✦Callous Pov✦
Naka-limang bote na ako ng Spirytus pero hindi pa naman ako tinamaan ng kalasingan.May ilang babaeng gustong maki-join sa akin pero hindi ko ito binibigyan ng pansin kahit mga mukha pa itong mga modelo dahil sa ngayon gusto ko munang mapag-isa.
Their we're two girls dancing on the first floor of the bar caught my attention, not just me but everyone. It's impossible to say how well they dance, especially how their bodies go along with the music.Lalo na 'yong isang babae ,napalunok akong bigla dahil na rin sa kaseksihan nito(hmmm...feeling manyak ka diyan callous ops).
Pagkatapos nilang sumayaw ay nilapitan sila ng tatlong lalaki at gusto rin yatang makipagkilala rito ngunit yung isang babae na nagbigay sa akin ng kakaibang kuryusidad ay ayaw nitong tanggapin ang pagkikipagkamay sa isang lalaki na gustong makipagkilala rito.
Ibinaling ko na lang sa cellphone ko ang aking atensiyon .Binuksan ko ang aking social media account at nakita ko sa aking notification ,may nagsent ng friend request walang iba kundi 'yong babaeng espasol.Napailing na lamang ako dahil kahit sa social media ay nagpapapansin ito.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang dalawang babae na mukhang lasing na ang mga ito . 'Yong kasama niya ay nakamukmok ng ulo sa mesa habang yung babaeng mas magaling sumayaw at mas sexy ay naglakad patungong cr.Hindi ko inihiwalay ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.Maya-maya bigla itong tumakbo pabalik na para bang hinahabol siya at pilit itinatayo ang kasama nito na lasing na at para bang tulog na yata.Nakita ko rin ang paglapit ng isang lalaki na nagpakilala rito kanina lamang at parang may namumuong pagtatalo sa kanilang dalawa.
Kitang-kita ko ang mukha ng lalaking seryoso ang awra nito lalo narin ang babae na mukhang naiinis na rin dahil nakaharang lang naman ito sa daanan nila habang akay niya ang tulog na nitong kasama.Sa lahat pa naman ng ayaw ko , mga lalaking nambabastos sa isang babae na walang kakayahan para lumaban.Nilapitan ko na sila habang yung babae ay nakatalikod sa akin."Let her go.Don't mess around or else you might want us to get into trouble here." mariin kong ani dito.
Napalingon sa akin ang babae at nagulat ako sa aking nakita.Hindi ko lubos akalain na 'yong babae kaninang sumasayaw at hinahangaan ko lalo na ang kanyang baling-kinitang katawan at ang babaeng espasol ay iisa.
Pero mas nagulat ako nang sabihin niya sa lalaking nambastos sa kanya na GIRLFRIEND ko raw siya.Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niyang walang katotohanan .Ang kapal talaga ng pamumukha nito,tsk.
Nang dahil sa sinabi ng lalaking mukhang kuwago ay nilayasan na niya kami.Sinabihan ko agad siya ng"Are you really crazy!?Kahit kailan hinding-hindi kita magiging girlfriend babaeng espasol," mariin ang mga salita ko habang tinitigan ko siya.
Totoo naman talaga ang sinasabi ko.Walang sinumang lalaking papatol sa katulad niyang desperada (hmmm...eh ano yung kanina ,may palunok-lunok ka pa ng laway aber).
Nagsalita pa ito pero hindi ko na pinansin dahil baka saan pa aabot ang aming pag-uusap(hmmm...saan ba ang gusto mo sa KAMA?whoooy! wag ganern hahaha)
Tinulungan ko na lang siyang akayin ang kasama niya para matapos na .Paglabas namin ng bar ay iiwan ko na sana silang dalawa ng magsalita ito.
"Hindi mo man lang kami ihahatid?" tanong nito sakin habang nakanguso ito.
"Anak ng putcha naman o!Gagawin pa akong driver ng mga 'to," reklamo ng isip ko.
"Bakit? Mukha ba akong driver para ihatid ko kayo?" balik tanong kong tugon dito habang nakataas ang dalawang kilay ko.
"Wala akong sinabing driver ka namin.Humihingi lang ako ng tulong pero dahil masungit ka ,hindi ka sana makakatulog ngayong gabi dahil iiwan mo kami rito at lalamunin ka ng konsensya mo hanggang sa magunaw ang mundo at tayong dalawa na lang ang matitira,gusto mo ba yun ?!" taray nitong saad sa akin.
"Hanep nitong espasol na ito,saan ba ito nagmana?" tanong ko ulit sa sarili ko(aba! tanungin mo mama niya ,wala akong alam diyan)
"Blah blah blah.Ang dami mong satsat , bilisan mong akayin yang kaibigan mo baka magbago pa isip ko at ipagulong ko kayo sa bangin ng matahimik na ang buhay ko!" sabay bukas ko ng pintuan ng kotse ko.May konsensya naman ako pero bahala siyang mag-isa akayin ang kasama niya(ang bad mo callous hmf).
Kitang-kita ko kung paano siya nahirapan pero napabaling ako sa cellphone ko dahil may biglang nag-message .Si Boss J .
"Nasa Dragon bar ang isa sa anak ng nesgosyanteng pinatay mo kanina.Si Kiefer Lezandro.Isa pa yan sa nagbibigay ng sakit ng ulo ko.Tudasin mo na siya ngayon din!" ayon sa mensahe nito.
"s**t!" napamura ako ng malakas bigla kaya yung babaeng espasol napahiyaw.
"Ay kabayong bakla!"
Paano ko ito magagawa kung kasama ko itong dalawa.Tsk.
Nag-isip ako ng paraan at may kinalkal ako sa ilalim ng upuan ng sasakyan ko .Nakita ang isang blind fold at dalawang pares ng earmuffs kaya dali-dali ko itong ibinigay sa kanya.Nagulat naman ito sa ibinigay ko.
"Suotin mo 'yang blind fold at yung isang pares ng earmuffs.Ilagay mo sa tainga mo at ganun din yung isang pares ng earmuffs sa kasama mo.Bilisan mo!" ani ko rito dahil baka makaalis pa yung lalaking tinutukoy ni Boss J.Nilabas ko na rin ang aking baril kaya nagulat itong bigla pero sinigawan ko lang siya at sinabi ko rito na sundin na lamang niya ang ipinapagawa ko kung kaya nakita ko sa mga mata niya ang takot.Isinuot na lamang nito ang blind fold at ang earmuffs sa tainga niya.Habang ako naman isinuot ko na rin ang isang realistic silicone mask habang ang baril ko ay isinukbit ko sa aking likuran.
Paglabas ko ng kotse ay dali-dali akong pumasok sa loob ng bar .Nagulat pa ang isang bouncer sa hitsura ko pero hindi ko na ito pinansin .Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mahagip ko ng tingin ang lalaking tinutukoy ni Boss J .
Yung lalaking nambastos kay babaeng espasol kanina.May kalampungan na itong babae habang naglalapan pa ang mga ito.Hindi na ako nag-atubiling tutukan ito ng baril.Wala akong pakialam kung madaming tao ang nandirito ,magawa ko lang ang misyon ko,sapat na sa akin.Naghiyawan ang mga taong nakakita sa akin.
Nagsimula ng magkagulo pati na iyong babaeng nasa kandungan nito ay nagsimula ng magsisigaw.Nagulat si Kiefer sa pagtutok ng baril ko sa kanya pati na ang mga kasama niya pero saglit lang pala iyon dahil kanya-kanya narin itong naglabasan ng mga baril.
"Tingnan mo nga naman at mapapalaban pa ako dito sa tatlong kuwago na ito, ''ani ko sa isip ko.Akma akong paputukan ng isang lalaki sa aking harapan kung kaya inundayan ko agad ito ng isang roundhouse kick sa kanyang mukha kaya tumilapon ang baril nito sa hindi kalayuan dahil na rin sa hindi inaasahang gagawin ko rito.Maging si Kiefer ay nagpaputok ng baril sa akin kaya hinablot ko agad ang kasama nito para hindi ako matamaan kaya sapol ito bahagi ng dibdib nito .Gulat na gulat naman si Kiefer sa nangyari at binitawan ko agad ito habang nakahandusay na ito na walang buhay at dali-dali kong binigyan ng isang reverse turning kick spinning si Kiefer kaya nasubsob itong bigla .Papuputukan ko na sana ito pero nagulat ako sa aking likuran dahil may nagsalita.
"Sige iputok mo pero sabog naman ang bungo mo! Ang lakas ng loob mong kalabanin kami.Hindi mo ba kami nakikilala huh?!" angas nitong ani sa akin.Napasmirk ako sa sinabi nito.
"Wala akong panahon para alamin ang pagkatao ninyo," sabay unday ko ng isang malakas na back kick kaya sapol ito sa dibdib .Hinugot ko na rin ang isa kong baril at tig-iisa kong itinutok sa kanilang dalawa ang mga baril na hawak ko."Sleep tight,asshole!" sabay kalabit ko ng gatilyo sa dalawang baril ko.Sapol si Kiefer sa kanyang noo maging ang kasama nito.Pagkatapos ay sinabihan ko ang bouncer na lingid sa kaalaman ng lahat ay mga tauhan din 'yon ni Boss J.
"Clean this mess bago pa kayo maabutan ng mga parak.Magsara na rin kayo.Understood ?" ani ko rito at tango lang ang itinugon ng mga ito.
Paglabas ko ng bar ay tumakbo na agad ako papunta sa aking kotse .Binuksan ko na agad ito at dali-dali kong hinubad ang aking suot na mask.Pero nagulat ako ng maulinginan ko sa aking rearview mirror ay nakatulog na rin si babaeng espasol.Napasapo ako sa aking mukha.
"s**t!Saan ko sila iuuwi?Damn!" ani ko sa sarili ko