LORRAINE'S POV Nang sinabi ng aking ama na nasa baba si Macky, ay bigla kong naalala ang huling sinabi sa akin ni Nathan. Dali-dali akong tumayo at nagpasok ng banyo, upang mag-ayos ng aking sarili. Nang lumabas ako ng banyo ay nagdesisyon na akong lumabas sa aking kwarto. Pagbaba ko'y tinawag na ako ng aking ina. "Anak, halika na. Mag-almusal ka na. Hindi ka pa kumakain, simula kagabi," sabi niya na may kasamang pag-aalala. Bigla kong hinipo ang aking tiyan at bumulong sa aking isip. "Anak, huwag kang bibitaw." "Sa labas na lamang po ako kakain, Ma. Alis na po muna ako," sagot ko kay Mama at pinuntahan ko na si Macky na naghihintay sa living room. "Hi, Macky," bati ko sa kanya. Tumayo si Macky nang makita ako. "Hi, Lorraine." Ngumiti siya sa akin. "Kumusta ka na?" wika niya. Ngumit

