Earl Pov
"Bff ,bati na tayo please?" tanong ni Velle sabay puppy eyes nito tapos naka pout pa para tuloy siyang asong gutom.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko siya pinansin .Naiinis parin ako sa kanya,hmf.
"Ano ba bff , hindi mo ba talaga ako papansinin huh? " tanong ulit nitong naiinis narin.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya tapos inirapan ko lang.
"Kasi naman naiinis ako sayo kanina,ni hindi mo man lang ako tinulungan sa Baby loves ko " pagmamaktol ko sa kanya sabay pout .
"Hoy babae! Pasalamat ka sakin kanina kundi baka kung ano pang mangyari sayo noh!Tapos ikaw pa tong may ganang magtampo diyan ,naku naku naku,makukurot ko yang kuyokot mong puno ng acne "sabay halakhak nito,masamid ka sana.
"Nakakatawa? Sobrang nakakatawa ". i just rolled my eyes ,wow spokening peso yarn.
"Nakakainis ka talaga Velle Gin! "ani ko ng pasigaw sabay takip ng bibig ko.Bigla na lang nag-iba ang awra nito ,nanglilisik ang mga mata na para bang kakain ng hakdog na malutong na buhay.Ayaw niya palang tawagin ko siya sa buo niyang pangalan kasi nga naman parang tunog ng hindi na virgin.Si otor ang sisihin mo ,wag ako.
"Ano ,it's a tie na tayo bff kong maganda ?" nakabungisngis kong tanong dito.Ganito lang kami palagi tamang asaran ,ang mapikon,manlilibre ng milktea .
"Oo na basta huwag mo ng ulitin lalo na sa harap ng kaibigan ng mga baby loves mo ha?" napataas ako ng kilay sa sinabi niya"." Anong sabi mo,pakiulit nga medyo tumabingi bigla yung tainga ko sa sinabi mo?" pakunwari kong balik tanong dito.
"Wala! Bingi ka na ,pacheck up kana,sorry ayoko ng ulitin, " ani ni Velle na pangiti-ngiti pa.
"As if naman hindi ko narinig yung sinabi mo noh,hoy babae! Huwag mo na akong gayahin baka hindi mo kayanin at baka mabaliw kapa sige ka," ani ko.
"Well ,well ,well, sino sa atin dito ang habol ng habol sa lalaking yun na kahit kailan hindi binigyan ng pansin,dinaig mo pa mga mosang doon sa campus,wake up bff ! Hindi ka nababagay sa lalaking yun,nagmukha ka ng kaawa-awa sa paningin ng lahat,lalo na ako nasasaktan ako for you " ani ni Velle na naiiyak na.
Tama naman siya,ilang beses na ba akong mukhang siraulo kakahabol sa kanya kahit minsan hindi ko man lang nasabing mahal ko siya,tatawagin ko lang naman pangalan niya tapos ang kasunod nun wala na,natameme na ako ,makaharap mo ba naman ang crush mo s***h mahal mo ,titiklop na agad ang bibig mo noh.
Nagtapang-tapangan lang naman ako kapag nakaharap ko siya.Sa tuwing dumadaiti ang palad niya sa balat ko ,lumalagabo* ang mga laman loob ko sa katawan ko .Grabe yung epekto niya sa pagkatao ko na kahit desperada na kung tingnan ,wala akong pakialam .Gayumahin ko na lang kaya siya ,papaturo ako sa lola ng bff kong si Marielle sa probinsya.
Napangiti ako sa naisip kong kalokohan.Isang tampal sa noo ang nagpagising sa magulo kong isip.
"Ano ba?" asik ko kay Velle
"Ginising lang kita sa katotohanan .Nandito na tayo sa bahay namin pero yung isip mo nandoon na naman sa salawal ni Callous! Sige ka ,ipapaalam ko kay tita Laine na wala tayong gagawing project work kundi maglalakwatsa lang tayo ngayong gabi," ani nito na tinatakot pa ako.
"Oo na lola basyang," ani ko tapos nagpeace sign ako at nauna na akong pumasok sa bahay nila,o diba feel at home lang ang lola niyo.
Callous Pov
"Nay!" tawag ko sa mayordoma ko s***h yaya ko simula pagkabata.Kaya noong magkaroon ako ng sariling bahay ay hindi na ako nag-atubili pang kunin siya dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan ko bukod sa parents ko at ang pinsan kong si Lance .Siya si Nanay Esther ang butihing mayordoma ko na parang magulang ko narin kong ituring .
"Ano iyon ,Hijo?" tanong ng aking mayordoma.
"Ihanda niyo po yung mga gamit na gagamitin ko mamaya Nay,may biglaang pinapagawa lang sa akin ang boss ko" malumanay na sagot ko dito.
"O sige Hijo pero dito kaba kakain ng hapunan? May iniluto akong paborito mo,ang espesyal kong ginataang tilapia na may maraming siling labuyo at petchay at talong(Hmmm mahilig ka pala sa petchay at tilapia Callous,ayaw mo sa kilawing tilapia o petchay?)
Biglang namilog ang mga mata ko sa narinig ko.Tamang -tama gutom na ako ."Talaga po,o siya aakyat muna ako sa silid ko Nay ,maliligo muna ako ,make sure naihanda niyo narin ang mga kakailanganin ko at pagkatapos kakain narin ako" ani ko dito .Paakyat pa lang ako sa hagdanan nang magring ang cellphone ko.Kinuha ko agad sa aking bulsa at ang boss ko pala ang tumatawag.
"Napatawag kayo, Boss J?" tanong ko sa kabilang linya.
"Mamaya sa lakad mo ,hindi mo na makakasama si Jameson kundi ikaw lang mag-isa .Isang polpol na negosyante lang naman ang may pakana ng lahat ng ito kaya nagkandaletse-letse ang mga kargamento natin at alam kong kayang-kaya mo na yan.Balitaan mo agad ako pagkatapos, nagkakaintindhan ba tayo Callous?" wika ni Boss J,ang pinuno namin.Speaking Of pinuno ? Siya ay isang mafia leader ng isang organisasyon na The Vicious Of Fire at kilalang The Vicious of Lord ang pinunong si Boss J.
Isa akong hitman sa sinasalihan kong grupo ng isang organisasyon at hindi lingid sa kaalaman ng parents ko ang ganitong trabahong pinasok ko kahit pa hindi sila pabor dito.Isa ito sa hidden identity ko at kahit mga kaibigan ko ay walang alam rito except sa pinsan kong si Lance.
Fastforward.........
Nandito na ako sa AFPOVAI Subdivision ng Taguig kung saan inantabayanan ko ang paglabas ng polpol na negosyanteng target ko ngayon.Nilabas ko ang aking baril na Sieger 300 Ghost .After 20 minutes na pag-aantay,lumabas din ang daga sa kanyang lungga .May hawak pa itong alak,sige lang ,inumin mo muna iyan para sa natitira mong sandali.Inisang lagok lang nito ang ininom na alak sabay kalabit ko ng gatilyo ,sapol ito sa noo .Biglang nagkagulo sa bahay ng negosyante at may lumabas na dalawang alipores nito at binaril ko ito sa may dibdib nila at tumalon agad ako sa aking tinuntungang bakod na hindi naman agaw pansin dahil sa malalagong dahon ng Bougainvillea at dali-dali akong sumakay sa aking sports car na Porsche 911 at mabilis ko itong pinasibad .Halos 21 minutes bago ako makarating sa Dragon bar dito sa may Parañaque .Gusto ko munang maglibang at mapag-isa (whoooy! hindi ka nag-iisa sa bar ,alalahanin mo ,itaga mo yan sa dalawa mong kwek -kwek ).