LORRAINE POV Pagkadating namin ng bahay ay dumiretso ako ng sa kwarto ko. Sinamahan ako ni Mama hanggang sa loob ng aking silid. "Anak, namumutla ka. Gusto mong ipagtimpla kita ng gatas?" tanong nito na mabilis kong sinang-ayunan. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya kailangan kong uminom ng gatas para sa baby ko. Nang lumabas si Mama ay naglinis na ako ng aking katawan. Nang matapos na akong maglinis ay nakita ko si Mama na nakaupo sa kama ko at umiiyak ito. Lumapit ako dito at nagsalita ako "Mama, huwag ka na pong umiyak." At niyakap ko siya. Habang yakap ko ito ay nagsalita ito. "Lorraine, anak, patawarin mo si Mama. Wala akong alam sa naging desisyon ng papa mo. Gustuhin ko mang tutulan siya, pero wala akong magawa!" sambit niya habang umiiyak. Ngumiti ako at nagsalita. "Ma, al

