TUMINGIN SINA JESSIE at Cameron kay Sergi, bumalik na ito sa pakikipag-usap sa telepono. “Positive. Saan tayo magkikita? Dito na ako manggagaling para sabay-sabay na kami. Libre sakay. Medyo quits.”
“Akala mo talaga siya ang magbabayad ng kakainin natin,” ani Jessie.
Nag-ayos na sila ng gagamitin nila para sa buong linggo. Nang maisara na ang buong kabahayan ay tumungo na sila sa kotse. Sumakay na sa loob si Cameron, naiwan si Sergi. Ipinarada lang niya saglit ang kotse sa kalsada saka niya binalikan ang gate upang i-lock iyon. Sabay na silang pumasok ng kotse, siya na driver, si Sergi naman sa backseat.
“On the way na raw doon sila Mel at Dominic,” imporma ni Sergi.
“Meeting de avance,” aniya.
Inilapit ni Cameron ang mukha nito sa kanya mula sa backseat. “I love seeing ate’s friends. They bring so much gayness into my life.”
“Lalake pa rin ba ang gusto mo?” tanong ni Jessie rito.
“Oo, for example, Sergi,” wala nang hiya na sagot ni Cameron.
Ipinatong ni Sergi ang magkabilang braso nito sa sandalan ng upuan nila. “Bakit ‘pa rin’?” puna ni Sergi.
“Dati kasi iyang si Cameron, trip na trip iyong isang VJ sa Myx na rising star na ngayon. Stalker vibes itong si ate mo. Walang araw na hindi niya ako pinadalhan ng selfie ng celeb na iyon. Ano na nga bang name niya?” ani Jessie.
“Si Kat Moreno,” wika ni Cameron.
“O, iyon, so dinala ko siya sa BGC, sa Backyard, kasi may sesh doon si Kat Moreno. Manghang-mangha si Cam. Parang asong ulol na.” Hinampas siya nito. “Totoo nga, para ka nang maglalaway no’n. Nagtaka na ako, naisip ko kung susunod ba ito sa yapak mo na bisexual o ni Mel na all-out?”
“Ang sagot sa kanyang katanungan,” ani Cameron. “Ay ito.” Kinurot nito ang pisngi ni Sergi. Pinanggigilan nito iyon hanggang sa si Sergi na ang kumawala mula sa kamay ng kapatid niya.
“Creepy ng kapatid mo,” sabi sa kanya ni Sergi.
“Sus, pero deep inside, flattered ka? Lahat na may gusto sa iyo. Ay, hindi pala lahat. Kami lang ni kuya Mel,” Cameron said.
Binilisan niya ang takbo ng kotse. May pasaring na naman itong bwisita niya.
“Anyway, I’m not creepy. I’m just appreciating your looks. Don’t worry, crush lang kita. You make my visit here in town worthwile. Uy, jelly si ate? Okay, you can share one fourth of what makes this place special. Kasi there’s kuya Mel pa, eh, and kuya Ignasi. Lagi rin akong may libre. At ang best part? Iyong nightlife dito! I’m so kilig! Onting kembot mo lang, may Mojito na diyan. Sa kabilang kabilang kanto naman, may Soho o kaya iyong Oak. Oh, my gosh, ‘di ba?” excited na turan nito.
Napabuntong-hininga siya. “I feel like you tricked me into agreeing that you live with me. Kaya pala. Ngayon alam ko na.”
“For the meantime lang. Pagbabawalan mo lang naman ako magdala ng boys.” Nangalumbaba ito sa bintana.
“Buti alam mo. First rule, no boys. Second, hindi pwedeng umuwi ng lasing. Third, walang susuka sa kinatitirikan ng bahay ko. Wala. Fourth, bawal sa harap ng bahay. Mangangamoy iyong garahe. Pang-lima, ayoko ng makalat. Pang-anim... wala. Saka ko na dagdagan kapag may naisip na ulit ako,” aniya.
“I miss you, ate,” lambing ni Cameron. “Two weeks kitang hindi nakita.”
Natawa siya. “Oo nga.”
Iningusan siya nito. “Baduy. Walang ‘I miss you, too’. Kinukumusta ka pala ni mama.”
Siya naman ang umingos. Napabilis niya ang takbo ng sasakyan. “I’m still in one piece,”
“Sabihin ko kinukumusta mo rin siya,” anito.
“Hala, ate, may nakalimutan tayo!” sigaw ni Cameron.
Hinampas niya ito dahil nagulat siya sa boses nito.
“Anong nakalimutan niyo?” si Sergi.
“Walang lalaruin si ate na ukulele,” si Cameron.
May gumuhit na sarkasmong ngiti sa mga labi ni Jessie. “Yeah, well, you should thank Emerald and her beautiful butt for that.”
“What happened?” usisa ni Cameron.
Hindi siya sumagot. Nagtama ang mga mata nila ni Sergi sa rearview mirror. Ngayon niya lang napagtanto na nagmukha siyang driver ng dalawa dahil parehong nakaupo ang mga ito sa backseat. Ni walang nagkusang tumabi sa kanya.
“Don’t tell me... hiningi ni Emerald?” hula ni Cameron. “May talent ba iyon?”
