"Queen papasok ka ba ngayon?" tanong ni Zian. Tumango naman ako bilang sagot. Dumating na kami ng Pilipinas kahapon samantalang sila Ezel naman ay nauna ng dalawang araw saamin. Siguradong sinabihan na niya ang mga kaklase namin sa pagbabalik ko. Gusto ko narin silang makita dahil aminin ko man o hindi ay namimiss ko narin sila. "Queen ayos ka lang ba? bakit parang hindi ka okay?" tanong naman ni Sam. Nakakamangha talaga kung gaano nila akong kakilala dahil kung ibang tao lang ay hindi nila mawawari ang totoong emosyon ko. "I'm fine" yan lang ang sinagot ko saka tuluyan ng lumabas at nagtungo sa sasakyan ko dahil plano namin na mamili ng mga gamit ngayon kasama. "Hey wait up" napalingon naman ako sa nagsabi nun. "Bilisan mo mas mabilis pa pagong sayo eh" asar ko na kinangisi lang ni

