Kabanata 8: Sinipsip

1320 Words
Callous Pov "Ayos ng ginawa mo kanina bro.Nakuha mo pa talagang halikan ang babaeng 'yon.Siguro sarap na sarap ka sa paghalik sa kanya noh?"Tanong ni Oliver habang nakangiti ng nakakaloko."Pwede ba tumahimik kana lang.Gusto mo bang halikan din kita ,"sabay nguso ko dito."Bro naman,hindi tayo talo.Yuck!"Wika nitong naduduwal pa tapos kumikisig-kisig pa. "Oo nga pala bago ko makalimutan, yung sinabi ko sa iyo bro.Paibigin mo si Ms.Espasol tapos iiwan mo ng luhaan." wika naman ni Lance.Hindi ako tumugon sa sinabi niya.Naiisip ko pa lang ang gagawin ko ay parang hindi ko kayanin.Sa kulit ng babaeng 'yon ay baka hindi ako makapagtimpi at isa pa,hindi ko kayang manakit ng damdamin dahil ibang usapan na 'yon. "Hindi ko kayang gawin yun.Hayaan niyo na lang.Malay natin one of this days ay bigla na lamang itong hindi na magparamdam,"ani ko sa kanila."Tsaka nga pala Lance ,may napansin kaba sa dating tinitirhan nila Maxine?Nagbalik na ba sila roon?"Tanong ko sa pinsan ko habang binabalik ko ang aking gitara sa lalagyan nito."Hindi eh,tsaka matagal ng may ibang nakatira roon.Bakit mo ba hinahanap pa rin siya ,eh matagal na panahon na 'yung hindi bumabalik doon kasama ng nanay niya.Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya nawala sa puso mo?Look,ang bata pa natin 'nun para seryosohin mo siya."Wika nitong naiiling pa. "Oo nga naman.Baka nga may asawa na 'yung tao."Ani naman Kevin."Ewan ko sa inyong tatlo.Hindi kayo nakakatulong,"Ani ko sa kanila."Mag-move on kana kasi para naman magkaroon kana ng girlfriend.Tumulad ka sa akin,iba-ibang girlfriend sa araw-araw.Mas marami,mas masaya."Saad ni Oliver habang nakangisi ito."Karmahin ka sana sa mga pinaggagawa mo,"wika ko Tinawanan lang ako nito pero hindi na lang ako nagsalita pa.Samantala,naalala ko ang paghalik sa babaeng espasol na 'yon.Hindi ko alam kung bakit ko 'yun nagawa.Nagulat rin ako sa aking paghalik kung kaya't ang bilis kong umalis doon kanina.Napakalambot ng mga labi at ang bango pa nito pero nanatiling nakatulala ang babaeng espasol na 'yon kanina.Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin ang mabangong hininga niya.Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin ang tatlo."Grabe 'yang ngiti mo ah?Kinikilig kaba?"Tanong ni Oliver sa akin. "May iniisip lang ako pero hindi ang babaeng espasol na 'yon.Ang suwerte naman niya kung isipin ko siya."pagdadahilan ko sa kanila.Tumayo na ako at umalis na."Diyan muna kayo at may next subject pa ako.Huwag niyo na akong hintayin at mauna na kayong umuwi." Ani ko sa kanilang tatlo habang naglalakad papalayo sa kanila.Bakit ko ba kasi naiisip 'yung babae na 'yon.Sh*t! Makalipas ang dalawang araw ay nag-anunsyo ang head ng school na magkakaroon ng Educational Tours o field trip sa Laguna at bago raw kami umuwi ay kailangan raw naming magcelebrate para sa kaarawan ng may-ari ng Unibersidad ng Parañaque sa Hidden Valley Spring Resort ng Alaminos,Laguna.Kinabukasan ay naghanda na kami para sa isang field trip.Gustuhin man naming magdala ng sariling sasakyan ay hindi naman kami pinayagan sa halip ay sama-sama kaming lahat sa dalawampung estudyante sa bawat bus na nakalaan.Tatlong araw kaming maglalagi doon.Katabi ko si Lance at sa unahan naman namin ay sina Oliver at Kevin.Sa gawing kanan naman namin ay sina babaeng espasol at ang kaibigan nito.Hindi ko nga alam kung bakit sila naririto dahil sa pagkakaalam ko ay nasa sa second year college pa lamang sila para sumabay sa amin. Nagkibit- balikat na lamang ako at isinuot ko ang aking headphone.Magdadalawang oras ang binyahe namin papuntang Laguna.Pagkarating namin ay nagsimula na nga kami.Pumunta kami sa Heliconia Plant o Magnetic Hill, at ang Riceworld Museum.Sa sunod na araw naman ay ang Institute of Plant Breeding at iba pa.Pangatlong araw namin at kaarawan na nga ng may-ari ng Unibersidad.Pumunta na kami sa Hidden Valley Spring Resort sa Aluminos,Laguna ng madaling araw.Pagdating namin ay sobra akong namangha lalo na dun sa dalawang klaseng pool.Ang soda pools ay may jacuzzi at may waterfalls sa ibabang bahagi ng pool.Sa lover's pool naman ay napakaromantic ng kapaligiran.Napakaganda ng pagkaset-up ng lugar.Bandang alas-otso ng umaga ay nagsimula na nga ang party.Lahat ng naroon ng nakapang-swimming outfit. Nagsuot na lamang ako ng board shorts habang walang saplot ang aking pang-itaas ganoon rin ang aking mga kaibigan at pinsan.Kanya-kanyang kalansingan ng alak na hindi naman matapang dahil mahigpit na pinagbabawal iyon pero bago yan nagkainan muna ang lahat.Dalawang dilag ang natuon ng aming atensyon sa pagdating nito.Suot nito ang isang push-up bikini tops kung kaya't litaw na litaw ang magandang hubog ng mga katawan nito.Nagulat pa ako dahil ang magkaibigan na may saltik pala ang mga iyon.Napatingin pa sa akin ang tatlo at ngumisi ng nakakaloko. Ipinagpatuloy ko ang aking pagtitig lalo na doon sa babaeng espasol.May ibubuga ang katawan nito.Maging ang hinaharap nito ay hindi nagpapahuli.Malaki at malusog ang hinaharap nito.Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok at ibaling sa ibang direksyon ang aking tingin.Baka isipin pa nito na nahuhumaling ako sa angking kagandahang taglay ng katawan nito.Pumuwesto sila sa tig-iisahang lounger at doon ko mas nakita ulit ang makinis at maputi nitong hita. Napamura akong bigla dahil hindi na ako maka-fucos sa iniinom ko lalo pa at nasa kanya na halos ang atensyon ko.Nagulat pa ang mga kasama ko dahil sa inakto ko at saglit akong nagpaalam sa kanila na kailangan ko munang magbanyo. Pagpasok ko ay doon ko pinagsasampal ang aking mukha at naghilamos tsaka ako tinitigan ang aking mukha. "Nahihibang kana, Callous.Umayos ka!"Ani ko sa aking sarili sa repleksyon ng salamin.Palabas na ako ng makasalubong ko ang babaeng espasol.Yumuko ito at naglakad papasok sa restroom.Hindi ko maintindihan ang aking sarili at bigla ko itong sinundan papasok at nagulat pa ito nang bigla akong pumasok sa loob.Mabuti na lang at walang katao-tao roon kundi kami lamang dalawa. "Bakit ka narito, Callous?"Tanong nito sa akin habang abala ito sa paglalagay ng lipstick sa labi nito."Wala naman,gusto lamang kita pagmasdan,"sagot ko dito na ikinagulat ko.Napasapo pa ako sa aking ulo.Tinawanan lamang ako nito habang abala pa rin sa ginagawa nito. "Ang suwerte ko naman kung ganoon" ani nito tapos humarap ito sa akin."Mukhang lasing kana yata.Ang aga pa para malasing ka,"sabay hagod nito ng aking balikat pababa gamit ng kanyang daliri.Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa simpleng paghagod niya at bigla na lamang nanikip ang aking hinaharap. "Mauna na ako sa iyo," tanging naisambit ko at tumalikod na ako dahil baka mapansin pa ang pag-usbong ng aking alaga."Sandali lang!Pwede bang paki-ayos ang hook ng aking bra.Bigla kasing natanggal.Nilingon ko ito at nakita ko nga ang kanyang itinuran. Nag-atubili pa akong lumapit dito habang ito ay nakatalikod sa akin.Nanginginig ang aking mga kamay dahil sa tensyon na aking nararamdaman."Paano ba ito gawin?"Tanong ko dito nang mahawakan ko ang magkabilaang dulo ng bra nito."Ipasok mo lang sa butas ang pangkabit niyan para malock na," sagot nito sabay hawi ng buhok nito at doon ay kitang-kita ko ang kanyang makinis na likuran.Nang maipasok ko na, saka pa lamang ako napabuntong-hininga dahil sa kabang namumutawi sa pagkatao ko.Mas lalo lamang nanigas ,sumikip at bumukol lalo na ang aking alaga. Pagharap nito ay bigla ko na lamang nilamukos ito ng halik.Halik na nag-aalab at unti-unting ginalugad ng aking dila ang kaloob-looban ng bibig nito.Nakatulala lamang ito sa akin habang ang aking mga labi ay unti-unting bumaba sa kanyang panga habang ang isang kamay ko ay sinapo nito ang kanyang batok dahil itinulak ko siya sa dingding.Bumaba pa ang aking labi sa leeg nito at bahagya ko itong sinipsip at ang isang kamay ko naman ay hinimas ang kanyang dibdib pero saglit akong natigilan sa aking ginawa.Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mga mata nitong bakas ang takot at parang maiiyak na yata dahil sa ginawa ko.Binitawan ko siya bigla at humingi ako ng pasensya tsaka ko siya iniwan mag-isa.Paglabas ko ay napasuntok ako sa dingding.Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon.Muli ay bumalik na ako sa mga kasama ko habang nagkakasiyahan na ang mga ito.Tumungga agad ako ng alak nang salinan ng isang waiter ang baso na hawak ko habang ang mga mata ko ay nakatuon sa direksyon papasok ng restroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD