KASALUKUYANG NASA i********: feed ni Emerald si Jessie. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala itong bagong post. Hindi masyadong nagpo-post si Emerald sa mga social media sites tungkol sa buhay nito. But Jessie expected her to announce their engagement by this time.
Sinilip siya ni Cameron mula sa pagkakahiga nito. Nasa cabana sila at silang dalawa lamang ang tao roon. Pwede silang magpagulong-gulong sa mga throw pillows na nagkalat, in all sizes. “Am I correct to assume that you’re checking Esme’s IG feed?” asked Cameron.
“Damn right.” Naupo siya sa tabi nito. “Tiningnan ko lang. The world will explode the day they announce their engagement. Maraming nagmamahal sa kanila, even their foes will celebrate with them.”
Inihilig nito ang ulo sa hita niya. “Baka ine-enjoy pa nila iyong moment nila.”
Inikot niya ang mata sa paligid. Pinaliligiran sila ng malalago at matandang puno. Sumasayaw ang mga dahong iba’t iba ang kulay. Pinuno niya ng hangin ang dibdib niya. Sa sulok ng isip ay naihiling niyang sana ay sinama niya si Ignasi sa kanila ngayon. Everything’s perfect already, from the timeless trees to her sleepy sister, to comfortable pillows cushioning their tired and delicate bodies. Ano pa kaya kung may Ignasi na pwede niyang ihilig ang ulo sa balikat nito? Iyong may malalambing siya ngayon mismo.
“Ate.” Niyugyog siya ni Cameron. “Sayang hindi mo dala ‘yong ukulele mo. Ang ganda sanang mag-jamming ngayon. Napakapayapa rito. Rinig na rinig mo ang naglalaglagang dahon at kaluskos ng mga insekto.” Cameron turned towards her and glanced at her knowingly. “Almost perfect, isn’t it?” anito.
Jessie brushed her off. “It already is.”
Bigla ay namilipit ito. “Imagine if Ignasi’s here and ready to pop the question? Ateee!!!” Namilipit pala ito sa kilig.
May naisip siyang ideya. “Ako kaya ang mag-propose sa kanya?”
Nanlaki ang mga mata ni Cameron. “Seryoso?” ang nasabi lang nito.
Nagkibit-balikat siya. “Why not?” aniya.
Umikos ito na parang hindi naniniwala. “Hindi nga? Seryoso?”
Humiga na siya sa tabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito at itinaas iyon. “Ikaw ang magiging maid of honor ko.”
Binitawan siya nito. Tumayo ito at pinakatitigan siya. Kinuha nito ang unan at inihampas iyon sa kanya. She walked away. Nang tawagin niya ito ay hindi ito lumingon. Patuloy siya sa pagtawag dito. Nang magsawa ay tumayo na siya. Napilitan siyang sundan ito. Natagpuan niya ito sa swimming pool. Lumalangoy na ito. Hinintay niya si Cameron na huminto. Ngunit nang makita siya nito ay nagpatuloy lang ito sa paglangoy.
“Cam,” tawag niya.
Naghubad na siya at iniwan ang mga damit sa isang upuan. Sinabayan niya ito. Hindi na muna niya pinilit na makausap ito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya nitong tinalikuran kanina. Inabala na lang niya ang sarili sa paglangoy. Naka-ilang laps na siya nang mapansin niyang siya na lang ang nag-iisa sa pool. Napamura siya at dali-daling umalis doon. Ibinalot niya ang katawan sa tuwalya. Nakarating siya ng Asian Lounge at nakita niyang nakaupo sa isang sulok ang kapatid habang nangunguha gamit ang lente nito.
Nang tumutok ang lente sa kanya at nakita siya nito ay ibinaba nito ang hawak sa mesa. “Masarap ba ang mapag-isa?” tanong nito.
Kung hambalusin niya kaya ito? “Bakit kailangang mang-iwan?”
Pinaupo siya nito. Hindi siya nagpatinag. Nanatili siya sa kinatatayuan niya. “What is it?” aniya.
“Tingin ko kailangan mo ng ‘me’ time. Para hindi ka nagpapadalos-dalos sa mga desisyon mo,” wika nito.
Nagpameywang siya. “Ito ba iyong tungkol sa sinabi ko kanina sa cabana?”
Tumango ito. “Oo. Hanapin mo nga muna iyang sarili mo. Sakali mang magpang-abot na kayo, saka mo tanungin ang sarili mo kung magagawa mo ba talagang alukin ng kasal si kuya Ignasi. Seryoso, mag-unwind ka ng ikaw lang mag-isa.”
Naupo siya. “Pwede mo namang sabihin. Hindi iyong basta-basta ka na lang nang-iiwan.”
Ito naman ang nagkibit-balikat. “Eh, kasi, you look like you needed some time on your own. Trust me, ate, I know the look. Huwag mo namang madaliin ‘to. Hinaharap mo naman ang nakataya rito. It’s not about who you are going to marry, nor when. It’s about you and your happiness. Ang selfish pakinggan, ‘no?” Tinitigan siya nito sabay ngiti.
Kabisado na niya ang kapatid. May pinapahiwatig ito sa kabila ng ngiting nakapaskil sa mga labi nito. “Kasi ang selfish ko rin?” aniya.
Kunwari ay nagulat ito. “Paano mo nalaman?”
“Kung selfish ako, sana matagal ko nang hiniwalayan si Ignasi at hinanap kung ano iyong hinahanap ng puso ko, baduy, pero totoo,” aniya.
“Hindi ‘ano’. ‘Sino’.” Kinuhanan siya nito ng litrato. “Pero, weh, hihiwalayan mo nga?”
“I did not, though, right?” wika niya. “Kasi wala akong balak. Naguguluhan, oo. Selfish, oo. I want them both. Sergi, as a friend. Ignasi, as my loving boyfriend.”
“They complete you?” ani Cameron.
“Yes. But you know what.” Siya naman ang ang nanguha ng litrato gamit ang sariling cell phone. “They’d still be whole without me.” Tiningnan niya ang kuha rito. Cameron was intently looking at the lens, mirroring Jessie’s eyes. Afraid and at loss.
“What’s wrong?” tanong niya rito.
Umiling ito. “Wala, ah. Kuha lang ako ng drinks natin.”
****
IT WAS A COLD AND WINDY night when Cameron decided to rob Spencer off his old noisy bed to witness the band playing at Mackenzie’s. She grabbed her shoes and wore her favorite sweatshirt of all time. Big and bold letters of Champagne Supernova were written at the front while she had her face for vinyl at the back. Cameron pocketed her cell and pulled some money out of her backpack that’s hanging at the doorknob. When she went out of the guest room, she saw Ignasi eyeing her suspiciously while casually sipping his cup of coffee. He then gave her a sly smile and was about to say something when she cut him off. “You can join us if you want.”
“Us?” anito.
“Yes. Us. I mean, I will go to Spencer’s place. Magpapasama lang ako,” she said.
Ignasi’s proud dark hair bounces off as he tries to fish something in his pocket. “You can use mine. I’ll tell her the truth, though.”
Napaungol si Cameron. “You suck.” She caught the key midair then gave him a peck at his right cheek before running. “See you!” she shouted and it echoed.
Ilang sandali pa ay nasa kalsada na siya. Pumapailanlang ang isa sa mga kanta ng paborito niyang banda. She feels that she made the right decision to go at Spencer’s house in this late night hour.
Cameron slowed down when the blinking lights of St. Jo’s drive thru caught her attention. Nagmaneho siya papasok. “Chester?” alanganing sabi niya sa intercom.
Hindi agad siya nakakuha ng sagot mula sa kabilang linya. “It’s Cameron.”
“Cameron, you’re here!” Chester said.
“Kumusta?”
“Great. What are you ordering?”
“The usual. Plus a pending triple meat burger and coffee and fries for my Chester,” Cameron answered.
“Pending what?”
“It’s for you,” she said. “When you’re done here, you can follow us at Mackenzie’s. The same company, though.”
“So...”
“So, I will get my burger, fries, and iced tea. But I said ‘usual’, so it will be times two for the sole purpose that I will not let Spence get starve. For the most part, Spence will strangle me for depriving him his food. And you can have the food I ordered for you in case you went batshit crazy because of hunger.”
He clicked a few buttons then repeated Cameron’s orders at the microphone. “Thank you, Cam. I will see you in an hour. Text me where to find you.”
Cameron then drove to the other end to get her order. Chester beamed at her when he saw her. After waiting for a while to get her food, she revved the engine and off she went to Spencer’s place. He lives alone at downtown Galatians. Inihinto niya ang sasakyan. Napansin niya ang mga nagkalat na kagamitan sa tapat ng bahay. He must have discarded his whole junk.
She rang the doorbell. The door opened and came the familiar figure. Nilanghap niya ang pamilyar na amoy ng kinatatayuan niya. Nang makalapit si Spencer sa kanya ay mahigpit niya itong niyakap.
“Well, well,” aniya. “Ang tagal din nating hindi nagkita. Did you miss me? Because I did. Anyway.”
Naglakad na sila papasok ng bahay nito. “Nandiyan ulit ako kay ate, bumibisita, kaya nakadaan ako rito. Actually, bahay ng boyfriend niya. At, oo nga pala, dumaan na rin ako sa St. Jo just to see Chester. Remember him? My friend.”
Nakapasok na sila. Sa sala ay tahimik at may malamlam na ilaw. It was the same living room as she imagined it would be the next time she will set foot here. The same couch was still there, the sheets were replaced.
Naupo siya. “Right, before forgetting everything else and succumbing to sleep, we will go to The Rusty Metaphor’s gig. Chester will be there. Go and change your clothes.” Nag-isip siya kung ite-text niya ba ang kapatid at sabihing sumunod ito sa Mackenzie’s. Sikat ang bandang tutugtog sa pupuntahan nila. Hindi man fan ang ate niya, alam niyang magugustuhan nito ang ambiance ng restaurant/bar.
Spencer put on his resisting and stubborn face. “You arrived unannounced.”
“Yeah.”
“Does that make you want to say something?”
Natawa siya. “Don’t go John Cusack on me. I haven’t forgotten your own choice of protein and mustard and refreshment. Let’s go?”
Tumalikod ito at nagtungo sa kwarto nito.
When he came back, he was wearing his usual attire. It goes like this: white undershirt, black jacket, faded jeans, and a ready-to-retire pair of Chucks. Cameron used to watch all local and foreign films that consist of men who donned like Spencer’s, and she loves it. Long live Greasers, the fashionable men who graced this soil with their appearance and anyone who disagrees, they can fight her about it.
She looked down at her clothes. Isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng sweatshirt niya. “I’m underdressed,” aniya.
Umiling lang ito. Niyaya na siya nito palabas.
“I’ll drive,” ani Spencer. Ibinato niya rito ang susi ng kotse. She sat shotgun.
Nasa daan na sila. “Nagsimula na siguro iyong gig,” ani Spencer.
“Spence,” tawag niya rito. “Okay lang kung papuntahin ko si ate tsaka iyong jowa niya? Hindi pa yata iyon nagagawi sa Mackenzie’s.”
He shrugged his shoulders. “I don’t mind. Anong oras ang punta ni Chester?”
“In an hour, I think,” she responded.
“I’m glad you came,” ani Spencer. Napalingon si Cameron dito. Hinihintay na sundan ang sinabi. “You see, I feel so much stress studying that I promised myself not to bring it at home. Semester break ngayon. Piled stress, it just keeps on coming.”
“Hah,” ani Cameron. “Talk about stress. Nag-aaral ka nga pala, ano, sir?” tukso niya. “How’s your studies?”
Spencer didn’t answer back. Naiinis man siya sa ugali nitong hindi pala-kwento, hinayaan niya na lang ito.