Five

2189 Words
NAGPUNTA SI JESSIE sa terrace. Pinuno niya ang baga ng sariwang hangin. Tumikhim si Ignasi sa likuran niya. May bitbit itong dalawang mangkok ng ice cream. Inabot nito ang isa sa kanya. Ginawaran siya nito ng magaang halik sa mga labi. “You were right to bring them here,” anito. “Paano mo naman nasabi?” aniya. “Ang daming food sa ref,” tumatawang sabi nito. “Mag-stress eating sila to death.” “Sino ba kasi ang nagsabing mag-panick buying ka? May double pay ka lang, eh,” tukso niya. “Is he okay?” bulong ni Ignasi, na parang maririnig sila ng mga tao sa loob. “Da hu?” tanong niya. “Sergi,” anito. “Ewan. Hindi ko pa nakakausap ng matino. Ay, babe, 'nga pala. Parang masisiraan ako ng ulo sa drama nina Mel kanina. I sat there soaking everything, my mind will cling to it for a while, that's for sure.” Hinaplos niya ito. Kaso ay lumayo naman ito.  “Lamig ng kamay mo, eh!” anitong pinaninindigan ng balahibo.  Natawa siya at tiningnan ang kamay na pinanghawak niya sa mangkok. “Sorry,” sabi niya. “Sila, stress eating. Ikaw, stress reliever ko,” sabi niya kay Ignasi. “Lagi naman, eh.” Ignasi placed his hand inside her jeans' back pocket. “Sige ka, magseselos na naman ako niyan kay Sergi,” anito. Inikutan niya ito ng mga mata. “Kailan ka ba hindi nagselos sa kanya?” “Huwag mo na kasi ako bigyan ng dahilan, Jess.” “Hindi naman, ah. Really, Ignasi? Parang hindi mo ako kilala. The only sane couple here... is us.” “Ano naman iyong tinginan niyo kanina?” puna nito. “Babe, ayaw pag-usapan ni Sergi iyong kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Emerald. Iyon ang ibig sabihin ng mga ‘tinginan’ namin kanina,” she air-quoted with her fingers.  “I believe you,” mabilis na sabi ni Ignasi. Tiningnan niya ito ng mabuti. “Ang bilis mo talagang mag-agree sa akin. Kaya tayo tumagal, eh,” biro niya. “Ayaw lang kitang pakawalan.” Inihilig nito ang ulo sa balikat niya. “Tunaw na iyong ice cream natin. Ang bigat mo,” reklamo niya. “Five minutes,” bulong ni Ignasi. “Nasabi mong na-stress ka kina Mel. Anong nangyari?” tanong nito mayamaya, nakahilig pa rin ito sa kanya. “ Sshh. I’m comfortable here. Huwag na tayong bumalik sa loob,” suhestiyon niya. “You talk to your friends,” anito. “Kailangan nila ng may makakausap at makikinig sa kanila.” Pabiro niya itong sinuntok sa balikat. “Kunwari ka pa, eh. Lilinisin mo lang iyong kusina mo. You freak.” Natatawa itong naglakad palayo. Sumunod na siya rito. “Mel cleans up well. Pero gusto ko pa ring linisin ulit.” Inikutan niya ito ng mga mata kahit nakatalikod na ito sa kanya. “Kaya huwag kang magtaka kung pinapabayaan kitang maglinis mag-isa.” “Alam ko.” Nagpunta na ito ng kusina.  Dumiretso na siya sa sala kung saan nakabukas ang telebisyon. Tinabihan niya si Mel habang katabi ni Dominic si Sergi. Nagsilbing background noise lang ang ingay mula sa TV dahil may kanya-kanyang mundo ang mga kasama niya. Nakatutok si Sergi sa phone nito. Ganoon din ang mag-jowa. Humilig siya sa balikat ni Mel.  “Sorry kanina, ha,” hinging-paumanhin niya. “Nakalimot ako.” Binitawan nito ang phone nito. “Tama naman si Serg,” anito. “Kapag laging nasa isip niyo iyong pinagdaanan ko, may naghahadlang na sa inyo para maipahayag niyo ang mga sarili niyo. I wouldn’t do that to you, guys.” She made herself comfortable in his shoulder. “I know. But still, hindi mo maiaalis iyong guilt sa amin ni Sergi.” “Tama na nga.” Bumuntong-hininga ito. “Let’s stop talking about me.” “Hmm, okay. Isip ka ng topic.” “Ganito na lang. Samahan mo ako bukas sa school ni Matthew.” “Si Dominic na lang, nang makilala na niya ang bata.” “Baka nandoon iyong nanay niya. Ayokong makita ang pagmumukha no’n.” “Si Dominic na lang. End of discussion. Ibang topic ang sabi ko. Anyway, my ukulele got broken by that sun-kissed, all boobs, thick girl.” Hinarap niya agad si Mel nang maramdaman niyang magkokomento ito sa sinabi niya. “You’d think it’s an insult, but really, I’m just complimenting that fine woman. Pero inuulit ko, nabasag niya iyong ukulele ko. That’s my point.” “Ah, no,” he disagreed. “All I heard was boobs and thick ass.” “Go back to being gay.” “I always am, bi/tch.” Tiningnan niya ito ng matagal. “Bi/tch, she broke my ukulele.” “I heard you,” he said. “And? Ay, teka, regalo iyon ng nanay mo, right?” “Exactly my point.” “And?” Napabuntong-hininga siya. “I think I love my ukulele more than my own mother. It’s the memory of her giving me that as a present that keeps me thinking, maybe one day, she will wholly and finally be able to love me. Call it Mommy issue or whatever. Pero ang tagal kong hinihingi iyon sa kanya. Busy lang siyang magpayaman. Ilang beses na akong niligtas ng regalong iyon sa mga galit na naramdaman ko. Ilang beses akong hindi nakakatulog sa gabi kakaisip na bakit niya kami iniwan, bakit kailangang mang-iwan, bakit hindi siya nakuntento kay tatay, samantalang walang ibang pinagpasalamat iyong tatay ko kundi kaming mag-ina niya.” “Wala bang walang may problema sa atin dito ngayon?” si Mel. “Oo nga, eh. Sorry. Kulit ko rin, eh.” “Isipin mo, that one thing that made you feel connected with your mother on a different level is broken. Gosh, I’m sorry.” He gently brushed her head. “Magtutuos pa kami no’n ni Emerald. Sisiguraduhin ko. Tsaka nag-away raw sila, eh?” “Chumika iyon sa akin kanina sa gas station,” anito na ang tinutukoy ay si Sergi. Umayos ito ng upo at hininaan ang boses. “It was nothing serious at first, he said. It was about her job. Laging out-of-town. Pinapa-supervise iyong mga branches nila ng gasolinahan. Wala nga tayong naririnig na bangayan sa pagitan nila, ‘di ba—” “Naririnig kita, Mel,” ani Sergi at tumikhim pa ito. “Hindi ko alam kung bulong ba iyang ginagawa mo o bingi ka na talaga?” “We, girls, are in our natural habitat and doing our business. Unless you want to divulge this yourself?” ani Mel. Sergi heaved a deep sigh. He put his phone away, stretched his arms, then crossed his legs. “The shorter version? May bagong bukas silang branch sa Bicol, her hometown, and the company is giving her the chance to supervise it herself. Hindi na niya kailangang lumayo pa sa pamilya niya. No brainer, um-oo siya.” Naghihintay sila ng sunod na sasabihin nito. Kukunin na nito ang telepono nito nang pigilan niya ito. “Wait! Wait!” Nasa entrada ng sala si Ignasi at nakikinig habang pinupunasan nito ang hawak na baso. “As in, agad-agad?” aniya. Tumango ito. “Where does that leave you?” si Dominic. “Saan pa ba?” si Sergi. “Maninirahan na siya sa Bicol. Tapos ako, heto, hindi ko pa alam ang gagawin.” “Ang layo ng Bicol sa Manila, ‘te,” si Mel. “Gusto kong malaman ang opinyon niyo. Thoughts on LDR? Yes or no?” Isa-isa silang tiningnan ni Sergi. Nagtinginan sina Jessica at Ignasi. Parehas nilang nabasa ang kung ano man ang dumaan sa mga mata nila. Hindi niya alam kung ano ang nabasa nito sa mukha niya, pero isa ang sigurado ni Jessie, nalungkot at nasaktan ito sa nakita. Pagkatapos ay napapalatak si Ignasi at bumalik ito sa kusina nang walang sinasabi. Napalunok siya. Sinundan niya ito. Naabutan niya itong nakahalukipkip. “Jessica.” “Ignasi...” “Ano iyon?” “Ang alin?” Pagak itong tumawa. “Iyon. Iyong kanina. Ikaw iyon, ‘di ba? Iyong may pag-aalinlangan? Nakita ko. Anong tawag mo do’n?” “Sorry,” ang nasabi niya. Sandali nga. Ang big deal naman. “Are you done? That’s it?” Wala bang time out para sa mga matatanda? Pagod na siya sa drama ngayong araw. “Time out! I need a f*****g break,” nagngingitngit na sabi niya. “As you wish.” Umalis ito ng kusina. Hinabol niya ito. “Not break break. Just let me breathe for a sec.” Pumasok ito ng kwarto nito at sinaraduhan siya ng pinto.  