PAGTAAS NG ARAW AY matatagpuan ang magkapatid na Jessie at Cameron na nasa biyahe papuntang Casiguran, Aurora.
“Lookie,” ani Cameron kay Jessie.
Tiningnan ni Jessie ang hawak nito. Isa iyong litrato mula sa Polaroid nito. Silang dalawa ang nasa kuha. Siya na morena at itim na itim ang buhok, si Cameron na maputi at kulay tsokolate ang tuwid na buhok. Kinulayan pa ang likuran nila ng mga dahong naglalagas.
“Ipa-scan mo nga at gusto ko ng soft copy,” aniya sa kapatid.
Isinilid na nito ang kuha sa bag nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay nagsalita ito. “Remember the night I crashed kuya Ignasi’s car?” asked Cameron.
Nangunot ang noo niya sa tanong nito. “Saan nanggaling ang tanong na iyan?”
Her sister smiled sadly. “You didn’t know it at the time, but you already met my boss.”
Pilit niyang inalala ang gabing lumabas sila upang panoorin ang isang banda sa Mackenzie’s. Gabing-gabi na noon nang pasunurin silang dalawa ni Ignasi sa may kalayuang lugar. She met Cameron’s friends. One who stayed throughout the night, and one who disappeared halfway. Later that night, her sister asked Ignasi’s car keys. Before they knew what hit them, Jessie got a call from Cameron saying she totaled Ignasi’s car.
“That was six or seven months ago, right?” Kung hindi siya nagkakamali ay naka-sick leave noon si Cameron. Isang taon na si Cameron sa trabaho nito nang mga panahong iyon. Wala naman talaga itong sakit kundi pagod lang sa toxic environment at humingi ng isang linggong bakasyon upang ‘magpagaling’ daw. Dahil wala siyang sariling bahay noon, at madalang na lang siya kung umuwi sa tatay niya palibahasa’y madalas siya kay Ignasi, nakituloy na rin si Cameron sa bahay ng boyfriend niya.
“Sino sa dalawa iyong boss mo?” aniya.
“The one who disappeared,” sagot nito. Nagkalambong ang mga mata nito.
“The hunk one?”
Cameron didn’t respond.
“Where are you going with this?” ani Jess. Naalala niya ang kuhang litrato rito. Ang mga mata nitong tila nangungulila at nakikiusap. Tinapik niya ito sa balikat. “May problema ba? Know that I’m always willing to listen. I cannot say I won’t judge, you know me, but I’ll say what needs to be said. Whatever it is, Cameron, I’ll always be here should you fall.”
“Already did, ate,” malungkot na sagot nito. “Nang gabing iyon, nagdesisyon siyang tapusin na ang meron kami. He then disappeared into the crowd. Pinuntahan ko kayo,” bulong nito.
Tumango siya. Naaalala niya ang parteng kinukwento nito. “Kasama namin si Chester ng mga oras na wala kayong dalawa. It didn’t strike me that you had history with Chester. One would automatically assume you and that hunk guy are a thing. Naikwento lang ni Chester. Nabanggit niya na lumalabas kayo noon. Casual dating. He was at the point where he was going to say the reason why he stopped courting you when you came back.”
“Inaliw ko iyong sarili ko sa musika. Sa mga taong kasama ko,” ani Cameron. “Pero iyong utak ko ay wala sa ginagawa natin noon. It went away with Spencer. That’s his name, by the way.”
“Spencer, your darling,” ani Jessie.
“Light of my life,” sighed Cameron. They both smiled after, realizing they referenced The Shining.
Cameron stared out of the window. “He’s in Casiguran right now.” anito.
Napapalatak siya sa narinig. “Is that why we’re going there right now?”
Tumango ito. “He brought me to this isolated place, maybe thrice or four times already. They have this villa and acres of land, a discarded nipa hut at the vast backyard. I rode horses. One thoroughbred was named Alba. May horse racing sila roon and it fits Alba. Napakabilis niya. Tumaya pa nga kami. We won. Iyong napanalunan namin, binigay niya lahat sa malapit na coastal community.”
“Cameron,” aniya. “We’re not going to his place, right?”
Nakatingin pa rin ito sa labas. “Hahanapin ko siya.”
“Why?”
“Dahil gusto ko. Hindi ako naniniwalang basta na lang niya ako kayang iwan—”
“Give me your phone,” utos niya. “I said give me your phone.”
Inabot nito iyon. Nang mapasakamay ay binuksan niya ang contacts at hinanap ang pangalan ni Spencer. Tinawagan niya ang numero nito. Inilayo niya ang telepono mula sa kapatid. Sa pangatlong ring ay may sumagot.
“Hi, Spencer,” bati niya.
Nanlaki ang mga mata ni Cameron. “Gago ka, ate—”
Tinakpan niya ang bibig nito. Diniinan niya ang pagkakalapat ng kamay nang magtangka ulit itong magsalita.
“Hi, Spencer,” ulit niya nang wala siyang narinig mula sa kabilang linya. “This is Jess. Cameron’s sister. Heads up, we’re on our way to your place. Will you meet us sa... I don’t know, no idea. By land kami nag-travel. Might as well get the details with Cameron.”
“Who is this?” anang kabilang linya.
“Bingi pala ‘to,” bulong niya sa kapatid. Hindi niya pa rin inaalis ang kamay sa bibig nito. “Si Jess ito. Makikilala mo ako kung sasalubungin mo kami sa—” Ibinaba na niya ang kamay niya.
“Dipontian,” Cameron mouthed.
Hindi niya ito naintindihan kaya inilapit niya ang speaker dito. “Dipontian,” ani Cameron sa mabuwag na tono.
“Doon. Kung saan man iyon.”
“Anong gagawin niyo rito?” ani Spencer.
Napabuntong-hininga siya. “I really don’t know,” she answered truthfully. “I want to give this to Cameron, this chance. Will you let her?”
“I’m sorry,” anang kausap niya. “You shouldn’t even be here in the first place.”
“So sinong mananagot sa batang dinadala niya?” naibulalas niya.
“What?!” magkasabay na sabi nina Spencer at Cameron.
“Like I said,” si Jess. “Meet us.” She ended the call. Pinatay niya ang telepono ni Cameron bago iyon ibinalik.
“Cam, don’t say anything. Hindi kita hahadlangan sa kung ano man ang gusto mong gawin. You’ve been helping me with Ignasi and I want you to have this chance with him. I don’t know if what you’re doing is right or wrong, I don’t even have the slightest clue as to what really happened. We’re both tired. Itulog muna natin ito. You can turn it on.” Tinuro niya ang cell phone nito. “Put it on silent. Baka tumawag iyon. Ayokong mabulabog.” Dinampian niya ito ng halik sa ulo. “Love you,” aniya.
“Thanks, ate. Kahit nakakainis ka. I love you. Buo ‘yon. Unlike you,” anito.
They slept in each other’s arms.