NATHAN POV Ten years na kaming kasal ni Lorraine. At sa daming pagsubok na nangyari sa aming relasyon ay naging matatag ang aming pagsasama. Sinong mag-aakala na pati kamatayan ay nilabanan ni Lorraine para sa amin ni Nate. Ngayon ay masayang-masaya kami ni Lorraine kasama ang aming mga anak. Ang aking panganay na si Lorrein Nate ay kinse anyos na at t ay namana niya. Samantalang si Nathalie Lei, ang babaeng version ko ay siyam na taon gulang na. At nasundan naman ito ng aming mga kambal na sina Ethan at Raine, na kasalukuyang mga limang taong gulang na. Si Lorraine naman ay limang buwang buntis at kambal ulit ang pinagbubuntis niya. Hanggang ngayon ay nagtataka si Lorraine kung paano akong naging matagumpay sa buhay. "Babe, bakit hindi mo pa rin sa akin sinasabi, kung paano ka gumand

