NATHAN POV Masaya akong pinagmamasdan ang aking kambal nang biglang dumating na takot na takot ang aking anak na si Nate at si Nathalie naman ay kasunod lamang ng kanyang kuya. "Anak, bakit parang namumutla ka?" tanong ko. "Dad, where's, Mom?" tanong niya sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Nasa kusina ang mommy mo. Bakit ba parang takot na takot ka?" muli kong tanong sa kan'ya. "Ang mabuti pa anak, ay painumin muna natin siya ng tubig, para mahimasmasan." Sabay punta sa kusina ni Papa Julio. Pinaupo ko muna si Nate sa sofa habang hinihintay ang tubig. Maya-maya ay bumalik na si Papa Julio, dala ang tubig at kasunod niya ang aking asawa. "Apo, uminom ka muna," utos ng aking biyenang lalaki, sabay abot niya ng tubig kay Nate. "Nathan, anong nangyari?" tanong ni