Sa gulat niya ay napanganga lang siya sa harap ng pinto nang kumalabog iyon sa mukha niya. Nakita iyon ng tatlo sa sala. Kinuha niya ang bag niya at tuluyang lumabas ng bahay. Naglakad siya palayo, nakarating siya sa harap ng subdivision kung saan may mga guwardiya. Naupo siya sa hintayan ng paradahan ng mga tricycle.  Kanina pa nagba-vibrate ang phone niya habang naglalakad. Hindi niya iyon sinasagot. Nag-yosi na lang siya. Magpapapapak na lang siya sa mga lamok. Hindi niya pa napapangalahati ang sinindihang sigarilyo ay nakita na niya ang paparating na kotse ni Ignasi. “Get in,” sabi nito nang makalapit at nang maibaba ang bintana sa passenger seat. “Ihatid mo na lang ako sa sakayan ng jeep,” aniya na hindi pa pinapatay ang yosi, ni hindi siya gumagalaw mula sa pagkakaupo niya. “Sa bahay ka na matulog.” “I’m not sleeping in your goddamn bed,” gigil na wika ni Jessie. “Don’t make this more complicated than it already is,” anito. “I wish you asked that question, para masasabi ko na ‘don’t ask questions you and I are not prepared to know the answer’," wika niya rito. "Kasi ako sa sarili ko, Ignasi, hindi ko rin alam na iyon ang sagot. Na hindi ako handa sa narinig kong tanong. Q and A pala, eh. Sorry kasi hindi ako handang makipag-LDR. Hindi naman iyon ang issue natin, ‘di ba? Nagtanong lang si Sergi. Why did you act as if you were part of that equation? Tangina, tapos tinalikuran mo ako at pinagsaraduhan mo ako ng pinto. Wow, congrats. Lahat na kayo, pagsaraduhan niyo ako ng pinto. Diyan kayo magaling.” “Babe, come inside. Sa bahay ka na matulog.” Hinarap niya ang kanina pang nanonood na mga guwardiya. “Sir, baka naman may pwedeng maghatid sa akin sa labas? Wala na yatang pumapasadang trike, eh?” Nagtinginan ang tatlong guwardiya. “Naku, wala na hong tricycle. Pero pwede kaming tumawag doon sa pumapasadang tricycle ng malapit na baranggay. Ihahatid ka noon sa paradahan ng jeep. Saan ka ba, ‘ne?” “Ang layo ko pa nga, manong, eh. Pwede ngayon niyo na ho tawagan?” “May taxi naman,” anang isang guwardiya. “Jess,” tawag sa kanya ni Ignasi. “Jessica, get inside the car.” Hinarap niya ito. “For confirmation, Ignasi, kung mapapalayo man ang isa sa atin, you’d stick around?” “You saw it. Of course, I’d stay.” “Because I won’t. I don’t know why. Fuck.” Naiinis na inilaglag niya ang sigarilyo sa lapag at inapakan iyon. Bumaba na ng sasakyan si Ignasi. May tinatawagan na ang guwardiya na may hawak ng telepono, habang ang isa naman ay binabalaan siya gamit ang kakaibang titig nito sabay pulot ng niyurakan niyang sigarilyo at itinapon iyon sa basurahan. Aaminin niyang wala sa paligid niya ang focus niya kaya hindi niya napansin ang basurahan doon, kahit ang ashtray na gamit ng dalawang guwardiya.  “You know why,” ani Ignasi. “Sabi nang hindi ko alam, eh.” Naiinis na tinabig niya ang kamay nito nang tangkain siya nitong yakapin. “Hindi ko alam kung bakit. Ano ba ‘to?” Hapung-hapo ang pakiramdam niya. “I love you, Jessica.” Niyakap pa rin siya nito kahit na nagpupumiglas siya. “I love you, too,” bulong niya ngunit hindi na niya pinahaba ang sandaling iyon. Humiwalay siya rito. “Manong, taxi na lang,” bilin niya.  Naguguluhan si Ignasi. “Magkikita kami ng kapatid ko bukas. Dadaan siya sa bahay,” paalala niya rito. Hinalikan niya ito bago sila naghiwalay. “Sorry. Tsaka, uhm, good night. Ang sarap ng niluto mong tinola. Thank you rin pala sa pagpapatuloy sa mga kaibigan ko.” “Hindi na rin naman sila iba sa akin. Kaibigan ko na rin naman sila.” “I guess I’ll see you around tomorrow. I don’t know. I-text na lang kita. I... I love you. I really do.” Niyakap niya ito ng mahigpit bago pumasok sa taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD