LORRAINE POV Masayang natapos ang maghapon ko ngayon. Kasi, kahit paano ay nakalimutan ko ang aming problema na kinakaharap ni Nathan. Masaya kaming magkakasamang lahat na magkakaibigan kanina. Although, hindi pinapansin ni Abby si Charles, kasi hanggang ngayon ay galit be pa rin si Abby kay Charles dahil sa bigla niyang pag-alis. Nang makauwi ako ng aming mansyon, ang kaligayahang aking nararamdaman ay biglang naglaho na parang bula. Dahil naabutan ko si Francis na kausap ang aking ama. "Oh' andiyan na pala si Lorraine," sabi ni Papa. Hindi ko sila pinansin, lalampasan ko na sana sila nang biglang hawakan ako ni Francis sa aking braso. Tiningnan ko siya ng masama. "Aray ko! Ano aba?! Bitawan mo nga ako, Francis!" galit na utos ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinakinggan at mas lal