Napabuga siya ng hangin. Iyong tawa niya ay nauwi na lang sa ngisi. Tumalim ang mga mata ni Sergi sa sinabi ni Cameron. Pero agad din iyong nawala. He’s just being protective of his love.
“Maganda,” ani Jessie. “Mabait. Hard working.”
“May pwet,” dagdag ni Sergi.
“Si ate lang yata ang walang pwet sa atin dito. Pinaglihi sa plywood,” turan ng kapatid niya.
“May boobs naman,” sagot niya.
Natawa sina Sergi at Cameron.
“Iyon lang ba?” ani Cameron. “Sa iyo nga iyong pinakamaliit. Pagawa mo na kasi iyan. Magpa-deliver na ba ako ng isang toneladang bulak para ipasak sa non-existent mong dede?”
Nginitian niya lang ang mga ito. “Someone’s about to put a ring on this flat-chested, flat-pwet woman.”
Natahimik ang dalawa.
“May weird fetish pala si Kuya Ignasi,” ani Cameron.
“Right?” gagad ni Sergi. “Pa-set ko na si Ignasi ng appointment sa doktor? May mali sa mata no’n.”
“OMG, so akala niya yero si ate?”
Pinatulan na lang niya ang dalawa. “Kaya pala lagi niya akong sinasabihan sa umaga after every session, bakit parang tuod daw iyong dinala niya sa kama? Now I know.”
“Oh, patola. She’s comfortable in her own skin,” ani Cameron kay Sergi at tumango-tango pa.
“Yep,” sang-ayon ni Sergi. “Sagot ko na iyong pang-cosplay mo, Jess, sa next AnimeCon. Easy. Tapos kami ni Cameron iyong mga karpintero.”
“Ang creative!” ani Jess. “Bagay talaga kayo ni Emerald.”
Humalakhak si Cameron. “Kuya Sergi, lugi pala iyong future bagets niyo, kung sakali.”
“Magpa-park na ako,” imporma niya.
Hindi na sila naghuntahan.
Nang maiparada ang kotse ay sinalubong sila ni Emerald.
In all her glory.
She walked as if she owns the place. They did make fun of Emerald, but she has a heart of gold. Jessie was happy to see Emerald wearing the dress her boyfriend bought with her help. Naglakbay ang mga mata niya sa kamay nito. Nagulantang siya sa nakita. May kumikinang na bagay—
“Jess!” ani Emerald sabay yakap sa kanya.
Nagtama ang mga hinaharap nila. Napangiwi na lang siya.
“Pasok na tayo?” anito.
Pumasok na sila. Nagpahuli siya sa paglalakad.
Nilingon siya ni Emerald. She has the sweetest smile. Umurong iyong inis niya. Inabot nito ang kamay sa kanya. Tinanggap niya iyon at umabrisete ito sa kanya. “I have big news today, Jess. I’m so excited,” bulong nito sa kanya.
“Aside from your big joga, ano pang ‘big’ ang meron ka?” biro niya.
Pabiro siya nitong siniko. “A big heart. Two people can fit here. You’ll see.”
Binitawan na siya nito. Lumapit naman ito kay Sergi at hinila palayo. Nag-usap ang dalawa sa malayo. Magkalapit na magkalapit ang dalawa. Tila nagbubulungan. Hindi niya mawari kung nagtatalo ba ang dalawa o iyon lang ang gusto niyang isipin. Inalis na niya ang atensyon sa dalawa. Hinanap niya ang bag niya. Cell phone niya lang pala ang nadala niya pati susi ng sasakyan. Dahil libre naman ito, iniwan niya ang bag niya sa loob ng kotse. Ni wallet, wala siyang dala.
“Saan ka pupunta, ate?” tanong ni Cameron nang makita siyang lalabas.
“Yosi lang saglit. Naiwan ko sa kotse.”
“Kakain na tayo. Mamaya na ‘yan.”
“Wala pa sila Mel. Saglit lang ‘to.”
“Ang dami mong bisyo sa buhay.” Tinalikuran na siya nito.
“Ang dami ka riyan,” sagot niya kahit medyo nakalayo na ang kausap niya. Narinig siya nito kaya humarap ito.
Itinaas nito ang kamay at nagbilang. “Yosi. Ignasi. Sergi.”
Nagulantang siya. “Ano bang pinagsasasabi mo?”
Nagpameywang ito. “Kapag sawa ka na sa isa, pupuntahan mo na iyong less toxic sa iyo for that day. ‘Di ba? Huwag kang ngumanga, nakakakabag ang sobrang hangin.” Tuluyan na itong umalis.
Napapalatak siya.
Nakasalubong niya sa labas sina Mel at Dominic.
“Papahangin lang,” aniya sabay layo sa mga ito.
Hindi na yata matapos-tapos ang isipin niya. Bumaba ng kotse nito ang bagong dating. Nakita siya nito at lumapit. “On time lang pala ako,” anito at mahigpit siyang niyakap.
“Inimbitahan ka rin ba ni Emerald?” tanong niya.
“Yup. Tara, pasok?”
Tumango na lang siya. Mahigpit ang naging kapit niya sa kamay ni Ignasi.