Six

2067 Words
“HI, SIS,” bati ni ng kapatid ni Jessie na si Cameron nang patuluyin niya ito sa loob ng bahay. Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa.  “Bakit hindi ka pa nagbibihis?” anito. Dumiretso ito sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Humilata siya sa sofa.  “Dalawang oras na akong gising, ni pagligo ay hindi ko pa nagagawa,” sabi niya. Naupo ito sa katapat niyang upuan. Pinagmasdan niya ang mahaba at kulay tsokolate nitong buhok. Bata ito ng anim na taon sa kanya. Maputi ito, balingkinitan, at napakakinis ng kutis. “Kailan ka pa nagpakulay ng buhok?” tanong niya. Cameron flipped her hair. “Ganda, ‘no? Magda-dalawang linggo na ‘yan.” “Bagay mo, maputi ka kasi,” sabi niya. “I know.” Tumabi na ito sa kanya. “Saan ang lakad natin ngayon, sis?” Niyakap siya nito at nagsumiksik sa tabi niya. “I’m thinking somewhere private, probinsya-like, clear from unwanted fuckwits that I call my friends,” biro niya. Tiningala siya nito. “No Sergi, no Ignasi?” No Mel, no Dominic also, aniya sa isip. “Just the two of us,” sabi ni Jessie. “Clingy,” ani Cameron. “Fine with me. Look at my two duffel bags. I’m good to go. Ikaw na lang ang hindi. Maligo ka na, ate Jess. Kumain ka na ba?” She groaned. “Not yet.” Hinila siya nito patayo. Her phone rang. Cameron took it. “It’s kuya Ignasi.” “Hayaan mo muna.” Nagtungo na siya sa banyo at naligo. Nang matapos ay pinuntahan niya si Cameron sa kusina. “Ano iyan?” Sininghot niya ang amoy ng luto nito. “Paella.” Inabutan siya nito ng isang plato ng paella. “Ahm, ate, may sasabihin kasi ako.” Sinenyasan niya itong magpatuloy. Nagsimula na siyang kumain. “Ayon, wala akong work. Pwede makituloy muna sa iyo? Pansamantala?” ani Cameron. Nagkibit-balikat siya. “Not the first time, Cam.” Cameron groaned in frustration. “I know. Tsaka ang creepy ng tinitirhan ko. Actually, iyong mga kapitbahay ko ang weird at creepy. So, ate, sure na ba iyan? Dito muna ako. Pansamantala. Pero alam mo, magandang ipa-rent mo iyong guest room mo.” Tiningnan niya ito. “Ikaw na lang ang first border ko.” Nagdalawang-isip ito. “Meaning, hindi free?” “Whatever, Cameron. If you want to stay until you get back on your feet, stay. If you want to pay, eh, ‘di go. I’m not stopping you.” Natutuwang pumalakpak ito. “Sige, hindi ako magkakalat, promise. Magwawalis din ako tsaka magpupunas ng mga muebles mo.” Jessie rolled her eyes. Kinuha ni Cameron ang laptop nito at binuksan iyon. “You’re looking for a perfect getaway, right? Fear not, you got me and my reliable laptop. Ay, walang WiFi? Naka-connect na ako rito, ah?” Hinila niya sa direksyon niya ang laptop nito at inilagay ang panibagong password ng WiFi. “Pinalitan ko iyong password,” aniya. “Ang arte.” Nagpaka-busy ito sa laptop nito. Narinig niyang tumutunog ang phone niya sa malayo. “Sagutin mo na. Kanina pa tumatawag. Sa totoo lang, sinagot ko iyong tawag niya habang nasa banyo ka at nakanta. Naks, fan ni Amy Winehouse. Tinanong ako kung anong ganap today, sabi ko naman out-of-town. But wait, saan ka pupunta?” “Magbibihis.” “Hindi mo pa rin sasagutin? Sige ka, makikipag-break na iyon kay Esme.” Hinarap niya ito. “Esme? Sino bang nakausap mo?” Nagkamot ito sa ulo. “Hindi si Ignasi, tanga. Si Sergio Sanchez. Gets? Esme nga. Siya lang naman yata ang may girlfriend na Esmeralda ang pangalan.” “Sinong tanga, eh, Emerald iyon.” Pinuntahan niya ang telepono niya. Huli na nang mahawakan niya iyon dahil in-end call na ng kabilang linya. “Duh, ang old mo na talaga. Pwede mag-joke? Emerald don’t mind it naman when I call her Esme short for Esmeralda. Cute kaya.” Nagpatuloy ito sa paghahanap ng pwede nilang puntahan. Bitbit ang phone ay pumunta siya ng kwarto niya. Ilang segundo lang ay narinig niyang may kumatok at pumasok si Cameron. Naupo ito sa dulo ng kama niya. “You said it will be just the two of us, right?” nananantiyang tanong nito. Mabilis na binalot ng adrenaline rush ang katawan niya sa narinig knowing Cameron. Binato niya ito ng nahagilap niyang suklay. “What did you do?” Lumamlam ang mga mata nito. Alam niyang hindi niya ito matitiis. Pero sa kabilang banda, alam niyang hindi maganda ang kalalabasan nito dahil sa itinatago nitong mapang-asar na ngiti. “I talked with Sergi nga on the phone. He mentioned something about Esme and stuff. I thought, he’s cute and whatnot...”  Nasapo na niya ang noo niya. Kailangan niyang maupo at baka takasan siya ng lakas. “What did you do?” tanong niya. “What’s a better and advanced option for a couple to split and tear them apart? Okay, geez, I’m just joking. Easy sa pagbabato.” Nailagan nito ang binato niyang unan. “Ano nga kasi? Daming kuda.” “Sabi ko, punta siya rito. Ta’s kung gusto niya, and if he’s available, magdala na siya ng spare shirt, briefs, etc, etc.” Cameron sat pretty.  “Burahin mo iyang ngiti sa mukha mo. We’re not leaving with him,” pinal niyang sabi. “Pag-isipan niya raw. Let’s see if he will turn up. Iwan na kita.” Umalis na ito. Inokupa niya ang sarili sa pag-aayos. Nang matapos ay nag-empake na siya ng mga dadalhin niya. Tinulungan na rin siya ni Cameron na maglagay sa maleta niya. Nasa garahe siya upang ilagay ang inempakeng maleta at isang duffel bag ni Cameron sa kotse niya nang may nag-doorbell. She recognized who was behind the gates of hell. Of course he’d turn up. Pinagbuksan niya ito ng gate.  May bitbit itong backpack. “Hi,” bati nito.  “Hello,” ganting bati niya at niluwagan ang pagkakabukas ng gate.  “Pasok. Musta?” aniya. Binalikan niya ang mga bagahe at inilagay iyon sa loob ng kotse.  Tinuro niya ang backpack nito. “Saan ang punta mo?” tanong niya. Nanliit ang mga mata nito. “Come on, Jess.” Tinulak siya nito palayo sa kotse niya at inihagis ang bag nito saka isinara ang kotse. “Pasok na tayo?” anito at nauna nang pumasok ng bahay. Narinig niya ang pagtili ni Cameron nang makita si Sergi. “Sergi!!!” “Kaps!!!” ganting sigaw ni Sergi. “Batang kapatid ni Jessica. Kumusta?” alanganing sabi nito. Natawa siya kay Sergi. Subukan lang lumandi ni Sergi sa nakakabatang kapatid niya, at vice versa, makakatikim ang mga ito. “Wait lang, ah. Usap lang kami ni ate mo.” Hinila siya ni Sergi pabalik sa sala. Iniwan nila sa kusina si Cameron. “Spill,” said Jess and made herself comfortable in her seating. Sinapo nito ang noo nito. “Emerald knows I’m not a believer of LDR. She finalized her decision about going back to Bicol. Kahit anong sabihin ko, ayaw niya akong pakinggan.” “Kaya ba nandito ka?” aniya. “Imbes na kumbinsihin mo si Emerald na mag-stay?” “Ayaw niyang mag-stay, Jess,” si Sergi. “No comment,” aniya. “That’s all you have to say...?” hindi makapaniwalang sabi ni Sergi.  Nagkibit-balikat siya. “You know her. Emerald is Emerald.” “Then I’m going with you, guys.” ani Sergi at humalukipkip. “Ayoko. Bonding namin itong magkapatid. I’m not going to solve this. Go back to Eme and, I don’t know, convince her to stay? If not, tell her to just supervise the branch and come back here every now and then. Kung gusto niya, samahan mo siya every travel niya. Ewan.” Nagpadausdos ng upo si Sergi sa sofa. “Akala ko ba pag-uusapan natin ito?” “Eh, oo nga. But I thought we’re past that because last night we already talked about it.” “Emerald is worth it, though, right?” anito. “Ng?” “Samahan ko kaya siya sa Bicol?” “Ha?” Napaayos siya ng upo. “Guys,” si Cameron, nakatayo ito sa likuran ni Sergi habang bitbit ang laptop nito. “Saan si Emerald sa Bicol?” “Ha?” ulit niya. “Tigaon, Camarines Sur,” ani Sergi. “Bakit?” “Kailan ang punta ni Esme doon?” ani Cameron. Nagtataka man ay sinagot pa rin iyon ni Sergi. “Sa isang araw na.” “Okay, so ganito. Nag-send ako ng e-mail sa inyo ng itinerary natin. Kung gusto niyo ng changes on the way sa Bicol, hit me up.” Kinunotan niya ito ng noo. “On the way sa Bicol?” “Like I said, may e-mail akong sinend.”  Tiningnan niya ito ng masama.  “At isang powerpoint presentation,” dugtong ni Cameron. “Mount Purro Nature Reserve sa Antipolo ta’s diretso ng Casiguran, Aurora. Dapat diretsong Tibiao, Antique pero mapapalayo sa Bicol kaya isisingit natin iyong Camarines Sur bago ang Antique. Hindi pa ako nakakapunta roon, eh. Pwede nang mag-stay si Sergi sa Bicol, tapos tayong dalawa, diretso na ng Antique. Doon tayo sa pinapakuluan ng buhay sa malaking palayok. Bet?” “Sounds like a plan,” ani Sergi. “Asa,” aniya. Hinarap siya ni Sergi. “You don’t have a sense of direction, Jess. Baka iligaw mo lang itong kapatid mo.” Pinutol na niya ang sasabihin nito. “Nah, whatever you say, malaki na si Cameron. Marunong na iyang magpunta sa pulis kung mawala man ako.” “Hindi kita aalagaan, ‘no,” ani Cameron. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Tumayo na si Sergi. “Inaalala ko lang kayo. Isama niyo na lang si Ignasi kung ayaw mo akong isama,” anito na nakatingin sa kanya. Kinalabit ni Cameron si Sergi. “Warla ba sila? Dine-deadma niya kasi iyong mga tawag ni kuya Ignasi. Ay, hindi, ganito na lang. Sumama na kayo pareho ni kuya Ignasi,” suhestiyon nito kay Sergi. “Partner-partner, gano’n,” mahinang dugtong ni Cameron. Tumikhim siya. “Cam—” “Ate, magbe-birthday na tayo parehas. Bigay mo na sa akin ito. Please?” Pinagsalikop pa nito ang mga palad. “Ang alin? Si Sergi?” tanong niya rito. Namula ang mga pisngi nito.  Tinalikuran sila nito at iniwan silang dalawa sa sala.  “Ganito na lang, Serg, isama na lang natin si Emerald,” suhestiyon niya.  Lumiwanag ang mukha ni Sergi. “Really?” Tumango-tango siya. “Yes, sa isang araw naman na siya luluwas, ‘di ba? Magkita-kita na lang tayo sa Bicol. Ano? Okay ba?” “Bale, hindi pa rin ako kasama sa Antipolo at Aurora?” “Nope. Sa tingin mo ba okay lang kay Emerald na iwan ka rito. I’m pretty sure she needs you as much as you need her, so be with her. Kailangan kong bumawi kay Cameron, okay? I promised her a full week of vacation. Pero hindi ko naman sinabing no work sa whole duration so baka tapos ko na iyong ibang detalye ng gusto ng client natin.” “Oh, right, the client. Shoot, muntik ko na silang makalimutan.” “Eh, ‘di, malinaw na tayo?” “I’ll leave my backpack in your car. Una na ‘ko.” Nasa pinto na ito nang tumunog ang telepono nito. “Hey, Emerald,” anito sa kabilang linya. “Ganito, ahm, usap na lang tayo pag-uwi ko riyan. Ano kamo? Tanungin ko, saglit.” Binalingan siya nito. “Lunch daw tayo? Gusto niyo ba?” tanong nito. Nag-isip siya. “Libre nino?” Napangisi ang kausap niya. “Cam!” tawag niya sa kapatid. Sumilip ito mula sa kusina. “Okay lang ba kung mag-lunch tayo kasama sina Emerald?” Humalukipkip ito na tila nag-iisip. “Iniisip mo ba iyong pagbiyahe natin ngayon?” “Yup.” “Libre naman yata, eh,” anito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD