NATHAN POV Kasalukuyang nandito kami ngayon sa Lovely Paradise. Kung saan ipinalipat ko ang puntod ng namayapa kong ama, na si Don Rafael Buencamino. Ipinalipat ko dito sa Museleo Buencamino ang buto ng aking ama. Ang museleo na ito ay pag-aari pa ng aking mga ninuno, na nagawang ipagbili ni Francis. Sa tulong ng aking kaibigan at bayaw na si Rigor ay nagawa kong bawiin sa mga bumili. Kumpleto ang aming pamilya ngayon at mamaya ay darating din ang aming mga kaibigan upang ipagdiwang ang kaarawan na aking daddy. Lumapit ako sa aking ina na kasalukuyang nasa harapan ng puntod ni daddy. "Mom, why are you crying?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at nagpahid ng kanyang mga luha. "I miss him so much. Mas masaya siguro tayo ngayon, kung kasama natin ang daddy mo," tugon niya. Ngumiti ak

