Kabanata 7:Halik

1307 Words
Earl Pov Pagpasok pa lang namin sa loob ng gate ng bahay nila Velle ay mukha agad ni Tita Faye ang bumungad sa amin habang may dala itong pamalo.Hindi ko tuloy maiwasang matawa ng palihim habang si Velle ay nagtago agad sa aking likuran. Yung mga tingin niya sa amin ay parang kulang na lang hihimatayin kami sa takot.Iba kapag nagalit ang mama ni Velle dahil talagang makakatikim ka talaga ng palo sa puwet. "Saan kayo galing?Ang aga ninyo naman yatang naggala?"tanong nito habang nakapamaywang sa aming harapan.Sabay pa kaming napalunok ng laway dahil sa hindi namin alam kung anong klaseng palusot ang aming idadahilan dito.Buti na lang talaga at hindi nito nalaman ang pagtakas namin kagabi kundi malalagot kami ng wala sa oras. "Ano po kasi Tita Faye,tumawag kasi si Mama Laine kagabi.Na-miss niya kasi ako kaya nagdesisyon akong umuwi muna tapos naisipan kung isama ko na lang si Velle kaso nang magpaalam kami kagabi sa inyo ni tito ay tulog na po kayo.Kaya umalis na lang po kami." pagdadahilan ko tapos pilit na ngumiti tsaka ko nilingon ang kaibigan ko sabay kindat dito ng palihim. "Ah,ganun ba hija?Akala ko naman kung saan kana dinala ng kaibigan mong pasaway.Alam mo naman na ipinagkakatiwala ka sa amin ng mama mo na matalik ko ding kaibigan,"malumanay nitong ani sa akin.Nag-iba na agad ang ekspresyon ng mukha nito.Mula sa pagiging dragon ay nagiging isang maamong tupa na ito. "Grabe ka sa akin Nana.Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin.Alam mo naman na ako lang ang pinakamabait ninyong anak ninyo ni Tata." nakangusong saad nito."Gaga ka talaga!Natural dahil ikaw lang naman ang nag-iisang anak namin.Yun nga lang ay hindi ka mabait,"natatawang ani nito kaya pati ako natatawa na rin subalit nagdadabog naman si Velle dahil sa tinuran ng kanyang mama. "Nariyan na pala kayo?Pumasok na kayo rito sa loob at ng makapag-almusal na tayo.Nagluto ako ng sinigang na hipon."sambit ni Tito Milo.Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi ni tito.Tumakbo agad ako papasok dahil na rin sa gutom na ako."Tingnan mo itong batang ito.Hindi man lang tayo inantay"wika nito na napapailing.Nilingon ko agad ito."Pagpasensyahan niyo na po ako Tita Faye dahil sa gutom na po ang alaga ko sa tiyan," ani ko rito na napapahimas pa sa tiyan. Pagkatapos naming kumain ay naligo na agad kami dahil may pasok pa kaming magkaibigan.Pagkarating namin sa unibersidad ng aming pinapasukan sakay ng tricycle ay kanya-kanyang hiyawan ng mga estudyante ang maririnig.Habang naglalakad sa hallway ay natuon agad ang aking atensyon sa lalaking nakaupo sa isang bench.Abala ito sa paggigitara.Nilapitan ko agad ito at umupo sa tabi nito habang ang kaibigan ko naman ay nakatayo lamang ito sa hindi kalayuan habang napapailing sa akin. "Good morning my love este Callous.Busy ka yata sa pagigitara mo." nakangiti kong saad dito habang inilugay ko ang aking buhok.Binalingan niya ako nang matatalim na sulyap."Walang good sa morning kung ikaw lang naman ang makikita ko.Isa pa,huwag mo akong tawaging 'my love ' dahil hindi kita nobya! Naintindihan mo ba?!" sigaw nito sa akin."Hindi ko naiintindihan,your honor,"sagot ko dito habang naka-peace sign dito. "Sinasagad mo talaga ang pasensya ko sa iyong babaeng espasol ka!Huwag mong hintaying ibaon kita sa lupa.Alam mo naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin diba?"habang hinawakan ako nito sa kamay ng madiin.Nakaramdam ako ng takot pero pinaglalabanan ko iyon."Madlang people!Hinaharas niya ako! Tulungan ninyo ako!"nagsusumigaw kong ani dito.Nanlaki naman ang kanyang mga mata habang palingon-lingon sa mga estudyanteng napatingin na rin sa amin."Baliw kana talaga!Hinaharas pala huh?"nanggigil nitong saad sa akin.Nagulat na lang ako dahil sa biglaang paghalik nito sa akin habang unti-unti nitong ipinasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.Nanatili akong nakatulala sa sitwasyon naming dalawa at ang bilis ng t***k ng aking puso.Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga dahil sa paghalik ni Callous sa akin.Hindi ko alam kung paano tumugon ng halik dahil unang halik ko ito since fetus.God!Kunin N'yo na po ako!Sigaw ng aking isipan. Hindi ko na napansin ang sumunod na nangyari dahil bigla na lamang akong napaigtad tapos bigla na lang nakita ko si Velle na nasa harapan ko na.Nagpalinga-linga pa ako dahil wala na si Callous sa tabi ko.Yung tipong kasing bilis ng flash ang naging kilos dahil ko man lang naramdaman ang pag-alis niya. "Namatanda kana diyan?Anong feeling ng mahalikan sa taong mahal mo?Masarap ba?"Tumango lamang ako sa kanya tapos napahawak ako sa aking labi."Oh my God!Kinikilig ang bestfriend ko.Ang landi mo talaga," wika nitong nakanguso."Bigyan na talaga kita ng award.Best in papansin s***h medyo malandi."ani nitong nakataas ang kilay."Ang sabihin mo,inggit ka lang dahil wala pang nakahalik sa iyo kundi yung alagang aso mo pa lang na si Tom,"wika kong nang-iinis. "Oo na.Panalo kana sa araw na ito.Tara na nga at pinagtitinginan na tayo ng mga kapwa natin estudyante at isipin ng mga iyan ay isa kang malandi."Ani nito habang nakahawak sa aking braso.Nagpatinaod na ako sa paglalakad habang nakasunod sa akin ang aking kaibigan.Hindi ko na pinansin kung ano man 'yong naririnig ko subalit nanatili akong nakataas noong naglalakad. Isang kamay ang humaklit sa akin nang dahilan para ako'y mapitigil sa aking paglalakad.Binalingan ko ang taong humaklit sa braso ko at bigla na lamang akong sinampal at sinabunutan.Gusto kong manlaban pero biglang akong nanghina dahilan para ako'y mapaupo sa semento.Nakita ko ang kaibigan kong pilit sawayin ang taong nanakit sa akin.Kinaladkad niya ito palayo sa akin at itinulak.Sinigawan niya ito at hinampas ng kanyang bag.Nang maging maayos ang aking paghinga ay saka pa ako tumayo at nilapitan ang kaibigan ko. "Tama na 'yan.Wala kang mapapala diyan sa mukhang labong na 'yan."saway ko rito."Tsk.Kung ako mukhang labong,ikaw naman ay isang malandi.Ang kapal ng mukha mo para makipaghalikan kay Callous!"sigaw nito sa akin ng babaeng mukhang labong."FYI,hindi ako nakipaghalikan sa kanya.Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo makita ang totoo hindi ba?Pero isa lang ang sasabihin ko sa iyo babaeng mukhang labong.Ang sarap humalik ni Callous."Wika ko dito habang tumatawa. "Baliw! Ilusyanada! Desperada!Malandi!" sigaw nito sa akin."Blah,blah,blah.Tawagin mo na ako sa kung ano man ang gusto mo pero wala akong pakialam.Gets mo?"Taray kong saad dito."Bye babaeng mukhang labong," nakangisi kong ani tapos kinindatan ko pa ito.Pagkaalis namin roon ay doon pa lang ako napahinga ng malalim.Ang sakit ba naman ng pagkasabunot sa akin.Pakiwari ko'y ,nalagasan ako ng buhok. "Ayus ka lang ba bff?Mabuti na lang talaga at nakapagtimpi pa ako kanina kundi niyupi ko na ang mukha ng babaeng iyon.Kainis siya!"Nanggalaiti nitong wika."Ayus lang ako.No worries.Maganda pa rin naman ako 'yun nga lang parang namanhid ang pisngi ko sa sampal ng babaeng mukhang labong na iyon."wika ko habang hinihimas ang aking pisngi."Huwag kang mag-alala,sa oras na magtampo ulit ang landas namin ng babaeng iyon.Ilalampaso ko ang mukha 'nun sa semento ng matanggal na ang kanyang mga tigyawat niya sa kanyang mukha!"Hirit pa nito. Matapos ang maghapong pagsusunog ng kilay ay naisipan naming magkaibigan na maglakad na lamang pauwi.Pupunta rin kasi kami ng palengke para bumili ng ulam.Inutusan kasi si Velle ni Tita Faye para bumili.Nagkwentuhan lang kami nang may kotseng mabilis ang pagpapatakbo nito kung kaya't muntik na akong mahagip kahit pa nasa gilid na kami ng kalsada.Pagtingin ko sa aking uniporme ay punong-puno ito ng putik.Hindi ko tuloy maiwasang sumigaw sa inis habang ang aking kaibigan ay pinagtatawanan lamang ako. "Mabulunan ka sana sa kakatawa mo diyan!Kita mo na ngang muntik na akong mahagip ng kotseng bwesit na 'yon at natalsikan pa ng putik ang uniporme ko ay may gana ka pang pagtawanan ako." Ani kong naiinis na habang nakasimangot.Nahalikan nga ako pero ang daming kamalasang nangyari sa akin ng araw na ito.Buhay nga naman. "Huwag ka ng mainis bff.Hindi ko lang talaga maiwasang matawa sa hitsura mo.Kiss na lang kita," habang nakanguso nitong saad sa akin."Ayoko nga!Baka mas lalo pa akong malasin,"ani ko dito tapos tumakbo na ako kaya nagpanghabulan tuloy kami hanggang sa makarating kami ng palengke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD