Chapter 4 - Bata

1516 Words
KASALUKUYAN: Natigil ang pag mumuni-muni ko nang biglang may bumusinang sasakyan sa likuran ko. Umuusad na ng very light ang traffic. Tumutugtog pa rin ang acoustic song sa stereo ng sasakyan ko. Paminsan-minsan ay sinasabayan ko kahit hindi naman ganoon kaganda ang boses ko. Bakit ba? Wala namang nakakarinig sa akin. Biglang tumunog ang cellphone ko. Si nanay tumatawag kaya ikinonek ko sa bluetooth ng sasakyan. "Hello po, magandang gabi sa maganda kong nanay," bati ko sa aking ina na nasa kabilang linya. "Nambola pa," sabi niya sabay tawa. "Anak, pauwi ka na ba?" "Opo 'nay, matraffic lang po." "Tamang-tama at sabay-sabay na tayong maghapunan, nandito na rin si Carlo," masayang wika ng nanay ko. "Sige po ba 'nay, mukhang masarap po yata ang ulam natin ah?" "Masarap talaga dahil paborito niyo to, ginataang tulingan," masigla niyang sabi. Natakam tuloy ako. Biglang may naalala ako dahil sa ginataang tulingan na iyan. Bago pa man maglakbay ang diwa ko sa nakaraan. Boses ng nanay ko ulit ang aking narinig mula sa stereo ng sasakyan ko. Oo nga pala, hindi pa tapos ang pag-uusap namin. "Anak, nandiyan ka pa ba?" untag niya sa akin. "Opo 'nay, malapit na rin po ako." "O siya sige anak, mag-ingat ka sa pagmamaneho antayin ka namin para sabay-sabay na tayong kumain," pagpapaalala ng nanay ko sa akin. Natapos ang aming pag-uusap ngunit traffic pa rin. Mabagal ang usad ng trapiko kahit gabi na. Parang ngayon lang nangyari na ganito ka-congested ang daan, madalas mabilis ang usad ng sasakyan. Hindi ako dumaan sa EDSA dahil alam kong napaka-traffic doon. Nagrerebelde na mga alaga ko sa tiyan nanghihingi na sila ng pagkain. Huli ko kasing kain kaninang tanghali pa at hindi na ako kumain ng merienda. Kaya ayan tuloy galit na sila sa tiyan ko. Umusad na ulit ang traffic. Kaya naman pala sobrang traffic may banggaang nagaganap. Nagsalpukan ang bus at ang langgam. Este bus at van. Ba't ba kasi langgam? Malala na ang gutom ko. Sa wakas nakalagpas din ako sa pinagmumulan ng banggaan at ilang saglit lang ay nakarating din ako sa bahay namin. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok kaagad sa loob ng bahay. Naabutan ko sina nanay, tatay at kapatid ko na nagkukuwentuhan. Nang tuluyan na akong makapasok nagmano kaagad ako sa mga magulang ko at tumayo rin ang kapatid ko upang humalik sa pisngi ko. "Mukhang maganda yata pinag-uusapan ninyo ah pero puwede na po ba tayong kumain? Kanina pa kasi nagrereklamo mga alaga ko eh," sabi ko sa kanila at nagpatiuna na sa hapag kainan. "Ikaw lang naman hinihintay namin ate," wika ng kapatid ko. "Nandito na ako, kain na po tayo," nakangiti kong wika sa kanila. Bago kami nag-umpisang kumain nagdasal muna kami na pinangunguhan ng kapatid ko. Masaya kaming nagku-kuwentuhan habang kumakain. Ang kapatid kong si Carlo madalang lang din kung umuuwi sa bahay. Na assign kasi siya sa Ilocos. Noong ma-promote siya sa trabaho niya, doon na siya ipinadala kaya minsan na lang siya kung umuuwi rito sa bahay. Masuwerte na ang once a week. "Carlo, paano kaya kung ikaw na lang mamahala ng isang cake shop branch natin," tumingin ako sa kaniya habang ngumunguya. "Ate, naman. Kaya mo na 'yan. Ikaw pa ba!" sabi nitong nakangiti pero kumakamot sa ulo niya. Matagal ko na kasi siyang kinukulit na siya na lang sana humawak ng isang cake shop branch namin ngunit ayaw niya talaga. Mas gusto niyang magtrabaho sa malayo. "Bakit ayaw mo?" tanong ko sa kaniya. "Ate, alam mo na ang sagot," nakangiti niyang wika. "May tinatago ka ba na ayaw naming malaman?" biro kong tanong sa kaniya. "Wala! At kung meron man kayo ang unang makakaalam," pikon niyang sagot. Naputol ang asaran naming magkapatid ng magsalita si nanay. "Anak, uuwi ba kuya mo?" tanong ng nanay sa akin. Magsisinungaling muna ako sa nanay ko dahil kabilin bilinan ng panganay niya sa akin na huwag kong ipaalam na hindi siya makakauwi. "Hindi ko po alam 'nay eh. Hindi po ba tumawag sa inyo si kuya?" palusot kong tanong. Sa tuwing uuwi kasi si kuya natataon sa kaarawan ng aming ina. "Ah ganon ba," malungkot niyang tugon. "Huwag na po kayong malungkot 'nay papangit kayo niyan, sige kayo iiwan kayo ni tatay," biro ko sa kaniya. Tumawa na lang siya ganoon din ang tatay at kapatid ko. "Lokong batang 'to," natatawang naiiling ma sambit ni nanay. Natapos ang masaya naming hapunan. Ako na ang nagligpit ng aming pinagkainan. Umuwi kasi ang kasambahay namin dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin lumapit si Carlo sa akin. "Ate, hindi ba talaga uuwi sila kuya?" tanong niya sa akin. "Hindi eh, buntis kasi si Ate Margie pero sabi ni kuya magpapadala na lang daw siya ng pera, 'yon na lang daw regalo niya kay nanay. Kaya ayaw niya na sabihin ko kay nanay alam mo naman baka tanggihan ni nanay ang pera na ipapadala ni kuya at saka niya lang daw sasabihin kay nanay na buntis si Ate kapag hawak niya na ang pera," mahaba kong paliwanag dito. "Kaya ikaw umuwi ka sa kaarawan ni nanay kahit tayo-tayo na lang." Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko. Dahil kapag hindi siya dumating babatukan ko talaga siya kapag nagpakita siya sa akin. Ganiyan namin kamahal ang mga magulang namin lahat ng mga importanteng kaganapan sa buhay nila maliit man o malaki inaalala namin. Kung hindi dahil sa kanila wala rin kami sa mundong ito. Kahit ano mang problema at unos na dadating sa buhay namin sila at sila pa rin ang takbuhan namin. Family is forever ika nga. Mawala lang ang iba 'wag lang ang pamilya. Pero paano naman kaya 'yong nakatagong lihim sa puso ko na ikinandado ko ng napakahabang panahon? Kasali rin kaya 'yon sa mawawala? Hay ewan... Natapos ko na ang gawain sa kusina. Pumasok na rin sa kuwarto niya si Carlo ganoan din ang mga magulang ko upang makapagpahinga. Maya-maya pumasok na rin ako para maglinis ng katawan bago matulog. Nakasarado na ang lahat ng pinto at pati ang gate sa labas. Kalalabas ko lang sa banyo nang tumunog ang cellphone ko. Si Marjorie. "Hoy bakla huwag kang makalimot bukas ha," sigaw niya sa kabilang linya. Oo nga muntik ko nang makalimutan. Syete talaga masiyadong occupied ang utak ko ng nakaraan kaya nakalimutan ko ang pang-iimbita ng kaibigan ko sa birthday ng jowa niya. "Fyi, hindi ko nakalimutan," pagsisinungaling ko. "Talaga lang ha," saad nito na tila hindi kumbinsido. "Oo bakla bukas na lang din ako magpapaalam kay nanay at tatay." "Kitamz nakalimutan mo kasi kung hindi kanina ka pa nagpaalam kay tito at tita," natatawa niyang wika. Hindi talaga ako makapagsinungaling sa baklang ito masiyado niya akong kilala. "Ang lakas talaga ng pang-amoy mo," natatawa ko ring sabi. "Hindi pang-amoy bakla, galingan mo kasi acting mo dahil hindi ka oobra sa akin kahit hindi kita nakikita," tumawa ito. "Oo na!" pagsuko ko. "Basta ha bukas, tatawagan kita ulit o di kaya'y ako na lang tatawag kay tita para ipagpaalam ka. Ok ba?" pagpapa-alala niya ulit. "No worries bakla ako na gagawa," I assured her. Nagpaalam na kami sa isa't isa nang matapos kaming mag-usap. Kinabukasan gumising ako ng maaga kahit sabado, wala dapat akong pasok sa shop kaso niyaya ako ni Marjorie kaya napilitan akong pumasok para malapit na rin sa meeting place namin. Nagpaalam na rin ako sa mga magulang ko na may lakad kaming magkakaibigan mamayang gabi at pinayagan naman nila ako. Nagtaka kasi sila ba't ang aga ko gumising dahil alam nila na hindi ako pumapasok tuwing sabado. Umalis ako ng bahay nang mga bandang alas nuwebe y medya ng umaga, inaabangan ko kasi ang pagbubukas ng mall dahil bibili ako ng pang regalo sa jowa ng kaibigan ko. Naisipan kong alak na lang ang ibibigay ko tutal mahilig naman itong uminom ayon sa kaibigan ko. Pero hindi naman 'yong tipo ng inuman na lasingan talaga. Circle of friends lang kasama. Tama namang magbubukas na ang mall at pumasok na rin ako. Dumiretso agad ako sa wine section at bumili ng alak at ipinabalot ko ito ng mabuti. Akmang tatalikod na ako nang may humihila sa laylayan ng damit ko. Agad na nilingon ko ito. Isang batang babae at umiiyak ito. Yumuko ako para magpantay ang aming mga mata. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa bata. Wari ko mga nasa apat o limang taong gulang ito. "I'm looking for my daddy," humihikbi niyang sambit. "Tahan na hanapin natin daddy mo. Ok?" sabi ko sa kaniya upang tumahan na ito sa pag-iyak. Nagpaikot-ikot kami sa loob ng supermarket. Hinawakan niya ang kamay ko. Tumigil na rin siya ng kakaiyak habang hinahanap namin ang daddy niya. "I saw him already!" excited na sambit ng bata. At bigla na lang ito kumalas sa kamay ko. "Thank you po!" nakangiti niyang wila sabay takbo palayo sa akin. Nakita niya lang ang daddy niya iniwan na ako. Ang kyut niya at ang sarap kurot-kurutin ang pisngi. Hindi ko na tiningnan ang mukha ng daddy niya. Napapailing na lang ako na natatawa sa bata habang tumatakbo papunta sa daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD