Samantala ang dalawang bibe este ang dalawang magkaibigan na sina Earl at Velle ay palihim at tahimik na naglalakad palabas ng kwarto para tumakas.(Ang bad ng mga to!Sino ba Nanay ng mga to at makakatikim ng palo sa pwet,manang -mana sa otor)
Earl Pov
"Talaga bang itutuloy natin to bff?" pabulong kong tanong ni Earl kay Velle .
""Wow! Parang hindi siya ang may pakana nito samantalang atat na atat ka kanina " ani ni Velle
"Baka kasi mahuli tayo nila tita " ani ko dito
"Eh di lagot kung mag-iingay ka tsaka sayang ang outfit kung hindi natin itutuloy ito noh,pinaghandaan ko pa naman to" ani ni Velle na inaayos pa ang suot niya tapos umiikot -ikot pa kaloka.
"Sige na nga " saad niya at binilisan nila ang paglalakad hanggang sa makalabas na sila ng gate at tumatalon -talon pa ang mga ito .
"Sa wakas we made it" sabay nilang turan sa isa't isa.Pumara na agad sila ng taxi .
"Mga ineng saan po kayo?" tanong ni manong driver sa amin". Nagtinginan kaming dalawang magkaibigan at sabay kaming tumatawa.
" Naku po manong driver hindi na po kami bata ,joker rin pala kayo" ani ko.
"Mukha kasi kayong baby face" hirit pa ni manong driver.
"Sana all! " tanging naisambit namin dahil pumapalakpak na yung pempem namin sa baba.
"Teka ,hindi niyo pa ko sinasagot kung sa-" hindi na naituloy ang sasabihin ni manong driver dahil nagsalita na agad si Velle.
"Sa Dragon bar po, manong" nakangiti nitong ani.
Nakarating na kami sa Dragon bar at tila naeexcite ako sa mangyayari mamaya dahil kauna-unahang gimik ko ito sa tanang buhay ko.Kahit pa may kapalit itong sermon basta mageenjoy kami ngayong gabi.Pagpasok namin sa loob ay kanya-kanyang kalansing ng baso at hiyawan ang makikita mo sa magkabilaang mesa.
Pumuwesto agad kami sa napili naming upuan at nagorder narin kami ng maiinom.First time kong uminom kaya kahit nalalasahan ko ang pait ng alak ay nilagok ko parin ito.Napangiwi ako bigla(whoooy! hindi yan tubig ,akala mo manginginom)
Nagyaya ang bestfriend kong si Velle na pumunta kami sa gitna para sumayaw at dahil sa nakakalahating bote na kami ay hindi ko narin alintana ang hiya at sumang-ayon narin ako sa gusto niya at dahil parehas kaming mahilig sumayaw ni Velle ay naging agaw atensyon kami sa lahat.Lagabog kasi ang tugtog at dahil kabisado namin ang sayaw ay sobra kaming nag-enjoy .Matapos naming sumayaw ay may kalalakihang lumapit samin at gusto kaming makilala.
"Hi beautiful ladies! Ang galing ninyo namang sumayaw " matamis nitong ani samin ng bestfriend ko.
"By the way ,my name is Kiefer Lezandro ,ito namang mga kasama ko sina Ray at Nash," sabay lahad ng kamay niya sa akin.Nag-aatubili akong makipagkamay dito dahil wala sa usapan namin ang makipagkilala sa kahit kanino dahil ang ipinunta namin dito ay para maglibang lamang(wag ka ng choosy ,tulak kita diyan,ung manok na ang lumalapit ,manok na masarap)
Pero dahil may asungot akong kasama ,ay siya na mismo ang humawak sa kamay ko at pinagshake hands ang mga palad namin .
"Siya naman si Ken at ako naman si Fern," tumingin pa sakin ang kaibigan ko sabay wink nito sakin.Napailing na lang ako sa sinabi nito.
"Kinagagalak namin kayong makilala," dagdag ani nito at tiningnan ko si Velle ng masama pero ang loka ay nginitian lang ako kaya pinandilatan ko tuloy siya ng mata.
Humigpit ang pagkikipagkamay ni Kiefer sakin kaya pinalis ko kaagad ang kanyang kamay.Humingi naman ito ng pasensya sa akin kaya tumango na lamang ako at pilit ko siyang nginitian.
"Pwede ba kaming makijoin sa inyong dalawa kung okay lang naman?" tanong nito habang titig na titig sa akin."Hindi -i mean may kasama kami eh -boyfriend ko," sabay turo sa nag-iisang lalaki na nakaupo sa may di kalayuan.Bahala na!
"Ah ganun ba? Sige ,nice meeting you na lang sa inyong dalawa, " ani nito na tila dismayado sa isinagot ko sabay titig doon sa lalaking itinuro ko.Nang makaalis ang tatlong pugo este ang tatlong lalaki ay nagsalita agad itong kaibigan ko na para bang natalo sa lotto.
"Ulam na sana ,naging bato pa," napapailing nitong ani ni Velle.
"So gusto mo? Sige sumama ka dun o baka gusto mo ihatid pa kita huh?" taray kong ani dito.
"Ang choosy mo bff," nakanguso nitong ani sakin .Bumalik na kami sa puwesto namin at wala akong pakialam kung makita man kami nila na hindi kasama namin ang itinuro kong boyfriend.
Fastforward.....
Nakadalawang bote na kami at pareho na kaming nahihilo at parang masusuka na ako kaya pumunta muna ako ng cr.Iniwan ko si bff na nakamukmok ang ulo sa mesa.Habang naglalakad ako papuntang cr ay tumayo din yung lalaking nakipagkilala sakin kanina.Nagkibit-balikat na lamang ako dahil hindi ko na talaga kaya, gusto ko ng ilabas to.Patakbo nako kahit nahihilo at pasalampak akong nakaupo sa sahig habang sumusuka pagkatapos ay hinang -hina ako.Naghilamos agad at hindi ko na magawang magretouch dahil sobrang hagard ko na at uuwi narin naman kami.Kailangan narin naming umuwi habang hindi pa ako tuluyang lasing dahil kapag nagkataon walang maghahatid sa aming dalawa.
Pagkalabas ko ng comfort room ay may nakaharang sa daanan ko at walang iba kundi si Kiefer.Nakangisi pa ito sa akin pero hindi ko pinansin at tinabig ko siya pero sadyang malakas ito .
"Ano ba? Padaanin mo nga ako," asik ko rito
"Sabi mo kanina may boyfriend ka pero bakit hindi kayo magkasama sa iisang mesa?" mariin na tanong nito.
"Pakialam mo ba,tatay ba kita para pakialaman mo buhay ko! Tsaka tumabi ka diyan dahil inaantay na ako ng boyfriend ko!" bulyaw ko dito.
" Paano kung ayaw ko ,may magagawa kaba?" nakangiti tanong nito tapos hinimas niya ang puwet ko.Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at nakaramdam ako ng takot kaya tinuhod ko siya sa pagitan ng mga hita niya at kumaripas na ako ng takbo.Naabutan ko si bff na umiinom pa ng alak.Inagaw ko sa kanya ang baso at niyaya ko na siyang umalis.
"Tara na umuwi na tayo bilis!" habang tinitingnan ko ang daanan ng pasilyong papunta ng cr.Shit! Baka maabutan kami nito!sigaw ng isip ko.
"Bakit kaba nagmamadali huh? " napikit nitong tanong sakin.
"Basta mamaya ko na ipapaliwanag bilisan mo namang tumayo!" Tinulungan ko siyang tumayo dahil lasing na talaga siya kaya ang bigat niyang akayin .Diyos ko! Ano ba tong pinasok namin,mapapahamak pa yata kami ngayon?!( yan ang nagpapala sa mga lakwatsera )
Nakailang hakbang pa lang kami nang may humarang sa daraanan namin .Pagtingin ko yung lalaki na naman.
"And where do you think you're going? " mariin nitong tanong sabay haklit ng braso ko.
"Eh di uuwi na! Alangan naman magtambay pa kami rito noh! Tsaka 'wag mo akong ma spokening peso diyan dahil wrong grammar ka! Mag-aral kana lang ng mabuti ,matutuwa pa ako sa'yo," taray kong saad dito at tinabig ko ang pagkakahawak niya sakin.Yung kaibigan ko naman tulog na kaya nahihirapan akong akayin siya.Diyos ko!
"Walang uuwi!" baritonong ani nito.Napatawa ako ng pagak sa sinabi nito."Who cares! O heto limang peso ,pangbili ng kausap mo!"
"Napakasuplada mo talaga honey," malumanay nitong ani sakin.Yuck!
"Don't you dare para tawagin mo akong honey dahil hindi ka bubuyog o baka naman dati kang bubuyog.Bumalik kana sa tirahan mo!" kaya napatawa ito bigla dahil sa sinabi ko.
"Joker kana pala ngayon ,now i know pero walang uuwi,"
pampilosopo rin nitong saad sakin.
"Pwede ba,wala akong panahon para makipagkwentuhan sayo dahil nangangalay. na ako dito!" reklamo ko na naiiritang ani ko rito.
"Let her go .Don't mess around or else you might want us to get into trouble here" ani ng boses nitong pamilyar sakin.Nasa likod ko ang lalaking iyon kaya nilingon ko pa ito ng dahan-dahan .Nanlaki ang mga mata ko at ganoon rin ito sa akin."Ikaw?!" sabay sambit naming dalawa.
"Magkakakilala kayong dalawa?" tanong ni Kiefer sa aming dalawa.Hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito dahil gusto ko naring makauwi.Bahala na sa susunod na mangyayari.
"Yes because i'm his girlfriend," sagot ko dito sabay kagat ng labi.Nagulat naman si Callous sa sinabi ko pero wala na akong pakialam,magalit na siya kung magalit."Wha----" pinutol ko na agad ang sasabihin niya baka magtaka pa itong si Kiefer bastos.
"Tulungan mo naman ako dito mahal please," saad ko rito ng nakapout pa (lakas ng tama mo inday garutay).Yung mukha ni Callous ay hindi na maipinta.
" s**t!!!!! Magsama kayong dalawa tsk," pabulyaw nitong ani ni Kiefer at umalis na siya .Ngayong kaming dalawa na lang ang naiwan para tuloy bigla akong nakaramdam ng hiya rito at baka kalbohin na ako nito.
"Are you really crazy ? Kahit kailan hinding-hindi kita magiging girlfriend babaeng espasol," pabulong niyang ani sa akin(okay sabi mo yan,ss ko na to hahaha)
Napayuko akong bigla rito. Ouch ang sakit niya talagang magsalita kahit kailan.Bakit ba sa kanya pa ako tinamaan? tanong ng isip kong magulo kahit kailan .
"Oo na ,alam ko naman yun ,sinadya ko lang sabihin yun para tantanan na ako ng lalaking yun," ani ko."Tsaka pwede ba, tulungan mo na lang ako dito dahil nandito ka na rin lang naman para naman worth it yung paglapit mo rito," pinaningkitan niya ako ng tingin(ikaw na makapal ang muks Earl hahaha).
"May konsensya naman ako hindi tulad mo kaya ako lumapit dito dahil awang-awa ako sa nakikita ko pero mali yung desisyon ko na lumapit pa dito tsk," napapailing nitong ani .
"Hindi 'yon maling desisyon dahil mismong si tadhana na ang gumawa ng paraan para magtagpo tayong muli," pagmamalaki kong wika dito.Natameme na lang siya sa sinabi ko.