WALANG INAKSAYANG ORAS sina Jessie at Cameron nang makarating sila sa Bicol. Nagbabad sila sa ilalim ng araw at nagliwaliw. Kasalukuyan silang nasa dalampasigan kung saan limang piso lang ang ibinayad nila sa entrance. Nakasuot si Jessie ng nude high waist two piece pero pinatungan niya iyon ng oversized T-shirt. Wala naman siyang pasisikatan ng katawan niya. Napagtanto niya na nami-miss na niya ng sobra si Ignasi. Hindi niya pa rin mahagilap ang boyfriend niyang iyon sa ibabaw ng lupa. Even his parents were clueless. On other hand, Jessie managed to touched up few things about their event and sent the file to Mel and Sergi who gave her thumbs up when he read the email.
Mel answered her via email, too. It said:
Dear all,
Rave.
Yours truly,
Jeremiah Eli T. Salvador
She tried calling Dominic and Mel’s phone. Wala rin. Hindi sila sumasagot sa mga tawag nila pero ang bibilis kapag text message ang ipinapadala. At sa kaso niya kanina, nakakasagot pa gamit ang sss.
Nilapitan siya ni Emerald sa kubo at naupo sa tapat niya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Pinanood niya ito kung paano ito maglagay ng sunblock sa katawan nito. Emerald’s thick in all the right places. She’s curvy. Inggit nga siya sa parteng iyon lalo na sa baywang nitong mala-hourglass na nagmumura. Inabot nito ang sunblock sa kanya. Tinanggap na lang niya iyon at nagpahid sa sariling katawan.
“Masarap ba iyong Bicol express na niluto ko?” tanong nito.
“Fishing for compliment ka naman,” ang sagot niya.
“Ano nga?” pilit nito. “Mahilig kasi sa maanghang si Sergi, ‘di ba. Tinanong ko kung nasarapan ba siya. Um-oo naman, kaso baka napilitan lang.”
“I like spicy food, too, Emerald,” aniya.
Hinihintay nito ang sagot niya.
“It was THE best!” Jessie said while pretending to kiss each of her fingertips in a manner that says Emerald’s Bicol express was really the best.
“Thank you, Jess. Alam ko namang paborito mo rin pero siyempre na kay Sergi iyong focus ko,” natatawang biro nito.
“Yeah, I know. Believe me when I say it really is delicious. I don’t lie when it comes to food. Mahirap na ang ma-food poison. Lahat pa naman tayo rito ay matakaw," aniya.
“Uh, yes,” ani Emerald sabay muwestra sa katawan nito.
“Oh, that?” Turo niya rito. “That’s a whole level of sexiness, please. Stop showing off.”
“Am not!” ani Emerald na halatang fishing for compliment. Sabay silang tumawa. Hinila-hila nito ang T-shirt niya. “Hubarin mo na nga iyan. Panay ka sunblock pero hindi ka pa naman naliligo. Puro ka lang lamon dito. Tara na. Ang ganda ng sikat ng araw, o!” si Emerald.
Hindi na siya nag-dalawang isip na tanggalin ang pang-ibabaw niya. Sumipol ito nang makita ang katawan niya. Dumako ang mga mata nito sa tagiliran niya. “That’s a bigass tattoo. I like it,” anito.
She sighed. “Wow, thanks. I needed that. Lots of people thought it was ugly.”
Emerald shrugged her shoulders. “It’s not everyday you see someone tattooed with a big ass skull with flowers and… correct me if I’m wrong, is that babaylan? What does it mean?” Sinipat nito ng malapitan ang tattoo niya sa kanang bewang.
Muntik na siyang ihitin ng ubo sa narinig. “I’m gonna pretend you said baybayin. Yes, it is baybayin. It means ‘sa dulo ng walang hanggan’. Joke, Jessica lang ‘yan.”
“It’s okay if you laugh,” anito. Humagalpak siya ng tawa at ininsulto rin ito in the process.
“I like your name in baybayin. It looks cool. What did you feel after you were inked with this indigenous script?”
Tiningnan niya sa mga mata si Emerald. Like, really looked at her in her eyes. Blessed and thankful for having her in their lives, especially Sergi’s. “Masaya. Liberating. Something I would proudly say that, hey, y’all who colonized us, we still have it. It’s thriving. Baybayin is flourishing and I wanna be a part of that. Masaya kasi natagpuan ko iyong sarili ko sa punto ng buhay ko na hindi ako nalilito kung ano ba talaga ako sa ilalim ng patong-patong at halo-halong kultura. Gets ba?”
Ngumiti ito at masuyong hinaplos ang buhok niya. “My entire life, I’ve always heard of baybayin. Before, it was alibata. Pero hindi iyon itinuro sa panahon ko sa eskwelahan. Now I’ve got the means of learning it. Ang dami riyan sa Internet, may mga mobile applications pa nga. You know what, may tropa akong nagta-tattoo sa Goa. Isa-suggest ko itong baybayin. Papatok iyon. I don’t see why not.”
