JESSIE LOOKED OUTSIDE the window. Mula sa loob ng bahay ay rinig ang halakhakan nina Spencer at Cameron. Iginala niya ang paningin sa loob ng sala. Naupo siya sa silyang tumba-tumba. Itinaas pa niya ang mga paa. Ipinikit niya ang mga pagod na mata. Hapung-hapo siya mula sa mahabang biyahe. Nang makababa sila ng Dipontian ay walang Spencer na sumalubong sa kanila. Kinailangan pa nilang maghanap ng signal upang matawagan ang telepono nito. Akala yata nito ay nagbibiro sila. Halos sapukin na niya ito nang makita ito ng personal. Sa gutom niya ay nagpatangay na lang siya sa dalawa. Hindi na siya nag-usisa pa, ni hindi nga niya kinakausap ang lalake na siyang dahilan kung bakit sila nakarating ng Aurora.
Iminulat niya ang mga mata nang marinig ang papalapit na yabag ng mga kabayo. Pinilit niya ang sariling lumabas upang makita ang dalawa. Sumandal siya sa hamba ng pinto. Natagpuan niyang inaalalayan ni Spencer ang kapatid sa pagbaba nito mula sa kabayo.
Palihim niyang kinuhanan ng litrato ang dalawa. Hindi niya akalaing ganoon kabilis na magkakasundo ang dalawa na parang walang nangyari. Hindi na siya nag-usisa. Hindi niya talent iyon. She’s a self-centered wench and she’s taking it too seriously. All she knows is 'me, me, me'.
Sa paglapit ng mga ito ay may namuong tensyon. Inabot niya ang kamay sa lalake. “Hindi ako pormal na nagpakilala kanina. Jessica nga pala,” pakilala niya.
Inabot nito ang nakalahad niyang kamay. Ngumiti ito. “Ako nga pala si Spencer,” anang lalake.
Si Cameron ay namumula ang pisngi mula sa sikat ng araw at sa ginawang pagkarera sa malawak na lupain. “Ate, gusto mo ng buko juice? Akyat tayo doon sa puno!” ani Cameron sabay turo sa malayo.
Napangiwi siya. “Pwedeng pass muna ako riyan?” Sinuri niya ang paligid. Naghahanap ng pwedeng mapuntahan. Bumalik siya saglit sa loob upang kumuha ng bimpo at tubig.
Itinuro niya ang nakikitang bahay kubo. “Pwede ko bang puntahan ‘yon?” aniya sabay baling sa may-ari.
Tumango ito. “Oo naman,” dagdag nito.
Hinawakan siya ni Cameron. “Sigurado ka, ate?”
“Oo, kaya ko na ‘to.” Naglakad na siya palayo.
The land stretches into the horizon. Pinaglalandas niya ang mga kamay sa nadadaanang mga puno. She moved toward the discarded shack and sat at the stairs.
She pictured her life living in a place like this. Sa lugar kung saan sariwa ang hangin, kung saan may mga alaga silang hayop, at nagsasayawang ligaw na bulaklak at halaman. Nanguha siya ng litrato bago pumasok ng kubo. Tiningnan niya ang cell phone niya. May isang bar iyon. Nalibot na niya ang loob ng kubo ngunit hindi gumalaw ang bar ng signal.
Kinawayan niya ang dalawa. Kumaway pabalik si Spencer na siyang tanging nakakita sa kanya, si Cameron ay sinusubukang umakyat ng puno. “Saan may signal dito?” sigaw niya.
Tumuro si Spencer sa kaliwa niya. Dali-dali siyang naglakad patungo sa itinuro nito. Inabangan niyang tumaas ang signal.
Sa pagtaas niyon ay tinawagan niya si Ignasi. “Babe!” excited na sigaw niya.
“Hello? Jessica?” si Ignasi sa kabilang linya.
“Ignasi!” muli ay sigaw niya.
“Hey, Jess! Where are you?” ani Ignasi. "Oh, I've missed you. How are you?"
“Nasa Aurora na kami. Kumusta riyan?” tanong niya.
“Good. Are you enjoying the probinsya life?”
She sighed. “I am loving it. Kung pwede lang hindi na bumalik sa city, gagawin ko.”
Ignasi chuckled. “Paano naman ako niyan?”
She pouted. “I know.” Naramdaman niya ang halik ng araw sa balat niya. Tiningnan niya ang kalangitan. Itinakip niya ang kamay sa mukha nang masalubong niya ang nagbabagang init ng araw. “You would love it here,” aniya.
“I’ll be here when you get back. Sabay tayong mag-e-explore,” anito.
