bc

BROKEN PIECES

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
drama
detective
office/work place
like
intro-logo
Blurb

BROKEN PIECES is a story of a girl who only wants to have that kind of real happiness but life and relationships are not on her side.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
KIRA'S POV *yawns* "Alas-singko pa lang pala, ang aga ko na naman magising" Bumangon na ko at tumingin muna sa bintana to know kung uulan ba mamaya or hindi para alam ko kung ano dapat ang isuot ko. "Hmmm, mukhang hindi naman uulan" Wika ko sa aking sarili at sinimulan ko ng ayusin ang higaan ko para makapag ayos na ko dahil maaga pa first class namin today. I was humming habang naliligo, hindi ko kasi maiwasan dahil sobrang saya ko ngayon. Bukod sa alam ko ng makakasama ako sa pag martsa sa graduation dahil naipasa ko na lahat ng requirements ko sa lahat ng subjects ko, anniversary din namin ng boyfriend ko. Natapos akong maligo at makapag-ayos, simple lang naman ang ayos ko, faded jeans at plain tshirt ang sinuot ko tapos naglagay ng konting pulbo then lipstick at hinayaan ko lang na nakalugay ang straight at mahaba kong buhok. Then tadaaa!! I'm all set, ready na ko to go to school. Tinignan ko din phone ko kasi tumunog. "Kira, asan ka na?" Basa ko dun sa text kaya nireplayan ko na agad to: 09xxxxxxx81 Paalis na dito sa bahay, hintayin mo na lang ako dyan. ~sent~ Lumabas na ko ng kwarto at nakita ko yung parents at mga kapatid ko na nag-aalmusal "Oh Kira kain na muna bago umalis" Pagtawag sakin ng nanay ko nung nakita nyang pababa na ko ng hagdan "Di na 'Ma, baka ma-late pa ko, hinihintay na din ako ni Haru sa labasan, sa school na lang kami kakain, sige po alis na po ako. 'Pa, alis na po ako. Hoy kayong dalawa wag kayong pasaway sa school" Turo ko dun sa kambal kong kapatid at isa isa silang hinalikan sa pisngi "Yuck ate, don't kiss me." impit na sabi ng isa sa kambal "Maka-yuck ka naman Lukas, ang ganda ng ate mo tapos ayaw mong magpahalik sakin. Pisngi lang eh. Arte" Kunwari'y tampo ko "Ate ampanget mo, hahahahah" singit naman na sabi ni Lyka" kakambal ni Luke/Lukas "Che! Dyan na nga kayo, 'Ma pasabi kay kuya hindi ako sasabay sa kanya pauwi mamaya, si Renz ang maghahatid sakin. Sige po alis na ko" Madalas kasi sumasabay ako sa kuya pag uwian na since same school din naman kami. Graduating din ang kuya ko. Share ko lang. "Kiiiiiiiraaaaa!" Sigaw ng bestfriend s***h classmate ko nung malapit na ko sa kinatatayuan nya "Makasigaw lang Haru eh no, parang nasa ibang planeta ako" I just rolled my eyes "Ang tagal mo eh, male-late na tayo, Thesis pa naman first subject natin ngayon" Sagot nya sakin. "Eh ano naman, nakapasa na naman tayo ng requirements saka nung hard bound copy ng thesis natin" Sabi ko habang nakatingin sa highway dahil nagaabang kami ng tricycle "Kahit na, alam mo naman na beastmode palagi yun" Sabi naman nito "Nandun na daw si Mira, nagtext na sakin, sayo ba? Infairness ha, ang aga nya ngayon, improving na si bes" Tawa ko habang nasa loob na kami sa taxi "Kaya nga, iba talaga nagagawa kapag wala ka ng pinoproblema at naghihintay ka na lang umakyat sa stage" Sabi naman ni Haru habang busy sa kakatext. Hmmm, katext siguro boyfriend nya. Speaking of, tinignan ko phone ko kung may message na ba galing sa kanya pero, sad to say wala kaya napabuntong-hininga na lang ako "Lalim nun ah, di ka pa din ba binabati nyang boyfriend mo? Anyways, happy anniv sa inyo. Stay strong I guess" Nakangiting wika ni Haru sakin kaya ngumiti na lang din ako "Di ko din kasi minemessage kaya wala pang text, alam mo naman yun kailangan munang ako mauna magtext bago magpaparamdam. Tss" Sabi ko na lang. After ilang minutes na byahe, bumaba na kami sa trike dahil nandito na kami sa labas ng campus. Malapit lang naman kasi yung bahay namin sa school, mga 30 mins ride lang kapag hindi traffic at nakita na nga namin yung isa pa naming bestfriend na naghihintay sa may gate. "Miiiiiiraaaaa!!" Sigaw namin pareho ni Haru kaya nagtawanan kami "Mga sira, makasigaw nasa ibang planeta ba ko?" Nakangusong sagot naman ni Mira "Haha what a coincidence, ganyan din sagot sakin ni Kira nung sumigaw ako kanina ng pangalan nya. Hahahaha" Natatawang saad ni Haru "Tara na nga, aya ko sa kanilang dalawa" at pumasok na kami sa loob. "Psssst. Kiraraaaa! Happy anniversary sainyo ng pangit mong boyfriend. Hahahahah" Pang asar ni Mira sakin "Thank you bes, pero kung maka pangit ka naman dyan akala mo heartthrob yung boyfriend mo" Sagot ko naman sa kanya "Boom! Basag. Hahahhahahaha" Tawang tawa naman si Haru "Hoy Haru wag kang tumawa dyan, mas pangit boyfriend mo kaysa sakin no" Giit naman ni Mira "Ganto na lang, pareparehong pangit mga jowa natin, di naman tayo kagandahan para maging mapili sa itsura ng mamahalin natin eh" Saad ko naman sa kanila "And here we go again, nagsalita na ang inlove nating sistah! Haha" Saad naman ni Haru "Yeah, hahaha, linangakayo" pag aya ni Mira Dumating kami sa room na wala pa yung professor namin at nagkukumpulan yung mga iba naming kaklase at nagchichismisan. Ke aga aga eh. Naupo na kami dun sa may katabi ni Gail -partner ni Mira sa Thesis and also our friend. "Hi Gail! Musta weekend?" Tanong ko sa kanya nung nakaupo na ko "Ayun masaya, nagdate kami ni Jelo" Sagot naman nito na mukhang kinikilig pa "Yiiiieeee, es es sainyo girl" Nakangiti kong sabi sa kanya. At pumasok na nga ang terror naming professor sa thesis "Good morning everyone!" Bati nito saamin "Good morning ma'am" Bati naman namin sa kanya "So as far as you know, dapat hindi na tayo magmemeet ngayon until after graduation kasi yun ang nakalagay sa syllabus ninyo, pero dahil sa ang kukupad ninyo gumawa ng thesis, nandito tayo ngayon. Ano bang mga pinaggagagawa ninyo't hindi pa rin kayo tapos?!! My god! One month na lang graduation na and still wala pa din kayong bound copies??! Do you really want to finish your course?!! At eto pa, dalawang pair pa lang ang nakapag submit and honestly, I admire them that they can follow my instructions. Halata sa kanilang gusto nilang umakyat sa stage at tawagin bilang isang graduate, pero kayong mga natitirang wala pang naisubmit at hanggang ngayon nasa editing stage pa din, ano na?!!! Wala na kong panahon para icheck yan ng icheck kung tama pa ba yang mga ginagawa ninyo, hindi lang kayo ang hinahandle kong nagte-thesis kaya pasensyahan tayo. Gusto kong grumaduate kayo pero please lang tulungan nyo mga sarili ninyo. And I got this info na kaya hindi nyo matapos tapos yan ay dahil puro kayo lakwatsa at inuman, BE A RESPONSIBLE STUDENT!!!" Mahabang sermon ng prof namin "By the way, Ms. Santos, Ms. Sandoval, Ms. San Diego at Ms. Sebastian, come to the office of the Dean mamayang lunch time, may idi-discuss daw si Dean sainyo. "Yes ma'am!" Sabay na sagot naming apat. At oo, lahat kami sa letter S nag start ang last name. Haha "Ayun lang, yung mga hindi pa tapos sa thesis, hihintayin ko kayo sa faculty room hanggang mamayang alas onse. Dismiss na." At lumabas na nga si Prof. "Waaaah!! Grabe si ma'am, huminga pa ba yun kanina habang nagsasalita? Grabe ang haba ng sinabi nya no" Hindi makapaniwalang wika ni Gail "Haha, syempre huminga pa yun Gail, kita mo naman diba" Sagot naman ni Mira "Pfffft. Haha, so anong plano natin today? Wala naman na tayong class, hapon pa ang next subject, tapos lunch naman na yung punta natin kay Dean, anong gagawin natin?" Tanong ni Haru "Tulungan natin sina Reign, Julia, Mina" Suggestion ko sa kanila "Sure no problem with me" Wika ni Haru "Me too" Wika naman ni Mira "Game!" Sabi naman ni Gail Kaya lumapit na kaming apat dun sa tatlo, para mag offer ng tulong. "Ahhm, girls, baka gusto nyo ng help, we can help you para matapos na agad kayo, dala ko yung laptop ko, pwede akong mag encode, dala din ni Gail yung kanya, then sina Haru at Mira tutulong sila sa pag edit at pag ayos." Ngumiti ako sa kanila "Waaaaaah!!! Insan! Thank you thank you talaga ng sobra, di na namin alam kung pano to matatapos lalo na't nirarush na talaga ni ma'am to" Naiiyak na sagot ni Julia "Ano ka ba insan, what are friends for diba" Sagot ko sa kanya "So guys, tara na sa library para masimulan na natin to at baka abutin tayo ng lunch" Saad naman ni Gail So pumunta na nga kami ng Library para tulungan sila sa pag edit at pag revised ng ginawa nila. We're on the middle of doing their thesis nung nakaramdam ako ng pagpunta sa cr. "Ahhhm, guys wash room lang ako ha" Paalam ko sa kanila "Uy sama ako, naiihi na ko eh" Sambit naman ni Mira "Me too, ihing ihi na ko" Sunod naman ni Haru "Seriously mga bes? Haha" Saad ko "Tss, Yoko magpaiwan dun no" Saad ni Mira "Me also, bukod sa gusto kong mag cr talaga, I can't focus on the revision kasi daldal ng daldal si Julia, Gaaahd" Saad ni Haru habang nagroroll eyes pa Pumasok kami sa washroom at nagpunta sa kanya kanyang cubicle when I'm about to sit, nakarinig ako ng may pumasok at nag uusap sa labas "I pity Kira, ang talino nya in terms of acads pero ang tanga nya. Diba anniversary daw nila ng boyfriend nya which is your bestfriend diba Lianne? Hindi pa ba nabubuking si Renz? Like one year na niyang niloloko si Kira" Saad ng isa naming classmate "Ewan ko, hayaan mo na sila, at tama lang naman kay Kira yun Jen, kung tinanggap nila ako sa group nila sa thesis edi sana naawa pa ko sa kanya at sinabi yung totoo na pinaglalaruan lang sya ng bestfriend ko at may legal girlfriend talaga yun, dito din nagaaral yung girl, lower year nga lang" Sagot ni Lianne "Oh well, I still pity her, what if she finds out about her unfaithful so called boyfriend?" Tanong ni Jen "Edi broken hearted sya. Hahahha, Tara na nga" At lumabas na silang dalawa I didn't noticed na may tumulo na palang luha sa mga mata ko, s**t. Sana joke lang yung mga sinabi nila na narinig ko "Kira! Okay ka lang ba?" Pagtatanong ni Mira sakin nung lumabas ako ng cubicle "Hmmm. Oo naman, nagjojoke lang naman siguro sila diba" Sabi ko "I doubt na joke yun. You see Kira, I saw your boyfriend last week, may kahalikan na babae, di ko na sana sasabihin sayo pero dahil may narinig ka naman na ganun, then i told you na. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo" Sabi ni Haru "Kira don't cry, sinasabi ko na nga ba eh, kaya ayaw ko dyan sa boyfriend mo dahil I can sense na may mali syang ginagawa" Pag alo sakin ni Mira dahil umiiyak na ko "Confront him bes, diba magkikita kayo later? You should know the truth, hihintayin ka namin if you want" Pagsasuggest naman ni Haru "Thanks mga bes, pero kaya ko na, kakayanin ko. haha" Tumawa na lang ako ng fake "Tara na ulit dun kina Juls" sabi ni Mira Hindi ako makapag focus sa ini-encode ko dahil sa mga naiisip ko. What if alam din nila Julia yun and they choose to stay quiet? Kasi diba close sila nina Lianne. Ay ewan. "Ako na mage-encode nyan Kira, itulog mo muna yan, gisingin ka namin kapag pupunta na tayo kay sa dean's office" Pagbo-volunteer ni Haru "Thanks bes" Sagot ko at inihilig ang ulo ko sa table "Guys, may problema ba si Kira?" rinig kong tanong ni Reign "Wala lang sa mood yan" Sagot ni Mira Hindi ko alam kung anong or ilang minuto ba o oras akong umidlip nagising na lang ako nung nagaayos na ng gamit ang mga kasama ko. Lunch time na pala "Hey sleeping beauty, buti gising ka na, tara na punta na tayo kay Dean" Yaya ni Gail. Habang naglalakad kami papuntang Dean's Office sinabi sakin ng mga kasama ko na konti na lang yung kailangan ayusin sa thesis nina Julia at pwede na itong ipaprint at ipa bound, at sabi din ni Julia na sila na lang ang gagawa ng kulang. Nakarating kami sa Dean's Office at sakto kakalabas lang din nung Thesis adviser namin "Good noon ma'am" Bati naming apat sa kanya "Magandang tanghali din sainyong apat. Pasok na kayo dahil nandyan na si Dean." Sagot ni ma'am samin. "Magandang tanghali po" Bati namin kay Dean. "So, you are Ms. Santos, Ms. Sandoval, Ms. San Diego at Ms. Sebastian" Tanong ni Chairman samin "Yes po" Sagot naming apat "I called you here to inform about your rankings. Aware naman kayo na nagkaroon na ng deliberations and meetings about the upcoming graduation ceremony ang Admin kasama ang Presidente ng campus at mga Deans at iba pang indibidwal. Dun napag usapan yung mga qualified na makatanggap ng awards. The President allows us to inform those students na kasali sa honor rolls. And kaya kayo nandito dahil kasama kayong apat dun. All of your professors, recommended you. Kaya I suggested your names dun sa panel. And I'm happy na nagkaroon ng mga estudyante na bibigyang parangal na nanggaling sa department natin. Ibig sabihin lang nun ay maganda at maayos ang pamalakad at pagtuturo ng mga professors at instructors departamento natin. Masaya din ako na ang dalawa sainyo ay consistent Dean's Lister. So congrats sainyong apat dahil may nakasama sainyo sa pagka Suma c*m-Laude at c*m-Laude" Mahabang paliwanag samin ni Dean. "Good afternoon sir" Pumasok yung isang student assistant na may dalang documents. "Eto po yung lists na galing sa registrar office sir" Pagkatapos nito ibigay kay Dean yung papel ay nagpaalam na din ito at lumabas "You can go to the bulletin board sa Main Building dahil nandun naka posts yung lists of graduating students and kung sino yung mga nag qualified mapabilang sa mabibigyan ng award. Congrats sainyong apat. Again, congratulations." Dagdag na sabi ni Dean. "Thank you po sir" Paalam namin sa kanya at lumabas na din kami ng office. Agad kaming pumunta sa Lobby ng Main Building para tignan yung list. Pagkarating namin ay agad naming hinanap yung listahan ng course namin at so far, lahat naman kaming magkaklase ay nakapasa lahat and to my surprise nasa unahan ng list yung pangalan naming apat. Bale alphabetical yung sa kaklase namin pero nasa top yung samin. "Waaaah! I can't believe this! c*m-Laude, ako??? This is unbelievable, and thanks sainyo Kira, Haru at Mira, kayo nagdala sakin sa ganitong overwhelming situation." Masayang wika ni Gail at pinagyayayakap nya kaming tatlo "Ayiiiiieeee, Congrats Ms. SUMA. Pang aasar naman nina Mira at Haru sakin "Congrats saating apat. We did very well" Sabi naman ni Haru "Congrats sa atin!" Sabi naman ni Mira "Congrats mga bes" Sabi ko naman sa kanila "Pero mas congrats sayo Kira, tingnan mo naman. SUMA" Nakangiting sabi ni Mira "Haha, ingay natin, nakakahiya" Pinagtitinginan na kasi kami nung ibang dumadaan na estudyante kasi ang lalakas ng boses namin. "Yaan mo sila. Ang mahalaga masaya tayo" Sagot naman ni Haru. Hinanap ko din sa list yung name ng kuya ko since graduating na din naman sya at hindi naman ako nabigo dahil nasa unahan din yung name nya kasi c*m Laude ang kuya. Proud sister here. Hinanap din namin ang mga names ng boyfriend namin at, pumasa naman sila at makaka graduate din. Bago kami umalis ay piniktyuran muna namin yung lists at dumiretso na kami sa cafeteria para mag lunch. After namin mag lunch, na puro kwentuhan lang ang ginawa habang kumakain. Pumunta naman kami sa may faculty room kasi nandun daw sina Reign. Pagdating namin sa may faculty room, nandun yung iba naming classmates nakapila para ipa approve for binding yung thesis nila. At sakto na lumabas din yung prof namin sa thesis. "Oh Ms. Santos, nakita nyo na ba yung lists sa lobby?" Tanong nya samin. "Opo Ma'am" Sagot ko naman. "Congratulations sainyong apat. And I heard na tinulungan nyo yung isang group kanina. Thank you for doing that and for helping your classmates." Sabi ulit ni ma'am "Thank you po ma'am" Sagot ko naman "Ah ma'am, ano pong list yun?" Singit na tanong ni Lianne "List of graduating students yun. Don't worry lahat kayo kasali dun, pero pwede pa ma cross out ang pangalan nyo hanggang di nyo pa napapasa yung hard bound copy ng thesis ninyo. Tandaan nyo, hanggang next week na lang ang submission nyan." Sagot naman ma'am sa kanya. "Tignan natin later" dinig kong sabi naman ni Jen at nag agree naman yung iba. Hindi na kami pumasok sa next subject namin nung hapon na kasi tapos naman na daw yung lecture namin at natapos na yung sa syllabus namin kaya ang ginawa namin, tumambay na lang kami sa may mini cottage sa likod ng Faculty office, habang yung iba naming classmate inaasikaso pa din yung thesis nila. "WAAAAAAAH!!!! THIS IS REALLY HAPPENING!!!" Sigaw ni Haru "THIS IS SO OVERWHELMING!!!!" Sigaw ni Gail "s**t!!! FIRST TIME IN MY OWN HISTORY! AAKYAT AKO NG STAGE WITH THAT TITLE??? MYGOSH!!! UNBELIEVABLE!!! DID I REALLY STUDIED THAT HARD??" Sigaw naman ni Mira "Ahhh ehhh, girls, stop shouting pinagtitinginan na kayo oh" Pagaawat ko sa kanila. Kasi bawat nadaan na student ay napapatingin samin "Hi kuya at ate, pwede nyo ba kami i congratulate? Kasi ahhm, ga-graduate na kami" Tumayo si Gail at hinarang yung dumadaan at tinuro si Haru at Mira "Most especially, sya" turo naman saakin ni Gail "Sya kasi ang Ms. Suma namin" sabay na saad ni Mira at Haru "Congrats sa inyong tatlo, and congrats Miss for being the Suma" Nakangiting sambit nung lalaki "Congrats mga ate, yiiiieeee sana maging katulad nyo din kami kapag grumaduate na din kami nitong boyfriend ko" Sagot naman nung babae "Kaya nyo yan, study hard lang saka focus tapos pray tapos sunod sa mga demands ng profs tapos wag muna magbuntis. Kaya nyo yan tiwala lang" Sambit naman ni Mira "Haha, opo mga ate, sige po" At umalis na sila "Lokong bata yun, hahaha, for sure this year or next year buntis na yun. Bwahahaha" Nakatawang sambit ni Mira "Loko ka bes. Haha wag naman sana" Saway ko dito Dumating ang alas singko ng hapon at hanggang ngayon hindi nya pa din ako tinitext, nagtext na ko sa kanya habang nasa cafeteria ako kanina pero hanggang ngayon wala pa ding reply. Haaays Wala na kaming subject pero wala pa kaming plano umuwi kasi may hinihintay pa kami Nakita kong papunta samin yung mga kaklase namin na kakagaling lang sa main building. "Congrats sainyo guys!" Bati ni Julia "Congrats 4S" Bati naman ni Reign Congrats mga bebe" Bati ni Mina "Congrats Mira, Haru, Gail at Congrats Kira! Ang talino mo talaga, nakakainggit" Bati ni Jen "Matalino nga, tanga naman. pffft" bulong ni Lianne pero narinig ko pa din kahit mahina lang yun Ngumiti na lamang ako sa kanila. After ilang minuto na tumambay sila dun, umalis na din agad yung iba at natira na lang kaming tatlo. Sumapit ang gabi at saka pa lang ako naka received ng text galing sa kanya. From: Babe Hon, sorry hindi kita masusundo ngayon at hindi tayo makakapag celebrate, pinauwi kasi ako ng maaga ng parents ko eh. Sorry, happy anniversary. I love you hon. Tinitigan ko lang yung message nya at nag compose ng irereply To: Babe Okay lang BABE, take your time na lang dyan. -sent- Tumulo ang luha ko dahil binasa ko ulit yung text nya. Hon? kailan pa naging Hon ang tawag nya saakin? Tinititigan ko pa din yung text nya pero nung napansin kong napatingin na sina Mira at Haru sakin. ini off ko na ang phone ko at nilagay sa bulsa ng jeans na suot ko "Oh asaan na sundo mo? Darating pa ba yun? Kung hindi na tara na" Pag aaya ni Haru "Si Gail nasaan na?" Tanong ko sa kanila "Umalis na kasama boyfriend nya, ihahatid ata sya" Sagot ni Mira "Ikaw Mira ihahatid ka ba ni Mark?" Tanong ko sa kanya "Speaking of, ayan na sya" Sagot ni Mira "Hi Love, Hi Haru at Kira, congrats sainyo at syempre sayo love" Bati ni Mark "Thanks Mark. Sige una na kami sainyo, uy Mark iuwi mo yan ng walang galos ah, sasapakin kita makuha mo" Banta ko sa kanya pero biro lang naman yun "Haha, don't worry Kira" Sabi nito kaya nag waved na kami sa kanila "Now spill it Kira" Saad ni Haru, naglalakad na kami ngayon papunta sa gate kasama din namin yung bf ni Haru kasi ihahatid daw kami sa sakayan. "Ha?" takang tanong ko sa kanya "Don't ha me dyan Kira, I know you" Giit nito "Ahhhm, haaaaays, eh kasi diba may date dapat kami, pero di sya pumunta tapos dapat ihahatid nya ko pero wala, pinauwi daw sya agad ng parents nya, based dun sa text nya, pero bakit hon tawag nya sakin? Never nya ko tinawag ng ganun Haru. Baka totoo yung narinig natin sa CR kanina" Malungkot kong sabi "Tsk. Confront him na kasi diba" Mataray na sagot nito "Ayaw ko, gusto ko sya mismo magsabi sakin nun, kusa nyang aaminin sakin" Sambit ko "Haay naku bes, di na uso martyr ngayon" Sagot din nito "Alam ko naman yun bes, gusto ko lang sya mismo magsabi ng kusa" Sagot ko na lamang "Ewan ko sayo. Sinasabi ko sayo, niloloko ka lang nun". "Kausapin mo na lang sya Kira, ang lalaking nagloloko hindi umaamin ng kusa" Wika din ng boyfriend ni Haru "Sige"sagot ko na lang Nakauwi ako ng bahay na slightly preoccupied ang utak ko dahil iniisip ko pa din yung tungkol sa text nya. "CONGRATS!!!!!" Sabay sabay nilang sigaw kasabay ang pagsabog ng confetti kaya naman nagulat ako "Congrats anak! You made us very very very happy" Naluluhang turan ni mama "Congrats anak, suma c*m-laude, pinaghirapan mo yan kaya deserve mo yang award na yan" niyakap ako ni papa "Ate congrats po!" sabay na bigkas ng kambal "Congrats princess! You made it" niyakap ako ni kuya kaya niyakap ko na din sya. "Thank you kuya Ace at congrats din sayo syempre." Tinap nya ulo ko. "Tara na sa dining at simulan ang part 1 celebration" wika pa ni kuya "Anak nasaan si Renz bakit nga pala di mo kasama?" tanong ni mama "Ahh kasi po pinauwi po sya ng maaga ng parents nya, may emergency po ata" Sagot ko "Hmmm, I see, sige kain na" At nagsimula na nga kami kumain. The evening went well, masaya na ko dahil sa surprise ng family ko sakin, di ko kasi ineexpect na may pa ganun sila para sakin. By the way, ako nga pala si Zabreene Keirah Velasco Santos, 19 years old. Kira for short. Bachelor of Public Administration and Governance ang course ko. Hindi kami mayaman hindi rin mahirap, nakakain lang ng tatlong beses sa isang araw. Public teacher yung mama ko habang yung papa ko naman ay isang pulis. May tatlo akong kapatid, yung panganay ay si Kuya Ace, graduating din sya ng college, Engineering student kasi sya kaya sabay kami gagraduate at ahead lang sya sakin ng dalawang taon. Tapos yung dalawa naman ay kambal at parehong grade 10 na, sina Luke at Lyka. May dalawa akong bestfriend. Si Haru at Mira. Haru's been my friend since elementary, same school kami lagi pero hindi kami super close dati, at nung nag college lang talaga kami saka kami naging bff. Then Mira, she's too friendly, may pagka boyish sya then ayun nag click kaming tatlo, di namin alam kung pano kami naging super close kasi may differences pa din yung mga ugali namin, like ako Tahimik, mataray snob pero mabait naman ako ng konti, si Haru Maingay sya, mataray at snob din pero friendly sya unlike me, at si Mira, sya talaga yung maingay, mataray din minsan, at friendly, we even have different fandoms na sinusupport, ako BTS, si Haru Got7, si Mira EXO pero never namin sinabayan ang mga fan wars sa social media, and thankful ako kasi kahit fangirls kami nakakapag aral pa din kami ng maayos, see the result. At isa lang masasabi ko, i'm happy to have them. Nakikinig lang ako ng kanta ng Bangtan habang nagbabasa ng story sa w*****d. Nasabi ko na ba na one of my dreams ay maging isang kilalang writer or author, minsan kapag may free time ako nagsusulat ako ng mga drafts. Hindi ko pinapublish online yung stories gawa ng di ako confident sa naisulat ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang kinukwento ko sainyo ang talambuhay ko at nagising na lang akong umaga na at kailangan ko nang mag ayos dahil may pasok kami ngayon kasi Tuesday pa lang. Nagising ako ng marinig kong tumunog yung alarm clock na nakalagay sa may study table ko and as usual bumangon na ko and did my morning rituals. After kong makapag ayos, lumabas na ko ng room ko at pumunta sa kitchen para kumain. "Good morning!" Bati ko sa kanila "Good morning din anak, kain na" Aya sakin ni mama "Good morning too princess, how's your sleep?" Bati at tanong naman ni papa "Hmmm, okay lang po 'pa. Asan yung kambal?" Napansin ko kasing wala pa yung dalawa "Kanina pa hinatid ng kuya mo sa school" Sagot ni mama "Ahh, I see" Nasabi ko na lang at tinuloy yung pagkain ko. Nakarating na ko sa campus. Hindi kami sabay ni Haru since sinundo sya ng boyfriend nya kaya wala akong choice kundi mag isa lang na pumasok although mamaya pa yung klase namin, inagahan ko lang talaga umalis ng bahay kasi ang boring dun masyado. Wala pa sina Haru at Mira kaya nagdesisyon akong tumambay muna sa may court at pinanuod yung mga varsity player ng basketball na naglalaro. Lumilipad yung utak ko kaya hindi ko napansin na may bolang papalapit sakin kaya natamaan yung braso ko kaya naman napasigaw ako kasi masakit. "Araaaaaaay! Fvck!! Sh*t!!" Naiiyak ako sa sakit kasi sobrang lakas ng impact nung bola sa braso ko. Nagsilapitan naman sakin yung mga players na parang nag-aalala. Walang tigil yung paglabas ng luha sa mga mata ko, di ko din maigalaw yung braso ko kung saan natamaan ng bola dahil parang namamanhid na din ito. (Parang ang OA ata, yaan na nga lang) "Miss, sorry, hindi namin sinasadya, dalhin ka na namin sa clinic" Pagprisinta nung ewan baka yung captain nila. "Ba't kasi ang lakas ng pagpasa mo ng bola pre, ayan tuloy may natamaan" Sabi nung isang player dun sa nagbato ng bola. "Kasalanan ko bang nililipad yung utak nyan at di naiwasan yung bola?! Tsk" Sagot naman nito. Antipatiko ang bwisit, sa isip isip ko. "Miss, okay ka lang ba? Pasensya na talaga." Hinging paumanhin ng leader nila na nakaalalay pa din sakin papasok ng clinic. "Anong nangyari dyan Mr. Madrigal?" Tanong nung nurse dun sa lalaking nakaalalay sakin. "Natamaan ng bola sa braso, tingin ko namanhid na yung braso nya kasi kanina pa yan di gumagalaw" Pagpapaliwanag nito. "Miss, okay ka lang ba?" Tanong nung nurse at sinimulang tignan yung braso ko. "Okay lang naman po, medyo masakit lang po pero kaya naman po" Sagot ko sa kanya. "Don't worry, konting pamamanhid lang yan at magkakapasa pero wala namang damage yan sa buto mo" Sabi naman nung nurse at binigay nya sakin yung isang ice bag. "Eto ilagay mo lang sa braso mo" Sabi pa nito bago ako iniwan. Lumabas kanina yung varsity team dahil may klase daw sila at ngayon halos isang oras na ko dito sa clinic. Nasabihan ko na din sina Mira at Haru na daanan nila ko dito sa Clinic. Napatingin ako sa pintuan nung bumukas ito. "Kira!" Tawag ni Haru sa pangalan ko "Errr, Haru, here" Tawag ko sa kanya "So? Nasaan yung mga walang hiyang may kasalanan nyan?" Tanong ni Haru habang tinuturo yung braso ko. "Lumabas sila kanina kasi may klase pa daw sila" Sagot ko sa kanya. "Babalik ba mga yun? Dapat bumalik yung mga yun" Irap na sabi ulit ni Haru "Ewan ko kung babalik pa dito yung mga yun, di naman nila kailangan bumalik eh, saka nasaan nga pala si Mira? I thought magkasama na kayo kanina?" Tanong ko sa kanya kasi obviously wala yung isa. "Nasa labas, kausap si Mark" Sagot naman ni Haru Sabay kaming napatingin ng bumukas ulit yung pintuan at pumasok dun si Mira kasunod yung mga hindi ko na inaasahang babalik pa dito, yung varsity team. "Kira!!!" Pasigaw na tawag ni Mira. "Hoy Mira ang boses mo wala ka sa bundok." Pag saway dito ni Haru. "Haha, sorry" Saad naman ni Mira at nag peace sign pa. "Nga pala, tong mga to ba dahilan ng pagka imbalido mo Kira?" Sabi pa nito habang tinuturo yung mga nasa likod nya. "Maka imbalido ka naman dyan Mira, nagkaroon lang ng pasa yung braso nya." Sagot naman ni Haru sa kanya. "Ooops. Ganun ba? Hindi naman pala malala eh, tara uwi na tayo wala naman ng klase eh" Sabi ni Mira habang nakatingin sa phone nya. "Walang klase? Bakit daw?" Tanong ko kay Mira. "Actually, yung mga nakapasa na ng lahat ng requirements and projects yung di na kailangan matapos kasi may grades naman na daw yung mga yun. So meaning, tayo yun kaya ano, let's go home na!" Sagot naman ulit ni Mira. Sabi kasi nung dapat sana prof namin ngayon, may pasok daw kami kaya naman pumasok din ako. "I see" nasabi ko na lang. "Ahhh! Oo nga pala, di pa pala tayo pwede umuwi. Nakalimutan kong pinapapunta nga pala tayo sa Faculty Room nung program Adviser natin, may ididiscuss daw sya" Pahabol na sabi ni Mira. "Okay" Sabay naming sagot ni Haru Patuloy lang sa pag-uusap yung dalawa at di pa din napapansin yung ibang nasa loob ng clinic na kakapasok lang at nakatayo lang dun habang nakikinig lang din sa kwentuhan ng dalawa kong kaibigan kaya naman umepal ako para makuha atensyon nila .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook