CHAPTER 40

1685 Words

LORRAINE POV  Andito na ako ngayon sa harap ng simbahan, para sa araw ng kasal ko kay Francis. At ito rin, ang araw ng kamatayan ng aking puso. Nang bumaba ako ng kotse ay sinalubong ako ni mama at niyakap niya ako. "Anak, Lorraine, hangga't may panahon ka pa. At hindi pa nakapapanumpa sa harapan ng Diyos. Huwag mo nang ituloy, sumama ka na kay Nathan," bulong niya sa akin. Nagsimula na naman akong umiyak. Wala na akong pakialam kung mabura man ang make-up ko. Tumingin sa akin si Mama. "Anak, umiiyak ka na naman. Puntahan mo na si Nathan, ang lalaking mahal mo," utos niya sa akin. Habang umiiyak ay nagsalita ako. "Ma, umalis na si Nathan. Iniwan na niya ko," pagtatapat ko sa aking ina habang umiiyak. Nagulat siya sa aking sinabi. "Ang ibig sabihin— hindi siya magpapakasal kay Lavin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD