Maaga akong gumising. Nag prepare lang ako ng sandwich na babaunin ko para may madukot ako kapag nagutom sa biyahe. Excited na rin akong pumunta ng Palawan. Binasa ko ang nakalagay sa itinerary na inimail ni Jane sa akin. Bukas ang schedule ko for underground river. Ang sabi pa nito, kakilala niya ang tour guide na sasama sa akin kaya wala akong dapat na alalahanin. At sa pagdating ko mamaya ng Palawan ang tour guide na itinalaga niya para sa akin ito rin ang susundo sa akin kasama no'ng driver dala ang sasakyan ng resort na matutuluyan ko. Nagdala ako ng pang one week na damit, kahit 3 days and 4 nights lang ang nakalagay sa itinerary ko. Iniisip ko kasi baka magustuhan ko pang mamalagi roon kaya mag-e-extend ako ng ilang araw para ma-enjoy ko ang lugar. Bago mag-alas otso ng umaga

