Eight

1450 Words
JESSIE HATES IT when this happens. She's bothered by the thought of Sergi and Emerald being engaged that she stopped listening to Cameron's stories. Imbes na i-enjoy niya ang oras kasama ang kapatid ay hindi niya magawa dahil patuloy na umiikot sa isip niya ang naganap na eksena sa restaurant kanina, kung saan in-announce ng dalawa ang engagement nila. Matagal na niyang kilala si Sergi. Ilang taon na silang magkaibigan. Hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman niya. Kung tutuusin, masaya siya sa piling ni Ignasi. Pero ngayon ay naghahalo-halo ang nararamdaman niya. Sa pagpupumilit niya ay hindi niya pinasama si Ignasi sa lakad nila. Ang rason niya ay gusto niyang makapag-bonding silang dalawa ni Cameron. They always do these spontaneous trips whenever they can. Minsan ay kasama si Ignasi, minsan naman ay hindi. Ayaw niya lang masaksihan ni Ignasi ang pasalit-salit na emosyon sa mukha niya. Dahil siya mismo sa sarili niya ay naguguluhan siya. Nakailang beses na siya ng tanong sa sarili niya kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Tinatanong niya ang sarili kung bakit siya naguguluhan. Tungkol saan ba? Ano ang ugat? She's so inarticulate to express her thoughts that she decided to talk with Cameron. “When are you going to settle down, Cam?” tanong niya rito. Nagtataka itong lumingon sa kanya. “What? Paano napunta riyan ang usapan? Parang iyong happy ending lang ng kaibigan kong ikinasal last month ang pinag-uusapan natin. Ano kayang magandang bachelorette party para kay Esme? Iyong sa kaibigan ko nga kasing lalake, dinala siya ng mga boys sa isang spa. Kakanood nila iyon ng Four Sisters and A Wedding, kaya naisipan nilang bigyan ng happy ending si—” “Wala ka bang boyfriend?” Hindi niya maalala kung may nabanggit ba ito tungkol doon, o kung napag-usapan na nila. Lulan na sila ng bus. “Wala, ate. I already told you I ditched this guy I was dating because I met my boss. When things started to get messy, I decided to leave my job. Kaya nga kargo mo muna ako pansamantala.” “Really? Let's talk about that. You and your boss. Bi/tch, creepy neighborhood ka pang nalalaman.” “Sa totoo lang, iyong boss ko talaga ang dahilan kung bakit ako umalis sa tinutuluyan ko. Although, creepy rin iyong kapitbahay ko. Bakit bigla-bigla ay interesado ka na sa lovelife ko? Iniikutan mo lang ng mata iyon, eh. Gusto mo laging lovelife niyo lang ni Ignasi ang topic. Self-centered biatch that you are.” Natawa siya sa narinig. Totoo naman kasi. “For a change. I want to listen to you talk. Although... naging habit ko na yata iyong sumingit kapag nagsasalita ka, just to get a reaction out of you, na hindi ko na matanggal. I am not the perfect ate. I never even knew you existed until I was out of high school. I don't know how to behave around you. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano umasta. Ayokong magsilbing bad influence sa iyo,” aniya. “You are the right kind of ate for me,” sagot ni Cameron. They smiled at each other. “What's wrong?” tanong nito. Bago pa siya makasagot ay nagsalita ulit ito. “Don't answer that. Saka na kapag lasing ka na. Huwag na rin nating pag-usapan iyong tungkol sa lovelife kong walang improvement since puberty. Bakit ba kasi ang hilig natin sa mga alpha male? Kung hindi man gano'ng uri, lone wolf naman ang hanap. Kapag pumatong na iyong edad ko ng twenty-five, gagamit na ako ng dating app. Totoo, ate, ang swerte mo kay kuya Ignasi. Huwag mo nang pakawalan, ha.” Hindi siya nakasagot sa huli nitong sinabi. Iniba na lang niya ang usapan. “Pero seryoso nga, ayoko naman magsilbing bad influence sa iyo. Sa tanda kong ito, parang puro kalokohan lang ang alam kong gawin, eh. Seryosong usapan, Cam—” “Kanina tinanong mo ako kung kailan ko gusto mag-settle down. Nope. I'm only twenty years old. Wala pa sa isip ko iyon. Tapos tinanong mo kung may boyfriend ba ako. Wala. Zero. Ngayon, gusto mo malaman kung naging mabuti ka bang ate sa akin? Most of the time, hindi. So, ako na lang