She bit her lip. “Nandito pala kami sa Casiguran. North-East of Baler. I saw some indigenous Dumagat communities en route sa kung saan kami ngayon. And, oh, boy, we have to travel far bago makarating sa dagat. Surfing spot, babe! You and your surfboard would have a fit, for sure.”
“Jess, don’t make me jealous.”
“One more thing,” ani Jess. “Nakikituloy kami kay Spencer.”
“At...? Kilala ko ba siya?”
She bit her lip again. “Siya iyong lalakeng hinabol ni Cameron nang gabing iyon, noong hiniram niya 'yong kotse mo, tapos ang ending, na-car accident si Cam? Remember that guy who’s sullen as fu/ck? We’re with him now. Ang lakas ng tawa ngayon. Look at Cam. Glowing like a—” Naalalala niya si Sergi at ang front camera ng phone nito.
“Just glowing like a babe,” patuloy ni Jess.
She heard him sigh. “Anong ginagawa niyo riyan? Cameron is a fool and will always be. Spencer is her downfall. You know how she is when he’s around.”
Napaingos siya. “Mas affected ka pa yata sa akin.”
“Jess,” ani Ignasi na parang nauubusan ng pasensiya. “She had a car accident. Kasalanan ko dahil pinahiram ko iyong kotse.”
“Not entirely your fault. She wasn’t that drunk. Okay, fine, partly our fault. Kasi pinayagan natin siyang umalis kahit na nga ba—”
“Isa pa,” patuloy nito. “Cameron is a poor judge of character. How many times did she chance upon fu/cked up guys—”
“Just as f****d up as she is, that’s the point,” sala ni Jess. “She will always fall for that kind. It’s her own trap. Pansin mo ba? It’s like she formatted her own brain to like them.”
“Then what are you doing? That doesn’t justify that you wouldn’t do anything about it. Na palalagpasin mo lang ito,” asked Ignasi.
“Ignasi.” Gusto man ni Jessica na umalis na sila ngayon din, hapo na ang katawan niya. “You should see her face. Ang saya-saya niya. Ayokong ipagdamot sa kanya itong pagkakataon na ito.”
“That will be the death of you. You and your sister. These men. This... what’s his name?” tanong ni Ignasi.
Hindi niya alam kung paano sagutin iyon. Hindi siya sigurado kung ang pangalan ba ni Spencer ang itinatanong nito. “Spencer,” mahinang tugon niya. Anong ibig sabihin nito sa you and your sister? And also, these men? Quota na itong si Ignasi.
“Right. This Spencer—”
“Ignasi,” tawag niya sa nobyo. “Can I ask you something? Don’t answer. I’ll ask, anyway. What do you mean by that? You and your sister? What does it mean? Tungkol ba ito kay Sergi?”
“About damn time,” answered Ignasi.
Jessie sighed. “Not yet, babe.” She feels like she would never be prepared for this conversation, never. It’s like shedding her skin all over again and she doesn’t wanna feel naked at this moment.
She heard footsteps approaching her. A wide smile can be traced on Cameron’s face. Tiningnan niya ang hawak nito. “Ate, tingnan mo!” Itinaas nito ang dalawang buko. “Biyakin na natin. I’m craving na! Hala, dali!”
Binalikan niya si Ignasi. “May nakuha na silang buko. Balik na kami sa loob.”
“`Yan. Diyan ka magaling,” ani Ignasi. “Ang hilig mong umiwas.”
“Oo nga. Hindi ba pwedeng hindi lang ako handa? Kapag nag-usap tayo ngayon, pagsisisihan ko ang kung anumang lalabas sa bibig ko. Have patience with me. Okay? Sige na, bye.” Pinutol na niya ang linya. Nang harapin niya muli si Cameron ay nakatigil ito sa kinatatayuan nito.
“I will dread the day both of you break apart,” anito.
Pinakatitigan niya ito. “We will be the most magnificent failed couple, then.” They walked back in silence. Hinihintay na sila ni Spencer.
****
BUSY TONE NA lang ang naririnig ni Ignasi. Sinara na niya ang cell phone at binalikan ang mga kaibigan. Malayang nagsasayaw si Mel sa gitna ng sala. Habang si Dominic ay nakahiga sa sofa at kumakain. “Kumusta iyong magkapatid?” tanong ni Mel.
“Jessie’s a complicated woman. What’s wrong with her?” nanggigigil na inupakan niya ang pagkain sa mesa. Muli niyang pinuno ang plato niya at saka sumalampak ng upo sa sahig sa sala.
“Tumabi ka riyan, sumasayaw ako,” ani Mel sabay sipa sa kanya.
