HINDI MAKAPANIWALA SA nakikita si Jessica. Nakamaang siya sa mga tulog na pigura ng mga kaibigan. Natutop niya ang bibig sa gulat nang marinig niya ang pag-ingit ng pinto. Iniluwa niyon si Cameron. Pinapalapit siya nito. Agad niya naman itong nilapitan at sa bakuran sila nagpalitan ng kwento. Una ay pinakita ng kapatid sa kanya ang leeg nito kung saan ito nilagyan ng tattoo: rosas na may dalawang dahon sa magkabilang panig. “Astig ba?” halos pabulong na tanong nito.
“Bakit ka bumubulong?” ganting bulong niya.
Pinagpatuloy nila ang huntahan sa dirty kitchen na matatagpuan sa likod-bahay kung saan sila nagtimpla ng kapeng barako. Ikinuwento nito sa kanya ang usapan nila sa kubo sa beach na magpapata-tattoo silang lahat ng gabi ring iyon dahil nabanggit niya raw ang tungkol sa baybayin. Kwentuhang malabo na sa isipan niya. Puro snippets na lang ang tanda niya mula sa lumipas na gabi.
Cameron said they had too much alcohol and Jessie replied there is no such thing as too much alcohol but she was reminded of what she saw in the living room: spinal column of Sergi covered with what seems to look like a fern plant, Emerald’s right back shoulder tattoo was bakunawa in baybayin made to look like the moon-eating dragon formed perfectly by the letters, and three more bodies lying in the cold hardwood floor: Mel, Dominic, and Ignasi.
“How did it happen?” tanong niya.
Natawa si Cameron. “Elaborate, please? Which one? Mukhang ang daming nangyari. I like to think I had complete blackout but I have flashes I can remember.”
Naupo siya sa lababo at kinuha ang tasa ng mainit na kape. Napahawak siya sa ulo nang mahilo siya. May pinakaayaw siyang ritwal para mapaalis ang hangover niya. Nagsimula iyon nang unang beses siyang malasing. Hindi man niya gusto na laging gawin iyon, hinihingi ng sistema niya na sunurin iyon. Nagpaalam siya saglit sa kapatid at hinanap ang banyo. Isa-isa niyang binuksan ang mga pinto sa loob ng bahay ni Emerald.
Sa ikatlong subok niya ay tama na ang nabuksan niya. Ngunit may nauna na sa kanyang sumuka. Si Dominic. Sa mismong inidoro ito dumuduwal kaya dumiretso siya sa lababo at pinilit ang sariling sumuka. Nananakit na ang sikmura at lalamunan niya. Nang matapos ay nakita niya ang repleksyon sa salamin. Sobrang pula ng mukha at leeg niya. Kahit ganoon ang itsura niya ay gumaan ang pakiramdam niya. Binalingan niya si Dominic na nakahilata sa lapag at humihingi ng tubig. Napilitan siyang magpunta ng kusina at kumuha ng isang baso ng tubig. Inabot niya lang iyon dito at binalikan na si Cameron.
Jessie likes to think that Cameron cooking the next morning after a bad drinking session became a little routine.
Nilanghap niya ang amoy ng ginigisang bawang. “Ugh, I’m hungry,” aniya at naramdamang kumulo ang tiyan. Pinagpatuloy niya ang pag-inom ng kape at naupo sa isang silya. Hinunta niya ang kapatid habang ito’y nagsasangag.
“Dude, I swear we didn’t have enough supply of alcohol at the beach. Hmm, okay, I remember Emerald taking us to the tattoo shop. And we took some pot. Oh, yes. Please tell me you scored some?” tanong niya sa kapatid.
“Baka patayen tayo ni P Diggy, ano ba,” si Cam.
“And then what?”
“And then… ayon na nga. Emerald lured us into the establishment of her friend who’s a tattoo artist. Who’s also a pothead. Who also have a stash of his favorite poison.” Nilingon siya nito. “Base na rin sa naging resulta ng tattoo naming tatlo, masasabi nating hindi tumira o uminom iyong tattoo artist, ‘di ba?”
Bigla siyang kinabahan. “Wait, hindi nga ako sigurado kung wala rin ako—” Kinapa niya ang sarili at dinambal ng kaba ang dibdib niya nang may narinig siyang tunog ng plastik nang mahawakan ang braso. Dala ng bumungad na half-naked na mga kaibigan niya sa sala at ng mabigat niyang ulo at—
Napatigil siya nang hindi niya nakilala ang long sleeves na suot.
Naghalo ang hangover at shock kaya hindi niya naramdaman ang plastic wrap sa braso niya, dagdag pa na natakpan iyon ng suot niya na hindi niya rin alam kung sino ang nagmamay-ari.
Si Cameron ay itinigil ang ginagawa nito. Ito ang nag-angat ng manggas at sabay silang napasinghap sa nakita.
It was an armband, an inch thicker at the top and a thin one under, full black. She likes it, beautiful, even. But she wanted to scream like a crazy b***h that she is. “Ano ‘to?!” hindi niya napigilan ang pagsigaw. “I’m gonna kill myself!” dagdag niya.
“Oh, get over yourself,” anang tinig na nagmumula sa pinto ng dirty kitchen.
Nakita niya ang pupungas-pungas na si Emerald, suot pa rin nito ang top ng two piece nito.
Sinilip nito ang sinangag. “Masusunog na.” Tinanggal nito sa kalan ang kawali. “May ulam na ba?” tanong ni Emerald.
“Good morning, to you, too,” ani Cameron. Pinagpatuloy nito ang naudlot na gawain.
Tinitigan niya ang braso. “An armband,” sabi niya sa sarili. Hinaplos niya ang plastic wrap. “A fu/cking armband. Para akong may forever supply ng electrical tape.”
Tumulong na si Emerald sa paghanda ng pagkain habang siya ay nanatili sa kinatatayuan at hinalungkat sa isipan ang iba pang nangyari kagabi. “I don’t remember choosing this design,” sabi niya sa dalawa. “I never even agreed to get myself inked again.”
“Maybe you should ask Mel,” sagot ni Emerald.
Lalo lamang nadagdagan ang katanungan niya. “Speaking of Mel who barely wore any garment, nakasabay ko sa banyo si Dominic. At tulog sa sala si Ignasi. Paano sila nakarating dito? At bakit?”
Hinarap siya ni Emerald. “I have no freaking idea.”
Nalaglag ang panga niya nang makita ang nakasabit sa lantad nitong puson. “Emerald,” tawag niya rito nang talikuran siya nito. “Say, did it cross your mind to get a body piercing?”
Umiling ito. “Nope,” dagdag pa nito. “Why’d you ask?”
“Nothing,” wika niya.
They heard Cameron snorted. “Again, good morning, Emerald, or good afternoon, rather. Did it cross your mind to get a body piercing last night? Imagine if she had it done. That would be amazing!” Cameron even squealed.
“Right,” aniya.
“Right,” ani Cameron. “Right, Emerald?”
“Did you check?” tanong niya.
“Oh, for the love of all that is holy, what is it?” ani Emerald na hindi mapakali.
Hindi na siya nakatiis kaya tinuro niya ang puson nito.
Parang babalik yata ang sakit ng ulo niya sa nakaririnding tili ni Emerald.
****
TULOG PA ANG mga lalake kaya naman sina Jessie, Emerald, at Cameron ang nagsalo sa hapag. Pero imbis na sa dining area sila kumain, naglagay sila ng mesa at mga upuan sa bakuran. Nakaupo na silang tatlo at masayang nagkukwentuhan at kumakain nang may narinig silang komosyon na nanggagaling sa loob. Agad na tumayo si Emerald at tumakbo papasok. Tulog pa ang diwa niya at talagang gutom siya kaya pinagpatuloy niya lang ang paglamon. Kahit si Cameron ay hindi nangimi sa kinauupuan nito.
May naririnig na rin silang sigawan. Tinig iyon ni Emerald.
Makalipas ang ilang segundo ay binalikan na sila ni Emerald. Nakatiim-bagang ito at nakakuyom ang kamay. “Since when did Ignasi become so warfreak?” anito.
Nagtaka sila. “Anong nangyari?” tanong niya.
Narinig nila ang papalapit na yabag. Tumambad sa kanila si Ignasi. Mukha itong nilampaso sa sahig at paulit-ulit na sinabuyan ng toneladang alak. Hindi lang ito amoy chico at mukhang nabugbog, halatang wala rin itong tulog.
“Jess,” tawag nito sa kanya. Agad niya itong nilapitan ngunit humakbang ito palayo sa kanya.
Nagulantang siya ng sigawan ito ni Emerald. “I said get out, Ignasi!”
Aawatin niya sana ito nang magsalita si Ignasi. “I’m letting you go, okay? Malaya ka na.” Iyon ang sabi ni Ignasi sa kanya.
Nanlabo ang paningin niya. Tila ugong ng dibdib niyang kumakabog ang tanging naririnig niya. Iyon lang? Gano’n-gano’n lang siya nito hihiwalayan?
Napapitlag siya ng yakapin siya ni Cameron.
“Wait, Ignasi…” aniya at kumawala sa yakap ng kapatid at hinanap ang kasintahan. Wala na pala ito ay hindi niya pa napansin. She did a double-back. Somehow that thought resonated in a much more meaning. Double meaning.
“Girls, let’s eat. Hindi babalik ang mga iyon hangga’t hindi ko sinasabi,” ani Emerald na bumalik sa upuan nito.
“Emerald…” aniya. Parang binibiyak ang puso niya na hindi niya maintindihan. Nanghihina siya pero alam niyang may lakas siya para habulin si Ignasi.
“Sit down, Jessie,” mariing sabi ni Emerald.
Nakamaang lang siya rito. “Ignasi broke up with me, Emerald, if you didn’t notice,” aniya at tinalikuran ito.
“Geez,” ani Emerald. “I sent them away because you guy, Ignasi, was creating a ruckus, okay? He punched my fiancé and managed to destroy not one but two antique vases. Kung pwede nga ay paaalisin na kita, eh. Baka tuluyan mo nang ahasin ang fiancé ko lalo na’t hiniwalayan ka na ni Ignasi.”
Nagngalit ang mga bagang niya at handa nang sugurin ang kaharap nang pigilan siya ni Cameron.
Nagbilang siya sa isip ng hanggang tatlo bago hinatak palayo si Cameron. “Umalis na tayo rito,” aniya at agad hinanap ang kwarto kung saan nakalagak ang mga kagamitan nila. Wala silang inaksayang panahon. Tumatakbo na sila makalabas lang ng bahay ni Emerald. Sa gate ay nakita niyang nagyoyosi si Sergi. May bahid ng dugo ang labi nito.
“Sorry,” ang nasabi niya ngunit hindi niya agad ito nilayuan. “Anong nangyari sa loob?” tanong niya.
Pinilit ni Sergi ang ngumiti ngunit pinagkasya na lang nito ang sarili sa pagkibit-balikat sabay, “Nag-init yata ang ulo ni Ignasi sa akin. Ayun, sinapak ako.” Pinigilan nito ang matawa. “Kababangon ko lang no’n, ah. Tapos iyon ang bubungad sa akin. Sinipa ko nga. Sa panga. Buti nakabuwelo pa ako kung hindi nabale-wala lang iyong antique vase ng magulang ni Em.”
“Tig-isa sila ni Ignasi ng vase na nasira,” singit ni Mel sa kung saan. “Pero syempre nagbulag-bulagan na si darling Emerald at pinalabas na si Ignasi ang nakabasag ng dalawang vase.”
Tumango na lang siya at lumayo. Nang maalala niya ang sinabi ni Emerald ay binalikan niya ito. “Did you choose this design for me?” she asked Mel.
Nanlaki ang mga mata nito sa nakita. “Puh-retty.” Maingat nitong hinawakan ang braso niya. “I think I did. It looks good on you, babe.”
Wala si Dominic sa paligid. Binalingan niya si Cameron. “Doon na tayo sa pinapakuluan ng buhay, sis. Ayoko na rito.”
Nakita niyang nag-isip ito saglit. “Hindi mo hahanapin si Ignasi?” tanong nito.
“Uuwi ‘yon,” sagot niya. “Hindi magpapahanap iyon.”
Pinara nito ang paparaang bus. Nagtaka man ay nagpahila na siya rito. “Quick stop lang tayo sa Goa,” wika ni Cameron.
Sa pag-upo nila sa bandang dulo ng bus ay niyakap siya ng pagod at binubulungan na kumuha siya ng tulog. “Saan ang punta natin?” tanong niya sabay hilig sa balikat ni Cameron.
“I understand you getting sucked into the vacuum Ignasi created, but I still wanna know how we ended up shitfaced and why we have a freebie from our pothead friend…”
Hininto na niya ang pakikinig kay Cameron at nagpatangay sa tawag ng antok.