LORRAINE POV Habang nasa Manila sina Francis, ay lihim akong nakikipagtagpo kay Nathan. Mamayang gabi ang dating nina Francis at bukas na din ang araw ng kamatayan ng aking puso. Nang wala si Francis ay sinamantala ko ang pagkakataon na makasama sa huling sandali, ang lalaking pinakamamahal ko bago ito tuluyang mapalayo sa akin. Sinubukan ko siyang pigilan, pero hindi na magbabago ang kanyang desisyon. Kahit pa ako na rin ang humiling sa kanya na pag-aralan niyang mahalin si Lavinia, para kahit hindi na siya umalis. Pero nagtatalo lang kaming dalawa. Andito kami ngayon sa aming tambayan. Sa tulong pa rin ng mga kaibigan namin ay nagawa naming magtagpo nang walang nakakaalam. Katatapos lang namin magmahalan, sa madaling salita ay mag-s*x. Naalala ko tuloy ang napag-usapan namin noong