Umusog siya palayo rito. “Nandito naman ako, ah? Siraulong Sergi ‘yan. Siya lagi ang nasa isip ni Jess. Ako ang boyfriend, but I feel like I’m her second choice, she will come back to me when she’s done hurting from Sergi.”
Natigil si Mel sa pagsayaw. Patuloy si Dominic sa pagkain. Nilapitan siya ni Mel at hinawakan sa magkabilang balikat. “Let her be, Ignasi. Ikaw lang naman itong parang tanga na nag-iisip ng masama. Magkaibigan na sila since time immemorial, and you came two years ago prancing around like a horse into her life and you’re thinking the worst about them. I’ve seen this a million times. Alam mo.” Tumingkayad ito. “Pakiramdam ko, ikaw ang mag-gi-give up sa inyong dalawa. Ikaw ang magiging dahilan ng sarili mong drama.”
Umupo si Dominic. Para itong nakainom dahil sa itsura nitong lango. “Eh, ‘di sana huwag silang umakto na parang mag-boyfriend/girlfriend sila. Tama ba ako, Ignasi?” ani Dominic.
Tumango siya.
Umiling si Mel. “Pwede ba.” Tumayo na si Mel. “We’re all adults here. Even though Jessie and Sergi have their own partners, they don’t stop appreciating other people’s radiating charisma. They praise and flirt and shower us with love and warmth. Just because you’re in a relationship, you stop seeing people in a different light. You don’t. That’s human nature. Kapag tinawid mo iyong boundaries na hindi mo dapat tawirin, iba na iyon. At hindi magagawa nina Sergi iyon.”
Narinig nilang umismid si Dominic. “Hindi? Are you sure about that?”
Mariin siyang umiling. “Totoo,” sang-ayon niya kay Dominic. “Hindi ako bulag. They act like lovers. And do you really have to praise and flirt and s**t just because someone is pretty or handsome? That's unnecessary.”
Umikot ang mga mata ni Mel. “They are not lovers! Shitheads! They. ARE. NOT.” Huminahon si Mel at nagpameywang. “I know these people, you pricks. They’d die bago kayo iwan.”
Muli ay maririnig ang pag-ingos ni Dominic. “Takot sa commitment si Jess.”
Humalukipkip si Mel. “Takot talaga iyon. She values her privacy kaya hindi magawang makipag-live in kay Ignasi. Nasa Pinas tayo kaya para sa masa, hindi angkop ang makipag-live in. Alam ko iyan si Jess, sa kaibuturan ng utak no’n, may pake siya sa kung ano ang sasabihin ng mga tao patungkol sa kanya. Teka nga, anong klaseng commitment na ba ang hinihiling mo, Ignasi?” Hinarap na ulit siya ni Mel.
“Just in general, Mel. Parang lagi siyang nahahati,” sagot niya. But he would marry her in a heartbeat.
Inilahad ni Dominic ang mga kamay sa ere. Their very own Mr. Hand Gestures. “See? Mel, please, huwag bulag.”
Tumingala si Mel na parang nag-iisip. “I see. Nahahati. Kailan pa ito nagsimula?”
Nagkibit-balikat siya. “Kapag nasa paligid si Sergi.”
“Baka naman kapag nandiyan ka, kasi gusto ni Jessie na si Sergi lang ang kasama,” ani Mel sabay hagalpak ng tawa. Tinuro nito ang mukha niya. “Joke lang! Ito naman. Itsura nito. Huy.”
Nagpatuloy siya sa pagkain. “Baka nga ako lang ang gumagawa ng issue. Kaya tuloy parang disimuladong namuo iyong feelings ni Jess? I don’t know.”
“Kinondisyon mo kasi iyong utak no’ng isa. Baka puro kuda ka kasi ng ‘Sergi, Sergi, Sergi’. O, ano, totoo?” si Mel.
“Hon,” tawag ni Dominic kay Mel. “Are we sure Ignasi is straight as a nail? He just might nail Sergi in his bed, I don’t know,” tukso ni Dominic.
Naibuga niya ang kinakain.
“I’m messing with you, Ignasi,” natatawang wika ni Dominic.
Iniwan niya ang dalawa sa sala at nagpunta siya ng kwarto niya. Sa paghiga niya sa kama ay may tumining na ideya sa isip niya. Agad siyang tumayo upang balikan ang dalawa. Sa pagbukas ng pinto ay nakita niyang nasa tapat ng kwarto ang dalawa at kakatok na sana si Mel. “You wanna hang out with us?” Mel asked, saying the exact same thing he wanted and at the back of his mind, it’s gonna be awesome.