Pagkatapos kong masilayan ang paglubog ng araw, bumalik muna ako sa tinutuluyan kong kuwarto bago ko tinungo ko ang restaurant ng resort upang kumain. Habang papunta ako sa restaurant, may napansin akong batang tumatakbo mula sa likuran ko ng lingunin ko ito. Marahil hindi nito napansin ang nakausling bato sa daan kung kaya't ito ay nadapa lalo pa at medyo madilim din ang parteng 'yon ng daan. Iiyak na sana ito ngunit nang mapansin niyang palapit ako sa kaniya, pinigilan niya ito. Dali-dali ko siyang tinulungan upang makatayo. "Are you okay?" tanong ko rito. "It hurts!" mahinang sambit nito habang hawak ang tuhod niya na nasugatan sa pagkadapa. "Let me see?" malumanay na tanong ko sa kaniya. Unti-unti naman niyang inalis ang kamay niya sa tuhod niya upang ipakita ito sa akin. May

