Earl Pov
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko hanggang sa maramdaman kong iba ang silid na aming tinutulugan.Napalikwas agad ako ng bangon at ginising ko agad ang aking kaibigan habang niyuyugyog ko ang kanyang balikat dahilan para ito ay magising.
"Ano ba!Inaantok pa ako bff," asik nito habang nakapikit pa rin ang mga mata nito."Bumangon kana diyan dahil wala tayo sa bahay niyo!" Dahilan para idilat ang mga mata nito.Bumangon na rin agad ito pagkatapos ay napasinghap ito sa gulat habang nanlalaki ang mga mata nito."Oh my god!Anong nangyari?Bakit tayo nandito bff?Hindi kaya may kumidnap sa ating dalawa tapos ginalaw nila tayo habang lasing tayo,"eksaherada nitong reaksyon.Natawa tuloy akong bigla sa naisip nito."Tse!Ang oa naman ng naisip mo.Baka nasa bahay lang tayo ni Callous,"kalmado kong saad dito.
"Wait,anong sabi mo,sa bahay ni Callous?!I mean si Callous na ubod ng sungit at yummy kaya baliw na baliw ka sa kanya?"pasigaw nitong tanong sa akin.Tumango lang ako kahit hindi naman ako sigurado.Isang katok sa pinto ang nagpalingon sa aming dalawa.Habang unti-unti itong bumukas.Napaawang pa ang aming mga labi dahil sa pinagsamang takot at kuryusidad.Isang matandang ginang ang pumasok sa silid ng aming tinulugan."Mga Hija ,nagugutom na ba kayo?"nakangiti nitong tanong sa amin ng matandang ginang."Paumanhin po nanay,maaari ko bang malaman kung nasaan po kami?I mean ,bakit po kami narito?"magalang kong balik-tanong dito.Pilit ko siyang nginitian kahit pakiramdam ko hindi kami ligtas sa lugar kung nasaan kami ngayon."Nasa mansiyon kayo ni sir Callous.Siya yung nagdala sa inyo rito kagabi.Mga lasing na kasi kayo at nakatulog na kaya kayo inuwi na lang niya rito.Ako na rin ang nagpalit ng mga damit ninyo" wika nitong nakangiti sa aming dalawa.
Napatingin agad kami sa isa't -isa ng aking kaibigan at itinulak niya ako ng bahagya.Yung tipong kinikilig."Ay sus!Ang prince charming mo pala ang nagdala sa ating dalawa dito sa mansiyon niya.Grabe, napakayaman naman pala ng baby loves mo bff"wika nitong nakabungisngis pa."Tumigil ka nga diyan.Nakakahiya ka talaga"ani ko rito.Nakatingin lang sa amin ang matandang ginang kaya napayuko tuloy ako."Maiwan ko muna kayong dalawa mga hija at baka hinanap na ako ni sir Callous.Bumaba na rin kayo para makapag-almusal"wika nito pagkatapos lumabas na rin ng silid.Bigla akong natigilan ng maisip ko ang mga nangyari kagabi.Lalo na nung makita ko ang baril na hawak ni Callous.Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog sa antok.Napaisip akong bigla at kung bakit may baril si Callous.Hindi kaya isa siyang killer o di kaya'y tulisan?Mga tanong sa isipan kong magulo.Isang tampal sa noo ang nagpatigil sa aking pag-iisip."Napano ka diyan at bakit tulala kana?Siguro may nangyari sa inyong dalawa noh?Dahil palaisipan sa akin kung bakit nandoon si Callous kagabi ,eh hindi naman natin siya kasama aber,"nahalukipkip nitong saad sa akin."Kung may mangyari man sa aming dalawa,ako na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.Samahan mo pa ito ng kumunoy pero hindi pa nasiraan ng bait si Callous para patulan ako noh!?Hindi ko rin alam kung bakit siya sumulpot bigla kagabi at iligtas ako kagabi doon sa Kiefer bastos habang akay ka dahil lasing kana at nakatulog na,"mahabang litanya ko dito.
"Ano! Yung chupapi na nakipagkilala sa atin kagabi?Pasalamat talaga yun at nalasing ako kundi makakatikim siya sa akin ng mag-kabit na sampal,hmf,"nakaismid nitong ani."Tsk,ang yabang mo.Tara na nga at umuwi na tayo.Lagot tayo kila tita at tito dahil sa pagtakas natin kagabi.Makakauwi pa sana tayo pero nagpakalasing ka kaya heto tuloy tayong dalawa.Naiisip ko na kung paano tayo papagalitan mamaya o hindi muna ako uuwi sa inyo para ikaw lang ang mapagalitan,"natatawang saad ko dito."Gaga!Pauwi ka pa lang ,nakatawag na ako kay tita Laine para sabihin na nag-inom ka.Alam mo namang bawal yan sa iyo diba?Sige ka,hindi mo na ako makakasama, ang maganda mong kaibigan."Panakot nito sa akin.Pinaningkitan ko tuloy siya dahil sa sinabi nito.Kaya naman niyakad ko na lang siyang bumaba dala ang aming mga damit na sinuot kagabi.
Pagbaba namin ay naulinginan ko si Callous na naka-de-kwatro habang abala ito sa paggigitara at kumakanta pa ito.Napangiti tuloy ako dahil sa nakita ko.Pakiramdam ko ,hinaharanahan ako ng guwapong nilalang na ito(ang aga-aga ,nanaginip ka na naman ng gising)."Tinitingin-tingin ninyong dalawa diyan.Kumain na kayo at ng makauwi na kayong dalawa."Pasuplado nitong wika.Bigla naman akong natigilan sa sinabi nito.Yung kaibigan ko naman ay lihim na nakangisi."Ok na sana yung ihip ng hangin kaso biglang kumilim-lim," pasaring ng aking kaibigan kung kaya't tinabig ko ito."Anong sabi mo?" tanong nito sa kaibigan ko."Wala naman mr.pogi ng Pilipinas.Salamat na lang po sa paanyaya pero uuwi na po kami," pagdadahilan nito.
"Ok."Tugon nito habang patuloy ito sa pagigitara.Yun na yun.Hindi niya kami ihahatid o ipapahatid?Tanong ko sa aking isipan."Hindi mo ba kami ihahatid?" Kiming tanong ko dito.Bahala na kung anong isipin niya."May pamasahe ba kayo?Kasi hindi libre ang gas ko."wika nitong nakataas ang mga kilay.Napasinghap ako at napatawa naman ng pagak ang aking kaibigan."Kaloka!Tara na nga bff baka hindi ako makapagtimpi, upakan ko yan.Sinasabi ko sayo,"pabulong ani nito na naiinis."Sige salamat na lang.Aalis na kami,"malumanay kong tugon dito pero nanatili itong nakatuon sa paggigitara.Hindi ko magawang mainis kay Callous sa totoo lang dahil sa hindi ko malamang dahilan o sadyang mahal ko lang talaga siya.Paglabas namin ng gate sa mansiyon ni Callous ay dagli kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ko ang aking personal driver.Lingid sa kaalaman ng lahat bukod sa kaibigan ko at ng kanyang mga magulang,isa akong anak ng isang mayaman na nagpapanggap na isang ordinaryong babae dahil sa mga taong gusto akong patayin simula noong ako'y isilang.Naalala ko tuloy dati kung bakit ako nag-aral sa unibersidad na pinapasukan ko ngayon kasama ang aking matalik na kaibigan.Dahil sa paghatid ko sa aking kaibigan ay nakita ko roon si Callous kaya doon ko naisipang mag-aral kahit mula noong bata pa lamang ako ay home schooling na ako .Kaya ipinagkatiwala ako sa matalik na kaibigan ni mama na magulang din ni Velle para masubaybayan ang pag-aaral ko.
"Manong ,pakisundo mo nga kami," wika ko sa kabilang linya."Sige po, Ma'am Lovein,"tugon ng aking personal driver.Tinext ko sa kanya kung saan niya kami susunduin.Habang palabas kami ng gate kanina ay tinanong ko na agad sa guard kong anong address ang tinitirhan ni Callous.Dalawampung minuto lamang ay dumating na rin ang sundo namin.
"Salamat bff at kahit papaano hindi na tayo mahihirapang maghintay ng masasakyan dun sa labas ng mansiyon ni Callous.Alam mo,bawas puntos siya sa akin.I'm so dissappointed sa baby loves mo.Tingnan mo nga, hinayaan niya lang tayong umuwi ng hindi niya hinatid.Napakawalang puso!"mahabang litanya nito.
"Pwede ba,'wag ka ng madaming reklamo.Isa pa, mabait naman yung tao ,may sumpong nga lang,"tumatawang ani ko dito."Baliw kana talaga bff,"wika nito.Hindi ko na lang siya pinansin subalit nagkunwari na lamang akong nagtulog-tulogan.