ang nag-adjust. Ganda mo, eh. Actually, ate, okay ka namang step-sister, eh. Kasi kung sister by blood talaga tayo, malamang lagi na tayong nagsasabunutan. But I'm glad we found a common ground.” They both smiled at the mention of their 'common ground'. “Kumusta pala siya?” tanong niya rito. “Si mama? Ayun, chill. Dami nang pera no'n, eh.” “Si papa mo?” “Ugh.” Umikot ang mga mata nito. “Workaholic. Pero sanay na ako. Kapag may time siya, tinatawagan niya ako. Vice versa.” Nagka-pamilya ng iba ang nanay niya pero hindi rin iyon nagtagal. The only good thing that came out of that relationship is Cameron. Noong una ay mahigpit niyang sinabi sa sarili niya na wala siyang pakialam sa naturang pamilya ng nanay niya. Ngunit si Cameron na ang lumapit sa kanya. Inilabas nito ang sama ng loob sa isang taong nag-uugnay sa kanila. Sa isang iglap, nakita niya ang sarili kay Cameron. Isinumpa niya na hindi niya hahayaang lamunin ito ng galit, katulad nang kung paano niya hinayaan ang sarili na masira dahil sa ginawa ng nanay niya. Napatingin siya sa bintana. “Alam mo, pakiramdam ko kapag nakita ko ulit si nanay, gagaan iyong loob ko.” Sumandal ito sa kanya. “Wow. That's new.” “Malay mo, hindi na ukulele ang ibigay niya,” biro ni Jessie. “Magpakabait na kaya tayo, for real, para maisama tayo sa huling habilin niya,” gatong ni Cameron. “Bad,” ani Jessie. “Hoy, ilang taon kong tinikis iyong drama mo sa step-mother ko. You're still a conniving nightmare in rainbow drapery,” anito. “But, anyway, I was thinking...” Nagningning ang mga mata nito. “You know what I'm thinking?” tanong nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya at nagpadausdos ng upo. “Spill.” Something about her look gives her away. Sumiksik ito sa kanya. “What did you think of Sergi and Emerald—” Napapiksi siya. “Alam mo, ikaw,” Tinuro niya ito. “Tingin ko dahil sa iyo kaya ang daming tanong na bumabagabag sa akin. Ikaw talaga ang salarin, eh!” tungayaw niya. Nanlaki ang mga mata nito. “Huli ka! I haven't even finished my question but look at you... Look how fu/cking fu/cked you are, my dear sister.” Huminga siya ng malalim. “Ang OA nito. Kung hindi mo ba naman kasi ako binabanatan ng mga linyahan mo, sana hindi ako napapaisip ngayon.” “What do you mean? One-liners are not my thing.” “Hindi ka lang aware. Ang dami mong pasaring about Ignasi and Sergi.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Look, ate, are you happy with kuya Ignasi?” Tumango siya. “Do you love him?” “Yes.” “How about Sergi? Are you happy with him?” Tumango ulit siya. “Do you love him?” “As a friend, duh?” sagot niya. “Okay, ibang approach na lang,” Nag-isip ito. “You know me, ate Jess, I am a keen observer. I saw the look on your face when Emerald announced it. Your gall to smirk, my God. How foolish.” “It wasn't that loud. Ikaw lang iyong nakarinig, 'di ba?” “Sshh. Shut your trap. As I was saying, while Sergi and Emerald were talking about how sudden everything is, from the unplanned proposal to her saying 'yes', the small despedida lunch party kanina, kung hindi lang lumamig iyong ulo ni Emerald kanina while Sergi was at your house attempting to go with us, baka kasama na natin si Sergi sa biyahe. And they were engaged for weeks! Could you believe that? They were so good at hiding it! Kung ako ‘yon, walang makapipigil sa aking isigaw sa mundo na soon-to-be-bride na ako.  "I was looking at you, looking for clues, for answers to my questions. One, are you secretly in love with your best friend? Two, same question but maybe you weren't aware from which timeline and multiverse you fell in love with him and you brushed it off. Three, you said something this morning about kuya Ignasi putting a ring on your finger. Fourth, how did you manage to stay friends with Emerald when after all this time you're secretly in love with Sergi? Well, let's not get ahead of ourselves, shall we? Pinangunahan na kita sa pagsagot, eh. Sorry. Well? Sasagot ka ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD