang makarating na ako sa aking kwarto ay nagdesisyon akong maligo. Tutal lahat naman ng aking gamit na dadalhin ay naayos ko na kagabi pa. Nang matapos na akong maligo at magtutuyo na sana ako ng aking basang katawan ng wala akong makitang tuwalya sa loob aking banyo. "Manang Melba!" pasigaw na tawag ko sa kasambahay namin. Muli akong sumigaw ng walang nadating na kasambahay dito sa aking kwarto."Manang Melba, Ate Selya." malakas kong tawag sa kanila. Nakailang beses na ako sa pagtawag sa kanila, ngunit lumipas ang ilang minuto ay walang pa ring nadating ni isa sa kanila. Kaya nagdesisyon na akong lumabas ng banyo, tutal nasa loob naman ito ng aking kwarto. Ganito naman talaga ang ginagawa ko kapag nakakalimutan ko ang towel ko. Kaso napapagalitan ako ni Manang Melba, kapag nakikitang basang-basa ang sahig dito sa aking kwarto. Kasabay nang paglabas ko ng banyo ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. At kitang-kita ko si Nathan na nakatulalang nakatitig sa akin habang pinagpapawisan. "Hoy—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, dahil naalala kong nakahubad lamang ako. Halos manigas ako dahil nakalantad ngayon ang hubad kong katawan sa harapan niya. Bigla akong namula sa hiya. Kaya dali-dali akong umupo sa tabi ng kama ko at kinuha ang comforter ko. Ibinalot ko ang comforter sa hubad kong katawan. Wala na akong pakialam kung mabasa ang comforter ko. Kitang-kita ko si Nathan na hindi pa rin makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. "f**k!" mura ko sa aking sarili. Noong mga bata pa kami normal lang sa amin na makita namin ang aming sarili na kapwa hubad. Pero ngayon ito ang unang pagkakataon na makita niyang muli ang aking hubad na katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD