Callous Pov
Every time my hand reaches for yours
I feel the hesitation
I'm sure that you're not sure
Every time your lips are kissing mine
I taste the indecision
It's messing with my mind
I know there's a part of you
That's terrified to love again
But I promise to the end
I'll never run
Leave you behind
I'll never hurt you like he hurt you
I'll never make you cry
I'll treat you right
I'll stand by you
And no matter whatever happens
I'll never not love you
All of me, it's diving in the deep
You're standing at the shoreline
The waves are at your feet
Trust will never happen overnight
But if you give me more time
I swear you'll see the light
I know there's a part of you
That's terrified to love again
But I promise to the end
I'll never run (never run)
Leave you behind (you behind)
I'll never hurt you like he hurt you
I'll never make you cry
I'll treat you right (treat you right)
I'll stand by you (stand by you)
And no matter whatever happens
I'll never not love you
Ooh, ooh
I'll never not, I'll never not...
I know there's a part of you
That is terrified to love again
But I promise 'til the end
Yeah, I promise 'til the end
I'll never run (never run)
Leave you behind (you behind)
I'll never hurt you like he hurt you
I'll never say goodbye
I'll treat you right (treat you right)
I'll stand by you (stand by you)
And no matter whatever happens
I'll never not love you
Ooh, ooh
I'll never not-
Napahinto ako sa aking pagigitara habang kumakanta nang may naramdaman akong mga matang nakatitig sa akin.Yung dalawang magkaibigan pala na pasaway.Ang gulo pa ng mga buhok nila kulang na lang maging katropa nila yung mga baliw sa lansangan.Sinungitan ko na lamang silang dalawa lalo na 'yung isang sexy na baliw na baliw sa akin.Grabe kasi kung makangiti sa akin na para bang hinuhubaran na ako sa isip niya.
Gusto pa nitong magpahatid kaso binara ko na agad.Ang suwerte naman nila para ihatid ko pa.Nagpaalam sila ng hindi ko tinapunan ng tingin.Bahala sila.Nagpatuloy ako sa aking ginagawa nang lapitan ako ni Nanay Esther.Tinanong sa akin ang dalawang magkaibigan.Sinagot ko naman ito na umuwi na dahil may pasok pa ang mga ito.
"Hindi mo sila ipinahatid kay Estong?"tanong nitong sa akin habang bitbit ang isang tasang kape."Tsk,sayang lang ang gas ko at tsaka malaki na ang mga 'yun ,Nay.Hayaan mo na sila."ani ko dito."Hindi ganyan ang pagpapalaki ng mga magulang mo sa iyo ,Callous.Lalo na ako.Hindi kita tinuruan maging bastos sa mga babae.Alam mo naman diba na walang dumadaan na mga tricycle sa lugar na ito pero bakit hinayaan mong umalis ang mga 'yon."Wika nitong seryoso ang mukha.Ganito talaga siya sa akin.Kapag alam niyang may mali akong ginawa ,hindi siya nag-aatubiling pagsabihan ako.
"Oo na.Puntahan ko muna sila saglit para hindi na kayo magalit sa akin,"saad ko dito.Paglabas ko ay tinawag ko agad ang isang guard ko para tanungin kong naroroon pa ba sa labas ng gate ang dalawang magkaibigan pero hindi na raw nito nakita ang dalawa.Dagli naman akong sumakay sa aking kotse na naka-pambahay lang ang suot ko.Nakasando at isang maong na short.Pinaandar ko na agad ang aking kotse habang unti-unting binubuksan ng guard ang malaking gate ng aking mansiyon.Mabilis ko agad itong pinaharurot at nang marating ko ang kalsada ay wala akong napansin dalawang babaeng naglalakad.Pinaharurot ko pa ito ng mabilis hanggang sa may maulinginan akong isang kotseng kulay itim.Nang maabutan ko ito ay napansin 'kong hindi nakasara ang salamin nito at doon ko nakita ,ang babaeng espasol kasama ang kaibigan niya.Sinigawan ko agad ito."Babaeng espasol!"Sigaw ko ng malakas para marinig niya ako.Lumingon naman agad ito pagkatapos ay nagulat ito nang makita ako.Pinahinto agad nito ang kotseng sinasakyan.
"Bakit?" tipid nitong sagot."Ihahatid ko na kayo!Bumaba na kayo riyan,"wika nito.Nagulat pa ito sa sinagot ko.Pasalamat kayong dalawa sa ngayon,tsk.Bulong ko sa aking isipan."No need na mr.pogi ng Pilipinas dahil ihahatid na kami ni manong.Salamat na lang sa kabutihang loob mo ," pataray nitong wika ng kanyang kaibigan.As if naman ,gusto ko kayong ihatid.Samantala,ang babaeng espasol ay malapad itong nakangiti sa akin pagkatapos ay kinausap nito ang driver saglit tapos umibis na ito ng sasakyan habang hinihila nito ang kanyang kaibigan.Yung kotseng sinakyan nila ay umalis na rin.Akmang bubuksan sana nito ang pintuan ng front passenger seat nang pigilan ko ito."Doon kayo sa likod kasama ng kaibigan mo,tsk."mariin kong sabi dito.Tila napahiya pa ito pero nanatili itong nakangiti sa akin.Baliw na talaga siya!
Tahimik kaming lahat habang abala naman ako sa pagmamaneho nang biglang magsalita ,si Ms.Espasol."Bakit mo nga pala kami naisipang ihatid?Kanina lang kasi sinabi mong ayaw mo diba?" malumanay nitong tanong sa akin."May bibilhin kasi ako kaya naisipan kong isabay na lang kayo,"palusot ko."Ang sabihin mo ,nakukonsensya ka!"bulalas ng kaibigan nito.
Nilingon ko ng matalim na tingin sabay taas ng kilay ang kaibigan nito."Sorry pero wala ako 'nun,"ani kong habang nginisihan ko siya.Palihim naman nitong tinampal ang kaibigan nito.Bakit kaya mukhang mabait ang babaeng espasol na ito ngayon? Tanong ng aking isipan.
Fastforward.......
Nakarating na kami sa bahay nila at isang ginang ang napansin kong tila hindi ito mapakali sa kinatatayuan nito.Bago umibis ng sasakyan sila ay nagpasalamat pa itong si Ms.Espasol."Salamat sa paghatid, Callous," ani nitong nakangiti ng ubod ng tamis."Anong gusto mong kainin mamaya sa school?Gusto sana kitang- ipagluto para sa pasasalamat na rin sa paghatid sa amin,"ani nito."Wala.Sa bahay na ako kakain,"walang gana kong tugon tapos pinalabas ko na sila ng sasakyan dahil may bibilhin pa ako pero ang totoo palusot ko lamang iyon.Saglit kong ipinilig ang aking ulo pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa aking pagmamaneho.
Sa kabilang banda ay may mga matang nakatitig kay Callous ng mga oras na iyon at ibinalik din agad ang atensyon nito sa bahay nila Velle.Bigla namang tumunog ang cellphone ni Callous kaya sinagot agad niya ito."Ang galing mo kagabi.Hindi mo lang ba napansin na naroon lang si Jameson kasama ng mga tauhan natin habang abala ka sa pakikipaglaban kagabi,"natatawang ani ng boss niya."Ah, kaya pala ang panatag ko dahil nasa paligid lang ang mga kasama ko.Lintik na Jameson na 'yun!Hinayaan lang ako pero kayang-kaya ko naman ang tatlo kagabi sa bar.Hindi nga ako pinagpawisan," ani niya sa kabilang linya.Lalo lamang ito natawa sa sinabi niya."Manang-mana ka talaga sa akin.Pahinga ka muna ng ilang araw dahil medyo sunod-sunod na rin ang mga naging misyon mo."Pinatayan na agad siya nito.Ugali talaga nitong magpatay ng tawag ng hindi nagpapaalam .Napapailing na lamang si Callous habang pauwi na sa kanyang mansiyon pero naisip na naman niya ang nakita kagabi.Ang maputi at makinis na hita.