Umabrisete siya rito. “Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, magpalagay rin sila. And we have these moon eating dragon Bakunawa and I was so fascinated by the myth that at one point in my life I decided to have it inked on my arm in baybayin. Sergi and Ignasi told me not to. Cameron urged me. I compromised. No Bakunawa, but the baybayin stays.”
Emerald got excited. “Oh, please indulge me in these myths! I’ve only read about the mysterious elements like sigbin and…” Nalukot ang mukha nito nang makitang papalapit si Sergi. “Bummer. He hates these kinds of stories.”
Natawa siya. “Emerald, he’s a sucker of different mythologies. Ayaw niya lang ng nakatatakot na kwento. Anything that tests his manliness is a no no.” Pero bi, so ano ba talaga?, aniya sa isip.
Hinagkan ni Sergi si Emerald sa labi nang makalapit ito. Napansin nito ang naghuhumiyaw niyang tattoo. “I miss that,” ani Sergi.
Emerald gave Sergi a glance. “Take that back or you won’t be seeing any of this,” anito at muling iminuwestra ang katawan nito.
“Ang hilig mamingwit,” bulong niya.
Umabrisete si Emerald sa kanilang dalawa ni Sergi. “Mamingwit na tayo ng boylet mo, Jess,” si Emerald.
“Uhm, taken na po ako,” si Jess.
“Ay, oo nga pala,” bawi ni Emerald. May itinuro ito sa malayo. “Ganda ng katawan no’n, o.”
Inikutan na lang niya ito ng mga mata at niyaya na maligo na. Natagpuan nila si Cameron na nakaupo sa buhanginan. Inabot niya ang kamay rito at sabay-sabay silang nagtampisaw at naglaro sa tubig na parang mga bata. Kinailangan niya pang bumalik sa kubo nila para kunin ang waterproof na camera ni Cameron. Hindi niya tinipid ang mga kuha at dinamihan niya iyon, sinamahan na rin niya ng video, in and out of the water.
It was cut short when heavy rain poured. Masakit sa katawan ang bawat patak na bumubuhos kaya naman bumalik na lang sila sa kubo nila. They smoke, ate Bicol express and tons of junk food, they even rented a karaoke machine.
Cameron was the first to get hold of the microphone. “Any suggestions? Let’s set the mood. Umuulan. Pang-senti ba or what?” si Cameron.
“You do you,” sagot ni Sergi. Tumayo ito. “Gusto niyo ba ng kape? Magpapatimpla ulit ako sa karinderia.”
Lahat sila ay gusto ng kape. Umalis na ito.
“I’m thinking I will be a Tito for a bit and sing My Way or your lowkey drunk Tita singing Luha,” ani Cameron.
“Kanina ka pa riyan.” Inagaw na ni Emerald ang song book at remote. Agad itong tumipa ng numero. Nang tumugtog ang kanta nito at nagsimulang kumanta si Emerald ay nagtinginan silang magkapatid.
Nagpalakpakan sila. “May talent pala!” sigaw ni Cameron.
Nakisabay na rin sila rito. Naabutan sila ni Sergi sa ganoong tagpo at isa-isa nitong nilapag ang mga tasa.
Nakatawa lang si Sergi sa kanila hanggang sa matapos ang kanta.
Emerald looked smug. “Well?”
They all rolled their eyes.
“Oo, maganda na boses mo,” si Cameron.
Nag-bow pa si Emerald. “Thank you, fans.”
Tahimik na silang uminom ng kape. They smoked some more and everybody took turn in the karaoke. Hanggang sa lumalim ang gabi at lahat sila ay nakainom na. Nagpasya na silang umuwi. Si Emerald ang nangunguna sa paglalakad. Nag-bus sila. Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinakyan nila samantalang nag-tricycle lang sila kanina.
Nakaidlip siya sa biyahe at nagising siya nang yugyugin siya ni Cameron. Bumababa na ang ilang pasahero. Agad-agad siyang tumayo at bumuntot sa mga kasama niya. Si Emerald pa rin ang sinusundan nila. Hindi pamilyar ang lugar sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Tinutumbok nila ang gusaling may mapusyaw na ilaw. May mga poster din iyon ng pin up girls at ayon na rin sa isang karatula ay nagtitinda sila ng tobacco.
Pumasok sila at nilanghap niya ang pamilyar na amoy. “Okay, someone give me what these people are smoking right now,” aniya at iginala ang paningin sa paligid. May mga photo albums ng iba’t ibang disenyo roon. Napagtanto niyang disenyo pala ng tattoo ang mga nakapaskil.
Hinanap ng mata niya si Emerald. Nakita niyang magkasama ang tatlo. Si Cameron ay nakaupo sa isang leather seat at inabutan ito ng photo album. Sinilip niya ang nilalaman ng album. Mga watercolor tattoos.
“Magpapalagay ka?” tanong niya sa kapatid. Her sister looked at her with stoned eyes then blew the smoke in front of her.
“Oh, no, can I have some?” aniya. Si Cameron na ang naglagay niyon sa pagitan ng mga labi niya.