Nasa classroom ako ng bigla akong hilain ni Jonathan palabas at sinandal sa pader, halatang galit na galit ito. Oh, mukhang nagsumbong ang clown niyang fiance. "Anong ginawa mo kay Dawn?" Hindi nga ako nagkakamali. Medyo nasaktan ako pero hindi ko yun inintindi dahil punong puno na ako ng galit at hindi yun mapapangunahan ng kahit anong emotion. "Bakit kaya hindi mo muna itanong kung ginawa niya saakin? Sabagay ano ba naman ang pake mo" walang gana kong sagot sa tanong niya, galit na galit parin siyang nakatitig sa mga mata ko pero agad din iyong lumambot ng marinig ang sinabi ko na agad din naman niyang binawi at tinignan ako ulit ng masama. Di naman ako nagpatinag at tinignan din siya, mata sa mata ng walang emotion. "Why did you do that? Why did you hurt her? Why did you cut her?"

