CHAPTER 2

5000 Words
Kira's POV "Ahh, ba't kayo bumalik dito? Wala na ba kayong klase? Pwede naman na kayong umalis." Tukoy ko dun sa apat na lalaking palipat lipat ang tingin saming tatlo. "Hmm. Wala naman na kaming klase, maglalaro ng basketball na lang ang gagawin namin dito. Nga pala hindi pa kami nakakapagpakilala, I'm Drake, vice captain ng basketball team." Pagpapakilala nung pinaka matangkad sa kanila. "Hi. I'm Vince" Pagpapakilala din nung isa "Casper here, nice to meet you" sabi naman nung isa pa. "Marlon is the name, pasensya na sa nangyari kanina, mainit lang ang ulo ni captain kaya napalakas yung pagbato nya ng bola at hindi ko nasalo, so kasalanan ko talaga kung ba't nandito ka ngayon" Kumakamot sa batok na pagpapakilala nung isa pa. "Wala yun, okay na naman na yung natamaan ng bola saka palabas na din naman kami mamaya, by the way I'm Kira, and these are my bestfriends, Haru and Mira" Pagpapakilala ko dun sa dalawang nakatayo sa may tabi ko. "Nice to meet you Haru and Mira" Sabi nung mga lalaki "Nice meeting you too" Sagot naman nung dalawa Kasalukuyan pa din kaming nandito sa clinic and it's already lunch time. May pagka-OA din kasi talaga yung nurse (kahit ako OA), sabi kanina pwede na ako lumabas tapos ngayon bawal pa daw at ayaw pa din ako paalisin, kesyo mamaya na lang daw at hintayin ko munang humupa ng konti pa yung pasa sa braso ko. Kung bakit ba naman kasi ang weak ng katawan ko at ang dali daling magkapasa. Imbyerna eh. So ayun na nga andito pa din kami at nandito pa din yung apat, sina Drake, Vince, Casper and Marlon. Ewan kulang sila pero sabi ni Drake baka dumaan daw yung dalawa pa nilang kasama, yung captain daw nila tas pinsan neto. Ahh basta ewan ko sa kanila, nagugutom na ko eh. "Hindi pa ba kayo aalis?" Tanong ko dun sa apat na busy sa hawak nilang phone. "Mamaya na, may free wifi dito eh." Sagot naman nung Marlon ata yun if I am not mistaken basta yung medyo maangas ang datingan. "Lunch time na pala, anong gusto nyong kainin Kira? Bibili na lang kami ng food nyo sa Cafeteria." Tanong nung Drake daw. "I want spaghetti and spicy chicken then iced tea -regular size tapos isang taro milk tea. Thank you." Si Mira yung sumagot. "Hoy Mira, mahiya ka nga, di naman ikaw ang tinatanong eh, pero gusto ko ng lasagna then iced tea tapos zagu yung large. Fruit salad ah. Thanks!" Sabi naman ni Haru "Sus, kung makasabing mahiya ka naman Mira ka pa dyan Haru, eh isa ka din naman dyang walang hiya. Hahahhaha" Natatawang saad naman ni Mira. "Sige, ikaw Kira anong gusto mo?" Tanong naman ulit ni Drake sakin. "Kahit ano na lang na pagkain saka iced tea na din. Thank you." Sambit ko naman. At nagsimula na syang mag ayos para lumabas. "Pero baka hindi pwede dito kumain kaya dun nyo na lang ihatid yung foods sa may cottage na tambayan namin" Sabi ni Mira at sinabi yung exact location nung tambayan "Okay. Uy Vince, Lon at Cas, tara sa Cafeteria." Aya nito sa mga kaibigan nito na busy pa din sa phone nila. "Kayo na lang ni Casper tol, sama mo na din tong si Vince, nagpapa-rank pa ko eh." Sabad naman ni Marlon na sobrang seryoso sa kakapindot sa phone nito. "Tss. Sumama ka din sa kanila kuya." Sabat naman ni Mira. "Eh kung ikaw na lang kaya sumama sa kanila ate? Kita mong naglalaro pa ko eh." Sagot naman nito. At bigla namang tumayo si Haru at lumapit kay Marlon at hinila ito patayo sabay tulak sa labas ng pinto. Kami naman nakatingin lang sa ginawa ng kaibigan ko. "WHAT THE-! Anong problema mo?!" Galit na sabi ni Marlon kay Haru kasi muntik ng ma-out of balance si Marlon sa lakas ng pagtulak sa kanya ni Haru. "Ayan, edi nakalabas ka na, masyado ka pang pabebe dyan, gusto mo pang hilahin at itulak. Sige layas na! Bili na dun ng pagkain, wag kang babalik dito kung wala kang bitbit. Shoooooo." Pagtataboy ni Haru sa mga ito. "Tsk. Badtrip! Amazona amp!" Nakabusangot na sabi ni Marlon bago sila tuluyang umalis na magkakaibigan. "Pffft. What was that for Harubeyb? May pahila-hila with tulak ka pa dyan ah. Ayyyyiiiiiiieeee Hahahahhaha" Pang-aasar ni Mira kay Haru. Ito namang si Haru nag roll eyes lang. "Shut up Mira! Anong ina-ayyyyiiiiiieeee ayyyyiiiiiieeee mo dyan? Gusto mo din mahila at matulak? Sabihin mo lang, game ako" Pagtataray ni Haru "Hahahahhahahahhahaha" Tawa naman sa kanya nung isa. "Tawa ka pa dyan, baka gusto mo din talagang matulak at mahila eh no? Masama bang lahat sila paalisin? Imbyerna eh, ingay ingay. Pwede naman maglaro ng Mobile Legends ng tahimik lang diba" Inis pa din na sabi ni Haru. "Hahaha, Luhh sya, dahil lang dun? Talaga lang ha. Laki ng galit mo sa kanila ah. If I know, crush mo lang talaga si Marlon. Hahahhaha, diba crush mo sya since freshmen?" Pang-aasar pa din ni Mira sa kaibigan namin na halata mong nmalapit ng mapikon. Pffft. "Tigilan mo na pang aasar kay Haru, Mira. Baka kainin ka nyan ng buhay umuusok na pa naman baka matusta ka. Haha" Sabat ko naman sa kanila. "Che! Ewan ko sainyong dalawa, nakakainis kayo ha." Nagtatampo kuno nung isa. "Haha. Anong oras nga pala tayo pinapapunta sa faculty?" Tanong ko sa kanila. "Mamayang 3 pm daw bes" Sagot ni Mira. "Uy Kira, ano okay ka na ba? Ayos ka na ba?" Baling na tanong ni Haru sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Hmmmm. Okay naman na, tara na din dun sa cottage, dun na tayo maghintay" Sabi ko sa kanila. Nung nakarating kami sa cottage, sakto naman na walang tao kaya masosolo namin yung buong space. Busy kami sa pagkukwentuhan ng mga walang kwentang bagay nung dumating yung apat na may kanya kanyang bitbit. Buti nahanap nila agad. "Buti nakita nyo agad kung saan to" Hindi kasi malinaw explanation ni Mira kanina kaya baka naligaw sila "Yeah, madali lang naman makita kasi" Sagot naman ni Drake. "Ang ingay kasi nung amazona kaya nakita agad namin" Bulong naman ni Marlon. "Sa wakas! Dumating din. Hoy Marlon! Nasaan pagkain ko? Wag mong sabihin na wala kang binili? Sasapakin kita ng super makita mo" Sabi agad ni Haru nung nakalapit na yung apat. "Tsk. Amazona" Bulong na sabi ni Marlon pero narinig ata ni Haru. "Anong sabi mo?" Inis na sabi ni Haru. "Ang sabi ko, eto na pagkain mo Amazonang payat" Sabi ni Marlon at iniabot kay Haru yung plastic na may lamang pagkain. "Aba't, may galit ka ba ha?! Di maiabot ng maayos?" Gigil na sabi ni Haru dito. "Wala, ang saya ko nga eh, ako lang naman gumastos para sa pagkain mong amazona ka" Asar na sabi naman nung isa. "So may hinanakit ka dahil gumastos ka? Magkano ba to ng mabayaran kitang bwisit ka!" Asar din na sagot ni Haru sa kanya. "Wag na, libre na yan, baka sakaling tumaba ka naman. Psh." Sabi nito at tinalikuran si Haru. "Hoy lalaki! Magkaiba ang payat sa sexy ha! Bulag ka ba o duling lang?" Sambit ulit na Haru. "Tumigil na nga kayong dalawa, pwede kumain na lang tayo? Ingay nyo pareho eh" Sabat naman nung Vince "Tsk." Sabay sabi nung dalawang parang aso at pusang nagbabangayan. We were in the middle of eating our foods when two guys appeared. "Uy Vance! Nandito na pala kayo?" Kausap ni Drake dun sa isang guy na kararating lang pero at di ko napansin na nakatitig na pala ako dun sa kanya na nakatingin din sakin. At dahil nakakailang yung tinginan portion namin, iniiwas ko na agad yung tingin ko at ibinalik yung tuon ko dun sa pagkain sa harap ko. "I'm just here to inform you na wala na tayong klase ngayon at sa monday na ang balik natin para sa start ng graduation practice." Sagot naman nito "Yown, may mga pagkain, pakain din mga tol." Sabi naman nung isa pa "Basta talaga pagkain ang lakas ng radar mo Ven." Sabi ni Casper na nakalapit na din sa may pinto. "Syempre tol, food is life nukaba." Natatawang sabi naman nung Vance daw. "Sya sya, lika na kayo dito at kumain, masamang pinaghihintay ang grasya." Sabat naman ni Haru. Kaya wala na din nagawa yung Ven na dapat aalis na kasi sya naman ang hinila ni Haru. Ang hilig talaga neto manghila eh no. Kumain kami nung biglang nagsalita ulit si Haru. "So sino dito sainyo ang may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon?" Biglang tanong nito sa mga lalaking nandito ngayon. "Why asking?" Balik na tanong naman nung Ven daw, ah basta sya yung bumato ng bola na tumama sakin. MIRA's POV Yes! Finally may sariling POV na din ako. Thank you author! Labyuuumwuahugsandkisses. Pero pupusta ako, itong pov na to tungkol pa din to kay Kirabeyb. Haha. (A: Syempre, sya yung bida eh, sa susunod ikaw naman bida gusto mo? Haha). Pwede din hahaha. Hmp! Lets' start na nga lang ulit. Back to the scene na. "So sino dito sainyo ang may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon?" Biglang tanong ni Harubeyb dun sa mga guys. Kahit kaylan talaga tong babaeng to eh. Atribida. Haha joke lab ko yan si bessy. Hehe. "Why asking?" Tanong naman nung isa, ewan kung sino sya, basta yung bagong dating. In fairness, gwapo sya guys ha pero di ko bet. No to harowt harowt, stick-to-one ako eh. Yiiiiieeeee, kinilig boyfriend ko. Hahaha "Coz I wanted to know who's who." Sagot naman ni Haru na nakataas ang kilay na nakatingin dun sa sumagot sa kanya. "Tss." Ay grabe, ang taray ng kuya nyo mga besh. Ginanun nya lang si Harubeyb. Lagot ka tol. Pero eto naman kasing si Harubeyb eh, obvious naman na kung sino, magtatanong pa, haaaays. Ang ewan lang. Haha. "So I assume" *Naku Harubeyb wag mo na iassume kasi nga sya yun*. Gusto ko sabihin yan pero di na lang ako umimik. "na ikaw nga yun, ano ba pangalan mo?" Tanong ulit ni Harubeyb. "Raizen Vance Santiago ang name ni Captain, di nyo alam yun? Woah, akalain mong sa sobrang sikat ni captain dito sa campus meron pa palang hindi nakakakilala sa kanya" Sabi nung epal na Casper. Well yeah, honestly hindi talaga namin kilala kung sino sila not until today, hindi naman kasi kami fan ng basketball at wala kaming sinusupport ni isa sa team nila. Kasi soccer ang sinusupport namin kasi nga member dun yung mga bf's namin. So yeah, technically si Marlon lang ang familiar samin kasi naging crush sya dati ni Haru, nung freshmen year namin pero di namin alam name nya, not until today again. Kaya thankful kami na natamaan ng bola tong si Kira. Dejoke lang. Haha. So back to the scene tama na segway. So ayun nga umepal ng sagot yung Casper kahit hindi naman sya yung tinatanong. In fairness din ulit, ganda ng name ni kuya, bagay sa mukhang gwapo. Hmmmm. pero di ko pa din sya bet, mukhang conceited eh. (A: Luhh wala namang nagtatanong kung bet mo o hindi eh) Epal ka talaga Miss A. Sinasabi ko lang eh. "So Mr. Santiago, since ikaw naman pala ang may sala, ihatid mo yan pauwi sa kanila and explain to her parents kung bakit may pasa yan kasi ni lamok hindi pinapalapit nina tito sa isang yan" Sabi ni Haru habang naka-point out yung kamay nya kay Kira. Pfft. Haha OA to the highest level. Di naman imbalido si Kira, pasa lang eh. Pero hindi talaga yan nagagalusan si Kira. Tinaasan lang sya ng kilay nung Vance. "Bakit daw sya" Singit naman nung Ven. Wow ha, ang galing alam nila meaning ng facial expression ng captain nila? Galing galing. claps claps claps. Lol. "Because I've said so, whether you like it or not, ihahatid mo si Kira" There she is. Saying in a serious voice, wala kang magagawa kundi sumunod na lang kapag ganyan kaseryoso magsalita si Harubeyb. "Ako na lang ang maghahatid kay Kira" Pagvo-volunteer naman nitong si Drake. "Ikaw ba may kasalanan?" Tanong naman dito ni Haru. Kaya napakamot na lang sa batok si Drake dahil wala talaga syang magagawa. Pero ewan, I see something fishy with Drake, I guess he likes Kira, the way nya pa lang tignan si bessy. Hmmm. Pero wala kang pag asa dyan, bulag yan sa boyfriend nya eh. "Tsk. Parking lot. 5 pm sharp." Sabi nung Vance saka tumayo at umalis na. Yun na yun? Dali naman pumayag. Haha. Sakto namang tapos na din kami kumain at naligpit na din yung mga kalat. After magkwentuhan, nag decide na din yung guys na umalis na, maglalaro daw sila ulit ng basketball. Papunta na kami ngayon sa faculty para kausapin yung prof namin. Sakto din kasi na mag 3 pm na nun then after namin sa faculty uwian na ay hindi may date pala kami ng bebe ko. Kakatapos lang namin makipag usap sa adviser namin sa faculty room and now we're heading to somewhere I don't know. Naka received ako ng text galing sa boyfriend saying na nandun na sya sa meet up place namin kaya nagpaalam na ko kina bessy. Btw it's 4 pm na din pala. "Mga bes, una na ko sainyo ha, hinihintay na kasi ako ni Mark. Ingat kayo pauwi. See you both on monday. Lablab" at nagbeso beso muna kami bago ako umalis. Sa monday na kasi kami papasok kasi start na ng practice para sa graduation. HARU's POV So this is my first segway POV. By the way, Haru here guys, pleased to meet you. Basahin nyo tong kwentong to ni Kira. *wink* Mira left us already because she'll be meeting her boyfriend, Mark. May date na naman ata. Anyways. Ilang minuto din kami munang tumambay sa may grounds. Tinitignan yung mga pauwi nang mga estudyante. "Uy Haru, ba't mo naman ako pinapahatid dun? Kaya ko naman umuwi mag isa eh" Pagmamaktol ni Kira sakin. "Wala lang, gusto ko lang. Saka alangan naman na yung boyfriend mo ang utusan ko eh ayan nga oh, missing in action na naman" Sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi talaga missing in action yung boyfriend nya, like nadisgrasya na yung girlfriend hindi man lang pinuntahan, nainform naman. Tss. Hindi ko talaga gusto yung lalaking yun para sa bestfriend ko. Humanda talaga sakin yun kapag nalaman kong totoong niloloko nya si Kira. Tss. "Eh kahit na, baka may makakita, tapos magsumbong, alam mo naman yung isang yun napaka seloso." Sabi naman ulit nitong si Kira. "Sus, ihahatid ka lang naman, wala naman kayong gagawin, unless gagahasain mo yung maghahatid sayo. Haha" Sagot ko naman sa kanya. "Luhh, no freaking way will that happen Haru" Sabi pa nito na nag roll eyes. Kaya natawa na lang ako. Nag beep yung phone ko kaya tinignan ko muna kung sino nag text. Si boyfriend pala, nagtext sya na papunta na sya dito sa campus. Pero nireplayan ko sya na sa parking na lang kami magkita kasi ihahatid ko pa nga tong si Kira dun sa maghahatid sa kanya pauwi. Sakto din kasi na 5 pa sya makakarating dito sa campus kasi nasa bahay nila sya ngayon. Pupunta lang sya dito para sunduin ako. Agad naman na sumang ayon yung boyfriend ko. Kaya mahal ko yun eh, pag alam nya na involve ang bestfriends ko, sumasangayon agad. Haha "Aish! Nasan ba kasi si Renz? Di man lang mag reply o kahit i seen yung chat ko sa kanya, online naman. Kainis!" Nakabusangot na sabi ni Kira habang nakayukong naglalakad. "Hayaan mo na, may maghahatid naman na sayo pauwi eh. Safe ka naman siguro sa isang yon. Mukha naman syang tao eh" Sabi ko kay bes to enlighten her up. "Haaaaays" Buntong hininga nito. Psh. "By the way Kira, ihahatid lang kita sa may entrance ng parking ah, nandun din kasi si ———" "Boyfriend mo at susunduin ka kasi magde-date din kayo." Sya na nagtuloy ng sinasabi ko kaya napakamot tuloy ako sa batok ko. "Hehe" pilit na tawa ko. "Nukaba, okay lang bes, kahit wag na. Kaya ko naman na mag isa kaya kahit wag na. Alam ko naman na hindi talaga sa parking area kayo magkikita eh. I can go to the parking area alone." Sabi ulit nito habang nakangiti. "Waaaaah! Thank you Kira." Yakap ko bigla sa kanya. "Wait lang, tatawagan ko lang si boyfie." Sabi ko ulit. Sinabihan ko yung boyfriend ko na sa gate na lang kami magkita. "Okay na?" Tanong ni Kira. "Yeah. You sure okay lang sayo na hindi na kita samahan papuntang parking?" Tanong ko naman sa kanya. "Yep, sige na go ka na din dun, magpa-5 na oh, you should go na. See you on monday Haru" Paalam nito sakin. "Sige, ingat kayo Kira, enjoy the ride with Mr. Suplado. See you on monday." And with that nakipagbeso muna ako sa kanya bago ako tuluyang umalis. Nakita ko pa syang nag wave ng kamay nya. I'm so happy to be her bestfriend. I love Kira because she's not just a bestfriend she's my sister not by blood, but she is. KIRA's POV Nakaalis na si Haru kaya mag-isa na lang ako ngayon, at eto naglalakad papuntang parking lot. "Oww, hi there Kira. San punta mo?" Tanong nung nasa harapan ko. "Hello Lianne. Pauwi na ko." Sagot ko sa kanya. "Okay" Maarteng sabi naman ni Jen. "Sige una na ko, hinihintay na ko ng maghahatid sakin pauwi. Sige, see you next week" Paalam ko sa kanilang dalawa. "She's really a stupid one. Tanga nya masyado. Haha" Dinig kong sabi pa ni Lianne. Honestly, Lianne and I were not in good terms, kahit na sabihin pang bestfriend sya ni Renz. She really don't like me. Well the feeling is mutual, I don't even like her too because, she's too spoon feeding. Nakakainis kaya ganun, kaya nga di ko sya pinili to be my partner sa Thesis eh. Pero kailangan kong makisama sa kanya because sabi ko nga bestfriend sya ng boyfriend ko. Kaya no choice. Nandito na ko ngayon sa parking lot and hinahanap ko kung saan ba banda yung sasakyan nung Raizen na yun or kung san sya banda. Pero di ko makita, it's like ten minutes na kong nag iikot dito pero di ko pa din mahanap. Ewan, baka pinagttripan lang ako ng isang yun. Haaaays. lakad lakad, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, lakad ulit, tingin ulit sa kanan at kaliwa, lakad ulit, tingin sa kaliwa, tingin sa ka——————- Bigla na lang akong napatakip ng bibig ko at may naguunahang pumatak na luha sa mukha ko, at unti unti umiiyak na ko habang nakatingin sa kanila. Nakikita ng dalawang mata ko na yung boyfriend ko ay may kahalikan na iba - dito sa parking lot. "Pfffft. Hon tigil na, baka may makakita na satin dito. Haha" Dinig kong sabi nung girl. "Isa na lang hon, please. Missed na missed kaya kita sobra" Dinig ko din na sabi ng boyfriend ko. Rinig na rinig ko sila dahil hindi naman ganun kalayo ang pagitan namin, dalawang kotse lang naman ang nakaharang between us, pero hindi nila ko nakikita kasi busy sila sa isa't isa. "Ang OA mo hon ha. Magkasama lang kaya tayo kagabi, take note dun pa ko sa inyo natulog, sa mismong kwarto mo katabi mo, tapos sasabihin mong missed na missed mo agad ako? Haha kaninang umaga lang naman tayo di nagkita eh. Haha" Sabi ulit nung girl at nung narinig ko yun bigla na lang akong napaupo sa sahig dahil bigla akong nanghina. Tae, kaya naman pala. Haha, kaya naman pala hindi sya makapag reply dahil busy sya, kaya hindi sya nagpakita kahapon dahil may iba syang kasama. Tahimik lang akong umiiyak dito at patuloy lang din sa pagpatak ang mga luha ko, at kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko, kitang kita ko pa din sila na naglalakad paalis at magkahawak kamay pa. Lumipas ang isang oras at nandito pa din ako sa parking lot, nakayuko at umiiyak pa din. Ang sakit sakit malaman na yung taong mahal mo, niloloko ka lang pala. "Tss. Ang sabi ko alas-singko, eh anong oras na nandyan ka pa din? Umiiyak ka pa din?" Sabi nung taong nasa likuran ko o kung saan ba sya banda, basta yung nagsalita, di ko naman sya makita dahil nakayuko nga ako. "Di ka pa din ba tapos umiyak dyan? Alam mo para kang tanga ngayon dyan" Sabi ulit neto. Ilang beses na ba ko nasabihan ng tanga ngayong araw? Di ko pa din sya pinapansin. "Tsk. Tara na, iuuwi na kita sainyo, anong oras na" Sabi ulit neto. Pero di ko pa din sya pinsansin. Then tumunog bigla yung phone ko kaya napaangat ang ulo ko para hanapin yung phone ko sa bag ko. Nung hawak ko na yung phone ko para tignan kung sino yung caller wala naman naka register na recent call or kung may tumatawag only to found out na hindi pala yung phone ko yung tumunog kasi narinig kong nagsalita yung isa. "Nandito pa din sa Campus. Hindi. Wala. Uuwi na din ako mamaya. Hindi nga sabi. May ihahatid lang ako. Hindi ko girlfriend to. Mom! Ang kulit mo naman eh, hindi nga sabi. Bye po." Dinig kong pagkausap nya dun sa phone, mama nya siguro, mom eh. Walang manners. Tss. "So pwede na ba tayo umuwi? Hinahanap na ko samin eh" Baling nito sakin kaya nakita nyang nakatingin ako sa kanya. "Okay" Sagot ko at tumayo na sabay punas ng mga luha. "San bahay nyo?" Tanong ulit nito nung nasa loob na kami ng kotse nya kaya sinabi ko na lang sa kanya kung saan yung address namin. At habang nasa byahe, sa labas lang ako nakatingin and with that nakaidlip na ko VANCE's POV Langya, ang lapit lang sana ng bahay ng isang to, pero traffic naman. Inis. Binaling ko tingin ko sa kanya at nakita kong tulog sya. Tss. After nang ilang minutes nandito na ko sa tapat ng bahay nila, at kita mo nga naman, tulog na nga umiiyak pa din. Dahan dahan kong nilapit yung kamay ko sa mukha nya para punasan yung mga luha nya. Tss. "That jerk don't deserve you. Don't waste these tears over him, he's not worth enough for it." Pagkausap ko sa babaeng to. Lumabas ako ng kotse ko para mag doorbell sa bahay nila. Gustuhin ko man na ako na magbuhat sa kanya, ayoko nga, parang di naman tama yun kasi di ko naman sya kaibigan at saka sino ba to? Pinahatid lang naman sa kanya yan ng kaibigan nito. "Ano hong kailangan nila?" Tanong nung matandang babae na nagbukas ng gate. "Nandyan po ba yung tatay ni Kira?" Tanong ko din sa kanya. "Opo sir, bakit po?" Tanong ulit nito. Magtatanungan na lang ba kami dito ngayon? Tss. "Pwede po ba pakitawag at pakisabi na yung anak nya nasa kotse ko natutulog." Sabi ko dito. "Sige po sir, sandali lang po at tatawagin ko si sir" Paalam nito sa kanya. Bumalik agad yung maid siguro nila yun at kasama na yung tatay siguro nung iyakin na to. "Good evening po." Bati ko dun sa lalaking lumabas, tatay na siguro to nung babaeng tulog-mantika na yun. "Where's my daughter?" Tanong bigla nito. "Nandun po sa kotse, tulog" Sagot ko naman habang tinuturo yung kotse ko. "Uy Vance! Anong ginagawa mo dito samin?" "Ace? Bahay nyo to?" Sagot ko. Ace is my friend, well parang ganun. Magkakilala kami dati pa pero di ko alam kung saan bahay nyan. Ngayon ko lang nalaman, Nakalaro ko kasi sya dati ng basketball kaya kilala ko sya. "Ahuh, ba't nandito ka tol?" Tanong ulit nito. "Ahh, kapatid mo yung Kira? Hinatid ko lang" Sagot ko naman "Hendrix, buhatin mo nga tong kapatid mo" Tawag sa kanya nung tatay nya. "Ikaw kung sino ka man, pumasok ka din sa loob" Sabi nito sakin nung papasok na ito sa loob, kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang din. Nandito kami ngayon sa living room ng Santos. Kaharap ko sila, the father, mother and siblings. Tsk, ano ba pinasok kong to? Tanong ko sa sarili ko. "So bakit natutulog yung ate ko sa kotse mo?" Tanong nung isang kapatid ni Ace. "Bakit malungkot mukha ng ate ko?" Tanong naman nung isa pa. Magkamukha sila. Kambal siguro. "At bakit parang umiyak si Kira, anong nangyari dun Vance?" Tanong naman ni Ace nung malapit na ito sa may sa kanila. "At bakit may pasa yung braso ng anak ko?" Tanong din nung tatay. Kaya napalunok naman agad ako ng laway dahil sa sunod sunod na tanung nila. "Pano naman makakasagot yan kung sunod-sunod yung mga tanong nyo? Saka iho ano bang pangalan mo? Hindi ka pa nagpapakilala, baka naman pwedeng malaman muna. By the way, I'm Mrs. Sabrina Santos, call me tita Sab na lang, tawagin mo din na tito Dave tong asawa ko." Sabi ni Mrs. Santos. "I'm sorry, I'm Raizen Vance Santiago po. Inaantok po ata yung anak nyo kaya nakatulog sa kotse ko, malungkot sya kasi may dahilan at sya lang makakapagsabi kung ano yun at opo umiyak po sya, mga isang oras din ata siguro yun." Paliwanag ko sa kanila. "Bakit sya umiyak?" Tanong agad ni Ace. "I'm not in the position to explain and answer that. Ask her instead" Sagot ko naman. "Bakit ikaw ang naghatid kay ate Kira at hindi si Kuya Renz?" Tanong nung Luke daw ang pangalan. "Renz pala pangalan nun. Tss. Ewan ko kung bakit hindi sya naghatid sa ate mo, ba't di mo tanungin yung kuya mong yun?" Tanong ko din sa kanya. "At saka nautusan lang ako nung isa nyang kaibigan na ihatid sya dito sainyo, that's why I sent her home. And I wanted to apologize for hurting your daughter sir, ma'am. I'm the reason why she got that bruises in her arm. Natamaan kasi sya ng bola na binato ko during our basketball game kaninang umaga, but I can assure you that I wasn't the reason why she cried." Explain ko sa kanila. "So ikaw nga dahilan kung bat umiyak si ate" Singit ulit nung Lyka. "As I've said, I am not, ask her, I didn't made her cry, maybe I did, pero di naman talaga, ah basta hindi ako" Sagot ko ulit sa kanila. After 1234567890 hours, natapos din ang usapan or maybe interrogation nila sakin. Tsk. "Vance! Thanks sa paghatid sa kapatid ko. Laro ulit tayo after graduation" Sabi ni Ace. "Sige. Una na ko, hinahanap na ko samin." Paalam ko. At umuwi na nga ako. Pagkarating ko samin ay agad naman akong hinarang ng kapatid ko. "Ginabi ka yata ngayon. Date?" Tanong ni ate sakin "Mind your own business" Sagot ko sa kanya at dumiretso sa kwarto ko at yung kapatid ko naka buntot pa din sakin "Sino sya? Maganda ba? Kilala ko ba?" Tanong ulit nito na nakaupo na sa kama ko Hindi ko sya sinagot at pumasok na ko sa cr para makapag bihis at paglabas ko nandun pa din sya at mukhang hindi ako tatantanan hanggang hindi nakakakuha ng sagot sa mga tanong nya "So ano nga brother dear? Maganda ba?" Tanong ulit nito "Hindi" plain kong sagot "Kilala ko ba?" Tanong ulit nito "Hindi" "Kaklase mo?" "Hindi" "Paano kayo nagkakilala?" "I accidentally hit her with the ball when we were playing basketball. She got bruises and her friend demanded that I should be the one to bring her home to explain what happened" Saad ko naman "So you met her family already. Do you like her? I mean you will never bring someone to their home even when someone asks you to do so" Sagot naman ulit nito "No I don't. Naawa lang din ako sa kanya kaya hinatid ko na, walang ibang maghahatid eh and I know her brother." Sagot ko naman pabalik "Well if you say so. Sige na lalabas na ko. Good night." Saad nito at umalis na I lied in my bed and scroll on sss kaya nakita kong may posts yung mga kaibigan ko, some are tagged on me "Hi, we got new friends today. The accident was a blessing in disguise. Thanks to our very own captain @Vance" Post ni Casper with attached photo na kinunan kanina "Paki crop yung amazona" comment ni Marlon "Paki crop yung unggoy na tinubuan ng kulugo" comment naman nung Haru na nag utos sakin kanina "Ang gwapo ko para maging unggoy" reply ulit ni Marlon "Magising ka sa katotohanang hindi ka gwapo, dugyot mo naman para tawaging gwapo. Ewww" Rebutt naman nung isa "BAWAL MAGLIGAWAN DITO! MAWA KAYO SA SINGLE @Vance @Drake" Komento naman ni Casper "Yari" ani Ven "Taken na po si Haru mga kuya, malalagot kayo sa jowa nyan" - Mira "Wala namang nagliligawan dito. Yang amazona na yan liligawan ko? No thanks, over my deadass sexy body" Marlon replied "Asa ka naman na papatulan ka. Ewww" Haru replied "Tsk" Reply ko naman "Tama na yan guys, laro tayong CODM" reply naman ni Drake "Pwede sumali?" Mira replied "ML na lang" sagot naman ni Marlon "Sali kami ni Haru, kami na mage at support" Mira replied "So ang lalaro ako, mira, haru, marlon, casper" Drake replied "Marunong ba yang amazona na yan? Baka pabuhat naman yan" Marlon replied "Magaling yan mag support" Sagot naman ni Mira "Sige ano ign nyo?" Drake asked then they dropped their in game names/users "Sige sige pa rank up tayo, habol tayo sa Mythic" Casper replied kasi legend pa lang ang rank nila "Sayang wala si Kira, multi role yun" Haru replied "Anong rank na ba si @Kira?" Drake asked "Mythic na yun, haha" Haru replied ilan lang yan sa mga comments nila na binasa ko bago ako mag log out. So naglalaro din pala yun ng online games, wala sa itsura kasi nya na mahilig sya sa ganun, mukha kasing hindi e
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD